“MAMA, anong pinag-uusapan ninyo ni Penelope?” Biglang nag-init ang pisngi ni Penelope nang marinig ang tinig ni Krypton. Nilingon niya ito at nakita niyang naglalakad ito papunta sa kanila. Patay! Baka narinig nito ang usapan nila ng Luna. Ano na lang kaya ang iisipin ni Krypton? “Ah, sinasabi ko lang naman kay Penelope na ang tipo niya ang gusto kong maging susunod na Luna ng Rouge Crescent,” para walang anumang sabi ni Luna Karina. Lalong uminit ang pisngi ni Penelope sa sinabi nito. Marahil ay kasimpula na ng hinog na kamatis ang mukha niya. “Mama, naman, eh. Huwag kayong magbiro ng ganyan. Nakakahiya kay Penelope,” nagkakamot ang ulong wika ni Krypton. “Wala namang masama sa sinabi, ah. Malay natin, magbago ang ihip ng hangin. Baka biglang maghiwalay si Penelope at ang nobyo ni

