“PUWEDE ka nang magsimula,” utos ni Kurt kay Krypton matapos ang pag-uusap nila ni Achilles. Agad namang tinungo ni Krypton ang katawan ni Ulysses. Tumabi naman ang mga kaibigan ni Achilles upang bigyang-daan si Krypton. Nang makalapit si Krypton sa katawan ni Ulysses ay agad nitong sinalat ang noo ng natutulog. “Wala siyang sakit,” ani Krypton sa kanilang lahat. “Ang sugat lang naman niya ang dahilan kung bakit hindi siya magising,” paliwanag pa nito habang sinisipat ang sugat ni Ulysses sa balikat nito. “Kaya mo ba siyang gisingin?” usisa ni Achilles. Sinulyapan ni Krypton si Achilles. “Susubukan ko siyang gamitan ng kapangyarihan ko pero hindi ako siguradong magigising ko siya,” tugon ni Krypton. “Gawin mo lahat ng magagawa mo para hindi masayang ang pagpunta natin dito pati na

