Chapter 42

1113 Words

“MAY IBA pa po bang nilalang na dapat kong malaman bukod sa mga bampira at taong lobo? Parang nakakatakot naman po yata ang ipinapagawa ninyo sa akin,” kinakabahang sabi ni Penelope. Paano ba siya nasuong sa ganitong klaseng usapan? Ang gusto lang naman niya ay tulungang gumaling ang nobyo niya. Pero bakit kailangan pa niyang madamay sa buhay ng mga kakatwang nilalang na ito? Hindi kaya malalagay naman sa alanganin ang buhay niya dahil lang sa kagustuhan niyang tumulong? “Ang nalalaman mo tungkol sa mga bampira at taong lobo ay sapat na muna sa ngayon. Iyon lang naman ang importante sa ngayon. Saka mo na alamin ang iba pa,” pahayag ng lolo ni Ulysses. Gano’n? Ibig sabihin ay may iba pa ngang kakaibang nilalang bukod sa mga bampira at taong lobo. Tama bang makialam sa buhay ng mga nilal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD