KAPAPASOK lang ni Penelope sa gate nang mapansin niya si Achilles na nakasandal sa kotse nito habang ang mata ay nakatutok sa cellphone. Maingat ngunit mabilis na naglakad siya diretso sa likurang bahagi ng bahay ng mga Villavista. Kauuwi lang niya galing ng dorm. Dalawang araw na ang nakaraan mula ng matapos nila klase sa second sem. Pero hindi siya agad nakauwi dahil marami pa siyang tinapos na gawain sa dorm. Naglinis pa sila ng kani-kanilang kuwarto, pati na ang mga naka-assign na territories sa kanila. Bukod doon ay may mga binayaran pa siyang mass work, general cleaning, at violations. Kaya inabot siya ng ilang araw bago tuluyang nakauwi. Dinala na rin niya pauwi ang mga

