[Regina] NAKANGITING dinadama niya ang hangin na humahampas sa mukha niya habang nakayakap kay Leo na nagmamaneho ng motor. Dati nakahawak lang siya sa balikat nito, ngayon ay nakayakap na siya dito ngayon. Pangarap lang niya dati ang binata. Pangarap na mahalin siya nito. Pangarap na pansinin at mapasakanya ito. Ngayon ay natupad lahat ng iyon. Hinigpitan niya ang yakap dito. Inamoy niya rin ang mabangong amoy nito na kinakaadikan ng ilong niya. Lalaking lalaki ang amoy. Ang sarap sa ilong. Kaya hinahanap hanap niya ang amoy nito pagwala ito. Hindi siya sanay na hindi ito naaamoy sa loob ng isang araw. Halos magkasama na sila palagi. Kulang na nga kang ay tumira siya sa bahay nito o ito ang tumira sa bahay niya. Namangha siya ng magpunta sila sa bayan ay napakaraming tao. Halos l

