[Regina] INABOT din siya ng isang oras sa labas ng magpasya siyang pumasok na. Natigil siya sa paghakbang ng may dumating na dalawang sasakyan. Bumaba si Leo sa isa at si Draken naman sa isa, pero may akay ang huli na tila lasing na lalaki dahil sa kung wala si Draken ay baka nasubsob na ito sa lupa. "Damn it, Piero! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo." Tila galit ang boses ni Draken. "A-ako pa huh?!" Pinilit tumayo ng lalaki. "K-kasalan lahat ito ng gag*ong ito." Pilit nitong lumapit kay Leo. Naitakip niya ang kamay sa bibig ng sapakin nito sa Leo. Gusto niya lapitan ang binata pero tila napako ang paa niya sa lupa. "G*go ka! Alam mo 'yan!" Bitaw nito ng salita bago pagewang gewang na umalis dahil sa kalasingan. Pinahid ni Leo ang dugo sa gilid ng labi. Nakita niya ang paghawak ni Dr

