“NANDITO na tayo,” anunsyo ng lalaking mas maputi at mas matangkad na nauunang naglalakad. Napahinto sa paglalakad si Penelope. Ganoon din ang lalaking kasabay niya sa paglalakad. Awtomatikong napatitingin siya sa bahay na nasa harapan nila. Oops! Hindi yata bahay ito. Palasyo yata ito katulad ng tahanan ng mga magulang ni Ulysses. Ito na ba ang tahanan ng Alpha King? “Kaninong tirahan ito?” curious na tanong ni Penelope. “Hindi ba’t sinabi mong gusto mong makausap ang Alpha King kaya dinala kita rito tulad ng pangako ko,” tugon ng lalaking mas maputi. “Ah, okay.” Iyon lang ang naisagot niya. Muli siyang napatingin sa bahay. Ang laki talaga nito. Mas malaki pa yata sa bahay nina Tita Mariana. Lumapit sa pintuan ang kausap niya. Pinindot nito ang doorbell. Ilang sandali lang ay bu

