“IHA, HINDI maaari ang iyong nais. Mga katulad mo lang ang makakarating sa lugar na sinasabi ko. Mapanganib sa mga kauri namin ang tumapak sa lugar na iyon,” mahinahong wika ni Sir Tristan. Napakamot ng ulo si Penelope. “Ano pong ibig ninyong sabihin? Bakit hindi puwedeng pumunta sa lugar na iyon si Achilles?” Anong problema ng matandang ito kay Achilles? Huminga ng malalim ang matanda saka ito sumagot. “May dapat kang malaman tungkol sa amin, iha? Sana ay huwag kang mabibigla. Sana rin ay hindi magbago ang isip mo. Umaasa akong tutulungan mo pa rin ang apo kahit malaman mo ang totoong pagkatao niya,” makahulugang pahayag ni Sir Tristan. Biglang sinalakay ng matinding kaba si Penelope. Isa-isa niyang tiningnan ang mga kaharap niya. Napakapit din siya ng husto sa armrest ng kinauupuan n

