Chapter 26

1069 Words

TAHIMIK si Penelope habang nakaharap sa hapag-kainan ng umagang iyon. Halos hindi niya nagagalaw ang pagkain sa harap niya. “Anong nangyari sa iyo, anak? Hindi mo ba gusto ang ulam?” tanong ng Mama niya nang sulayapan siya nito. Napalingon si Penelope sa kanyang ina. “Pasensiya na po. Wala po kasi akong ganang kumain,” simpleng sagot niya. Pinagtabi niya ang kutsara at tinidor bago siya uminom ng tubig. “Babalik na po ako sa kuwarto ko,” aniya pagkatapos maibaba ang basong wala ng laman. Akmang tatayo na siya ng pigilan siya ng Mama niya. “Maupo ka muna, anak. Pag-usapan natin kung anuman ang problema mo,” masuyong sabi ng kanyang ina. Napapikut siya ng wala sa oras. Ang totoo niyan ay inaantok pa talaga siya. Ilang beses siyang nagising kagabi. Hindi siya makatulog ng maayos dahil s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD