NAPALUNOK ng ilang beses si Penelope. “Sinundo po ako ng kaibigan ko at dinala sa Leger. Tatlong taon na kasing hindi gumigising ang nobyo ko. Sabi nila baka daw makatulong ako para mahanap ang lunas sa sakit niya. Kaya inutusan nila ako dito sa Crescent,” diretsong sabi niya. “Bampira ang nobyo mo?” kunot-noong tanong ng Alpha King. Tumango si Penelope. “Kalahating tao at kalahating bampira si Ulysses. Ang Mama niya ay isang bampira pero tao ang kanyang Papa,” maikling paliwanag niya. Umupo ang Alpha King at dinampot nito ang pulang panyo. “Galing po sa pinuno ng konseho ng Leger ang panyong iyan. Ang bilin nila ay ibigay ko raw sa inyo,” sabi ni Penelope. Inilatag ng Alpha King ang panyo sa mesa. Mahabang sandaling nakatitig lang ito sa panyo. Tahimik ito at walang imik. Maging a

