TARA NA,” anyaya ni Steve kina Penelope at Kurt nang ihinto nito ang SUV sa harapan nila. Nagmamadaling lumapit si Penelope sa sasakyan. Akmang bubuksan niya ang passenger door nang maunahan siya ni Kurt. “Thank you,” nakangiting wika niya rito nang pagbuksan siya nito ng pintuan. Tumaas lang ang kilay nito bago marahang isinara ang pinto. Sumakay ito sa harapan, sa tabi ni Steve. “Okay itong lakad natin. Makakapasyal ulit tayo. Matagal na rin na hindi natin nakita si Krypton,” kuwento ni Steve. Halatang masaya ito habang nagmamaneho. “Ikaw lang naman ang masaya. Kung ako lang, ayaw kong lumabas ng Blanc Crescent,” seryosong sabi ni Kurt. Nilingon ni Steve ang katabi nito. “Bakit naman? Ayaw mo bang makita si Krypton? O ayaw mong iwan si Barbie?” “Change topic,” walang ganang sab

