SO, ANG gusto ninyong mangyari ay pupunta ako sa Crescent dahil hindi kayo maaaring pumunta roon, ganoon po ba?” paninigurong tanong ni Penelope pagkatapos niyang marinig ang mahabang kuwento ng matanda. “Tama ka, iha, ganoon nga ang ibig kong sabihin,” sang-ayon naman ng lolo ni Ulysses. “Kung gano’n ay kailangan akong ihatid ni Achilles dahil hindi ko alam kung paano makakarating doon,” katwiran niya. Hindi pa niya narating ang lugar na sinabi ng matanda kaya paano niya ito mapupuntahan. Isa pa ay hindi siya marunong mag-drive ng sasakyan, kaya paano siya pupunta roon? Alangan namang lakarin niya iyon. Kung iyong kagubatan na dinaanan nila ay inabot sila ng oras bago ito natawid, paano pa kaya ang sinasabi nilang Crescent? Mas malayo pa ito base sa kuwento ni Sir Tristan. Nagpakawal

