[Regina] PAGDILAT ay agad niyang hinawakan ang labi. Parang panaginip lang ang nangyari kagabi. Nagtatalon siya sa tuwa. Boyfriend na niya si Leo! OMG! Bago lumabas para magdilig ng mga halaman ay sinigurado niya muna na maganda siya bago lumabas. Naglagay siya ng manipis na lipstick at nagpulbo ng kaunti. "Ganda mo talaga, Regina." Kausap niya sa sarili habang nakatingin sa salamin. Matapos magpaganda ay lumabas na siya para magdilig, at syempre para na rin makita ang boyfriend niya. Habang nagdidilig ay panay ang hawak niya sa labi. Hindi siya mapakali at hindi makapaniwala. Parang panaginip lang kasi. Hindi niya akalain na magkakatotoo at mangyayari ang pangarap lang niya. Ngumiti siya ng makita si Leo na nakalalabas lang. "Good morning." Halatang pinipigilan nito ang ipakita

