NAGPAIKOT-IKOT siya sa harap salamin. Isang yellow off shoulder dress ang suot niya, at isang flat sandals naman sa paa niya. Ngayon ang usapan nila ni Leo na magkikita sila. Gusto niyang lalong gumanda sa paningin nito kaya naglagay siya ng manipis na foundation sa mukha at konting blush on sa pisngi. Nagpahid siya ng red lipstick sa labi. Nagsuot din siya ng isang set ng jewelry sa katawan na may pendat na sunflower. Ngumiti siya ng makita ang repleksyon niya sa salamin. Lalong tumingkad ang kaputian niya. Napasimangot siya dahil hindi niya makakasabay si Leo sa pagpunta sa bayan dahil umalis din ito kagabi ng may tumawag dito. Nagbilin naman ang binata na magkita nalang sila doon ng alas otso ng umaga. Masaya na siya dahil kahit alam niyang napakabusy ni Leo sa trabaho ay naisis

