SABADO noon at walang pasok sina Penelope pero maaga pa rin siyang gumising ng umagang iyon. Kasalukuyan siyang naglilinis ng kanyang kuwarto nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Natarantang hinanap niya ito sa kanyang higaan kung saan niya laging inilalagay. Ngunit wala ito sa kama niya o sa ilalim ng kanyang unan. Tiningnan niya sa kanyang study table, nagbabakasakaling naroon pero wala pa rin doon. Patuloy sap ag-ring ang kanyang cellphone kaya sinundan na lang niya ang tunog nito. May naririnig siyang tunog malapit sa kanyang bag. Kaya binuksan niya ang bag at nakalkal niya roon ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya ang screen ng cellphone, pangalan ng Mama ni Ulysses ang nabasa niya roon. Kinakabahang sinagot niya ang tawag. “Hello po! Magandang umaga,” bati niya. “Pen

