[Regina] AGAD NA hinanap ng mata niya si Leo nang magmulat siya ng mata, pero hindi niya ito nakita. Napangiwi siya nang magtangka siyang umupo dahil masakit ang buo niyang katawan, partikular sa gitnang bahagi ng kanyang hita. Napangiti siya ng maalala ang nangyari sa pagitan nila ni Leo. Dati ay hindi sumagi sa isip niya na magkakaroon siya ng mamahalin ng sobra, na magkakaroon siya ng papahalagahan higit pa sa buhay niya. Nakita niya na may damit siyang nakatupi na nakapatong sa bedside table. Malinis iyon at sigurado siya na kinuha iyon ni Leo sa bahay niya. Nang matapos magbihis ay nagpunta siya sa kusina. Tama nga ang hinala niya dahil naroon ang binata. Nakatalikod ito habang nagluluto. Wala ito pang itaas kaya kitang kita ang nakakatakam na katawan nito. "Sarap titigan." Na

