HABANG nasa restaurant ay panay ang asikaso ni Ulysses kay Penelope. Halos subuan na siya nito habang kumakain sila. Nahihiya na si Penelope sa inaasal ng nobyo. Panay kasi ang tingin ng magulang nito sa kanilang dalawa. “Ayaw mo na?” tanong ni Ulysses ng ibaba ni Penelope ang kutsara at tinidor na ginamit niya habang kumakain. “Busog na ako, eh,” simpleng sagot ni Penelope. “Ang bilis mo namang matapos. Paano ba iyan? Kailangan daw nating ubusin lahat ito. Dapat walang matitira, hindi ba Mama?” Sinulyapan pa ni Ulysses ang ina nito. “Ah, oo. Dapat maubos lahat ng in-order natin. Unless, gusto ni Penelope na i-take out ang iba dito,” nakangiting pahayag ng ginang. Napailing si Penelope. “Ah, hindi na po ako mag-uuwi. Ubusin na lang namin ni Ulysses.” Nakakahiya ng masyado kung mag

