[Regina] PAGKAHAPON ay naisipan niyang puntahan ang bahay ng kababata ng mama niya. Isinama na rin niya si Choco. Nang malapit na sila sa bahay ay tumakbo si Choco papunta sa bahay pero hindi ito dumaan sa harap kundi sa likuran. Sinundan lang niya ito. Nabuksan niya ang pintuan sa likod. Tulad noong una siyang nagpunta ay malinis ang lugar pero wala paring tao. Hindi rin sila nagtagal ng magpasya siyang umalis na pero hindi pa siya nakakalayo ay nakita niya ang paghinto ng sasakyan sa harap ng bahay. Hindi makapaniwala na napanganga siya. Si Leo ang bumaba at nakita niya ang pagpasok nito roon. Nagpasya siyang bumalik at maghintay sa harap para hintayin ang paglabas nito. Ang pagsilay ng ngiti sa labi niya ay hindi mapigilan. Hindi niya akalain na ito pala ang sinasabi ng matanda

