[Regina] HABANG naghahalo siya ng niluluto niya ay hindi siya mapakali, nahihiya pa rin siya dahil sa nangyari kanina, tapos nasa likuran niya pa ang boyfriend niya! Gusto man niyang pagsawain ang mga mata dito dahil sa kagwapuhan nito ay hindi naman siya makatingin dito dahil nga sa hiya. Halatang bagong ligo ito dahil medyo basa pa ang buhok nito at nakasando na ito ngayon at shorts short. "I'm sorry nga pala tungkol sa... about kanina." Hindi lumilingon na sabi niya. "Ako ang dapat magsorry, dapat hindi ako pumasok ng walang paalam. I'm sorry." Humarap siya rito. Parang huminto ang paghinga niya ng magkasalubong ang mga mata nila. Nauna na siyang nag iwas ng tingin dito. Hindi niya matagalan ang titig nito. Pagkatapos niyang magluto ay nagsandok na siya ng ulam. Si Leo naman an

