Chapter 22

1396 Words

“NAKAALIS na ba sila, anak?” tanong ng Mama ni Penelope nang bumalik siya sa bahay nila. “Opo, Mama. Kaalis lang po nila,” tugon niya. “Anong sabi ng Mama ni Ulysses sa iyo?” untag ng Mama niya. “Wala naman po. Ano po ba ang dapat niyang sabihin?” naguguluhang tanong ni Penelope. “Gusto ko lang malaman kung may nabanggit siya tungkol sa atin, sa bahay natin. Hindi ba siya nagagalit o naiinis?” muling ungkat ng Mama niya. Kumunot ang noo ni Penelope sa tanong ng ina. Hindi niya maintindihan kung bakit naisip ng Mama niya ang ganoong tanong. “Wala naman pong sinabing ganoon ang Mama ni Ulysses. Bakit ninyo naitanong?” Napakamot ang Mama niya sa ulo nito. “Nag-aalala lang ako. Bakit hindi mo man lang kasi sinabi na pupunta dito si Ulysses? Tapos kasama pa ang Mama niya. Nakakahiya tu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD