“HANGGANG diyan ka na lang.” Iyon ang narinig ni Penelope nang subukan niyang ihakbang ang mga paa patungo sa pamayanan. Awtomatikong umangat ang kanyang tingin sa pinanggalingan ng boses. Ilang metro mula sa kinatatayuan niya ay naroon ang dalawang matipunong lalaki. Bukod sa magandang pangangatawan ay parehong matangkad at magandang lalaki ang mga ito. Ngunit ang isa ay mas maputi samantalang kayumanggi naman ang kasama nito. Napalinga sa paligid si Penelope bago muling bumalik ang titig sa dalawang kalalakihan. “Ako ba ang kausap ninyo?” Itinuro niya ang kanyang sarili. “Ano sa palagay mo? Wala namang ibang tao na naligaw dito, maliban sa iyo,” sarkastikong sagot ng mas matangkad at mas maputing lalaki. Napahawak si Penelope sa kuwintas na suot. Naramdaman niyang mainit ito. Ibi

