PAGKATAPOS ng pag-uusap nila ay ibinalik kay Penelope ang mga gamit na kinuha sa kanya nina Kurt at Steve. Maliban sa pulang panyo, naibalik sa kanya ang bag, relo, at kuwintas niya. Ang katwiran ng Alpha King ay ebidensiya daw ito ng pakikipagkasundo ng mga bampira sa mga taong lobo. Kaya hindi na niya pinilit pang kunin ito pabalik sa kanya. Hindi rin naman niya pagmamay-ari ang panyo, ipinagkatiwala lang ito sa kanya. Nakakapagtaka lang kung paano nalaman ng Alpha King na gustong makipagkasundo ng mga taga-Leger sa mga taga-Crescent. Marahil, may mahikang bumabalot sa pulang panyo kaya nagmistula itong parang papel na naglalaman ng mensahe o sulat. Kakaiba talaga ang kapangyarihan ng mga nilalang na ito. “Mauna na kami ni Beta Serge sa Rouge. Sumunod na lamang kayo, Kurt,” sabi ni Alp

