NAGMAMADALING bumaba ng jeep si Penelope. Nang sipatin niya ang suot na relo ay seven-thirty na. Ibig sabihin ay magsisimula na ang academic procession. Binilisan niya ang paglalakad. Nadaanan niya ang napakaraming estudyante na nakasuot ng toga at nakapila. Sa kapal ng mga tao ay hindi niya makita ang hinahanap niya. Palinga-linga siya habang naglalakad. Kung alam lang niya na ganito pala karami ang mga tao tuwing graduation sa SMU, sana ay sumabay na lang siya kina Achilles kanina. Tinawag siya ng kaibigan bago sila umalis pero tumanggi siya. Nahiya kasi siya dahil naroon ang mga magulang nito pati na ang kapatid na si Louise. Pakiramdam niya ay maa-out-of-place siya dahil family a

