ISANG simpleng puting bestida ang isinuot niya na lagpas tuhod ang haba. Nang makita siya ni Leo ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa na para bang ngayon lang siya nito nakita na nagsuot ng ganoon.
Sa pagkakataong ito ay sa isang owner jeep sila sumakay. Kulay itim na polo ang suot ng binata na binagayan ng khaki short na kulay beige. Hindi katulad noong nakaraan, mukha nang bago ang rubber shoes nito at halatang mamahalin.
Maghaharvest lang sila ng mangga pero daig pa nila ang madi-date sa ayos nila. Napangiti siya sa naisip.
"Dito ka lumaki?" Basag niya sa katahimikan.
"Hindi." Maikli na sagot nito.
Tumango siya. "Nagbabakasyon ka lang dito?"
Binagalan nito ang pagpapatakbo. Sumulyap ang binata sa kaniya. "No. I'm planning to stay here for good." Sagot nito bago ibinalik ang tingin sa daan.
Marami pa siyang gustong itanong pero mas pinili na lang niya na manahimik sa ngayon. Marami pa naman panahon para kilalanin ang isa't isa.
"Ikaw balak mo na ba manirahan dito?" Hindi inaalis ang mata sa daan na tanong nito.
"Oo." Narito ka kasi...
Tumango tango ito. "Hindi mo ba hinahanap hanap ang buhay sa maynila? I mean, iba dito sa lugar na ito. Malayong malayo sa kinalakihan mo."
Nakuha niya ang ibig nitong sabihin. "Plano ko sana na magbakasyon lang noong una pero nagbago na ngayon ang isip ko." Lihim siyang sumulyap sa binata. Kita nya ang pagkunot ng noo nito. Narito ka na kaya gusto ko na dito. Dugtong ng utak niya.
Nang makarating sila pupuntahan ay hindi niya napigilan ang mapa-wow.
Bukod sa napakaraming iba't ibang uri ng mga tanim ay napakarami din uri ng iba't ibang hayop.
"Buti nakarating ka." Sinalubong sila ng isang lalaki na hindi nagpapahuli sa kagwapuhan kay Leo.
Napatulala siya saglit. Matangkad din ito katulad ni Leo. Matipuno ang katawan. May matangos na ilong katulad ng mga hollywood actor. Mapula ang manipis nitong labi na parang hindi nasayaran ng sigarilyo.
May pagtataka sa mukha nito ng makita siya pero agad din iyong nawala.
"At sino naman ang magandang binibini na kasama mo?"
Tinanggap niya ang nakalahad nitong kamay. "Ako nga pala si Regina, pero you call me Gina"
"Draken Sanchez, my goddess. Nice to meet you."
Ngumiti siya rito. "Nice to meet you too."
Matapos nila magpakilala sa isa't isa ay sinamahan siya nitong maglibot. May panghihinayang sa puso niya dahil hindi niya kasama si Leo. Tumulong ito sa mga tauhan nila Draken magharvest ng mangga.
Masayang kasama si Draken. Habang naglilibot sila ay panay ang hirit nito ng mga joke na talaga naman nakapagpatawa sa kanya.
Nang napansin nito na pagod na siya ay saglit silang nagpahinga.
Nag iwas siya ng tingin nang mapansin ang titig nito sa kaniya. May kakaiba itong tingin na hindi niya mapaliwanag. Naiilang siya.
"Wala kang boyfriend, right?."
Maang siyang tumingin dito. "Paano mo nasabi?"
"Una, hindi ka sasama kay Leo dito kung may boyfriend ka. Pangalawa, imposibleng boyfriend mo si Leo."
Imposibleng boyfriend mo si Leo
"P-paano mo nasabi na hindi ko boyfriend si Leo?" Puno ng pagtataka na tumingin siya kay Draken.
"Hindi marunong magmahal yan." Anito sabay halakhak.
Parang may bumara sa kaniyang lalamunan. Kung ganoon wala palang pag asa na magustuhan siya nito?
"Sabay kami lumaki niyan ni Leo. Kaya kilalang kilala ko yan." Bumaling ito sa kaniya. "Tara may ipapakita ako sa 'yo." Hindi na siya nakatanggi ng hawakan nito ang kaniyang kamay at hilahin.
WOW! Mangha na mangha siya sa nakikita. Kulang ang salitang maganda para ilarawan ang lugar na nasa harapan niya.
Bukod sa napakalinaw ng tubig na umaagos paibaba ay napapaligiran din ng iba't ibang uri ng mga bulaklak ang falls na nasa harapan niya. Maririnig mo rin ang huni ng mga ibon.
Tumakbo siya sa gilid at umupo. Binasa niya ang mga kamay sa tubig. Masayang tiningnan niya ang maliliit na isda na kitang kita sa malinaw na tubig.
"Ang ganda, hindi ba." Si Draken.
Tumango siya. "Oo. Sa 'yo pa rin 'to?" Nilingon niya ito. Nag iwas ito ng tingin sa kaniya.
"Oo." Bumuga ito ng hangin. "Ano, tara na. Baka hinahanap na tayo ni Leo. Pwede ka naman bumalik dito anytime."
"Talaga? Sige ha, sinabi mo yan." Masayang sambit niya. Babalik talaga siya rito.
"Ang tagal niyo. Nandito lang pala kayo."
Pareho sila napalingon ni Draken sa kararating lang na si Leo.
"Kakain na. Kanina pa namin kayo hinahanap."
Tumayo siya. "Leo, tingnan mo, dali!" Masayang hinila niya si Leo para ipakita ang maliliit na isda na nakita niya.
Ngunit tila wala itong pakialam na nakatitig lang sa kamay niya na nakahawak dito. Parang napapaso na binitiwan niya ang kamay nito.
"Halika na, Gina. Gutom na rin ako." Ani Draken na nakahawak sa tiyan.
"Tara na. Ako din gutom na." Halos bulong nalang na sabi niya.
Nadala na naman siya ng emosyon niya. Sa tuwing kasama niya si Leo ay parang hindi niya napipigilan ang sumaya. Dapat ba magtapat na siya rito?
MAGDIDILIM na nang magpasya silang umuwi. Maraming gulay at prutas silang dala.
"Ingat kayo, Leo." Lumapit sa kaniya si Draken. "Ikaw din, Regina. Mag iingat ka."
"Salamat, Draken."
"Gina, pwede ka bang," humawak ito sa batok na parang nahihiya. "bisitahin sa inyo?"
"Syempre naman." Lumaki ang ngiti nito dahil sa sinabi niya. "Basta ba hayaan mo akong bumisita ulit dito. Gustong gusto ko 'yong falls mo." Pag naaalala niya iyon ay nasasabik siyang bumalik ulit. Sa sunod na balik niya ay sisiguraduhin niyang magdadala na siya ng swimsuit.
HABANG nasa daan ay panay ang sulyap niya sa tahimik lang na si Leo. Blangko lang ang expression nito habang nakatingin sa daan.
Hindi marunong magmahal yan
Paulit ulit na naririnig niya ang sinabi ni Draken sa kaniya tungkol kay Leo.
Hindi daw marunong magmahal ang binata. Pero bakit? May dahilan ba? Nasaktan na ba ito noon kaya takot na magmahal ngayon?
Maraming katanungan ang pumapasok sa isip niya. Gusto niyang malaman ang sagot pero hindi niya alam kung paano. Gusto niya tanungin ito pero wala siyang lakas ng loob.
Nabubuhay ang takot sa dibdib niya pagnaiisip niya na baka totoo ang sinasabi ng kaibigan nito.
Mayroon pa palang tao na hindi marunong magmahal sa panahon ngayon.
Dahil sa pagod ay nakaramdam agad siya ng antok. Humikab siya.
"Pasensya na kung napagod kita."
Nawala ang antok niya ng magsalita si Leo.
"Ayos lang. Nag enjoy naman ako." Nakatingin lang siya sa binata na tutok na tutok ang mata sa daan.
"Mukha nga." Saglit itong sumulyap sa kaniya kaya naman napaupo siya ng tuwid.
"Sa sunod isama mo ulit ako pagpupunta ka doon. Please." Pakiusap niya.
Sumulyap na naman ito sa kaniya. "Sige. Kung 'yan ang gusto mo."
Yes!
"Leo." Tawag niya rito.
"Bakit."
"Nagmahal ka na ba—ay kabayo!" Kung hindi lang siya naka seatbelt ay sigurado na basag na ang mukha niya ng mga sandaling iyon sa biglang pagpreno nito.
Walang emosyon ang mga mata na tumingin ito sa kanya. Kinakabahan siya dahil baka nagalit ito.
Masyado bang personal ang tanong niya?
Pinaandar muli nito ang owner. Akala niya ay hindi na ito sasagot pero mali siya. Sinagot nito ang tanong niya.
"Hindi, at kahit kailan hindi mangyayari iyon."
At kahit kailan hindi mangyayari iyon
Humawak siya sa dibdib ng kumirot iyon. Ibig sabihin ba noon ay wala na siyang pag asa?
"B-bakit naman, Leo. Masarap kaya ang magmahal." Mahinang sabi niya.
"Masarap?" Ngumisi ito sa unang pagkakataon. "Bakit nagmahal kana ba?"
Huminto na ang sasakyan. Nasa tapat na pala sila ng bahay ng lolo niya.
Hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya. Gusto niya hawakan ang makinis nitong mukha pero natatakot siya na baka umiwas lang ito.
Huminga siya ng malalim. "Nagmahal na ako." Tumingin siya sa labas ng sasakyan. Ramdam niya ang titig nito sa kaniya. "Masarap naman talaga magmahal, Leo." Sumulyap na siya rito.
"Lalo na pagmahal ka ng taong mahal mo." Ngumiti siya ng pilit.
Ang kaninang nakangisi na mukha nito ay napalitan nang pagkalito.
"Sa ngayon nasasabi mo lang 'yan kasi sarado pa ang puso mo." Lumapit siya rito at inilapat ang kamay sa malapad nitong dibdib. "Subukan mong buksan ito, malalaman mo kung ano ang ibig kong sabihin." Dugtong niya habang nakangiti.
Kahit ang totoo ay gusto na niyang umiyak sa sakit. Maliit pala talaga ang chance na mahalin siya nito.
"Inaantok ka na. Pumasok ka na sa loob." Inalis nito ang kamay niya na nasa dibdib nito.
Mapait siyang ngumiti. Wala na nga yata talagang pag asa na makapag asawa siya.
Wala na rin pag asa na magustuhan siya nito. Nung nanonood lang siya ng korean nobela ay puro kilig ang nangingibabaw sa kanya. Akala niya ay ganoon kadali ang magmahal. Akala niya ay palaging masaya lang.
Pero hindi pala.
Ibang iba pala ito sa totoong buhay.
Natigilan siya nang maramdaman na parang nanginginig ang katawan niya. Kinapa niya ang sariling leeg. Napakainit niya.
Nanghihina na lumabas siya ng owner nang bigla nalang siyang nakaramdam ng hilo. Akala niya ay tuluyan na siyang babagsak pero may malalakas na braso ang sumalo sa kanya.
Umiikot man ang paningin ay nagawa niya pang ngumiti sa binata.
"Leo, Alam mo bang mahal kita?"
NILIBOT niya ang mata sa paligid ng magising siya. Nakahinga siya ng maluwag ng kapain ang noo at malaman na wala na siyang lagnat. Napagod yata siya ng husto sa paglilibot sa farm ni Draken.
'Leo, alam mo bang mahal kita'
Naitakip niya ang dalawang kamay sa mukha ng maalala ang nangyare kagabi. Hindi siya makapaniwala na nasabi niya ang bagay na 'yon kay Leo.
"Kainis naman! Paano na 'to ngayon." Inis sa sarili na ginulo niya ang buhok. "Sabihin ko kaya na dala lang 'yon ng mataas na lagnat ko kagabi." Kausap niya sa sarili.
Tama, dala lang 'yon ng mataas na lagnat.
Bumuga siya ng hangin. "Kung pwede lang sabihin na wala akong maalala eh!"
Hindi niya alam kung paano haharapin ang binata dahil nahihiya siya na baka narinig nito ang sinabi niya.
"Pero sa pagkakatanda ko parang bulong lang 'yong mga sinabi ko." Nagpagulong gulong na siya sa kama. "Kainis talaga!"
Napaayos siya ng upo ng bumukas ang pinto.
"Gising ka na pala." Preskong presko si Leo sa suot na sando at itim na jogging pants. Mukhang kagagaling lang nito sa pag iihersisyo.
Kinurot niya ang sarili para ipaalala na wag ito masyadong titigan.
Tumikhim siya. "Salamat sa pag aalaga sa akin kagabi." Wala man siyang maalala ay alam niya na inalagaan siya nito base sa plangganita at bimpo na nasa maliit na mesa, malapit sa kama na kinahihigaan niya. Naalala niya dito rin siya dinala noon ni Leo nang mawalan siya ng malay, no'ng napagkamalan niya itong magnanakaw.
Huminga siya ng malalim. "Tungkol nga pala sa sinabi ko kagabi..." Nagyuko siya ng ulo. Paano ko ba sasabihin...
"Tungkol saan? May sinabi ka ba?"
Nag angat siya ng tingin dito. Kita sa mukha nito ang curiosity sa sinabi niya.
Nakahinga siya ng maluwag. Kung ganoon ay wala pala 'tong narinig. Nag alala lang siya sa wala. "Ah wala, kalimutan mo na ang sinabi ko." Tabingi ang ngiting sabi niya. 'Buti nalang'
"Tara na, mag almusal na tayo." Anito at nauna nang bumaba.
Susunod na dapat siya rito ng maalala na hindi pa siya nagsusuklay. Impit siyang napatili. Tuwing umaga pa naman ay nagsisitayuan ang mga buhok niya.
Nagmamadali siyang tumakbo papasok ng banyo. Halos mapatili siya sa inis ng makita ang mukha sa salamin.
"Mukha akong witch na hindi nakaligo ng isang taon." Nakangiwi niyang sabi. Bago bumaba ay inayos niya muna ang buhok at nagmumog ng tubig.
Pagbaba niya ay inabutan niyang nakatalikod ang binata. Bawat galaw nito ay kitang kita din ang paggalawan ng mga muscles nito.
'Grabe, katawan palang ulam na!'
Naputol ang pagpapantasya niya sa katawan nito ng ilapag nito sa mesa ang kaluluto lang na almusal. Tinimplahan din siya ni Leo ng kape. Napangiti siya dahil pakiramdam niya ay para siyang isang prinsesa na pinagsisilbihan ng kaniyang prinsepe.
"Leo, ano ang height mo?" Bigla niyang naisapan magtanong.
"Six 'one." Umupo ito sa harap niya.
"What do you do for a living?" Saglit na natigilan ito.
"Why are you asking." Humigop ito ng kape.
"Wala lang. I'm just curious." 'Gusto ko lang may malaman tungkol sa 'yo'
"Kumain ka na para makainom ka ng gamot. Kung alam ko lang na magkakasakit ka, dapat pala hindi na kita sinama kahapon."
Nilunok niya muna ang kinakain bago nagsalita. "Grabe naman, hindi agad isasama. Nature na ng tao ang nagkakasakit noh." Taranta niyang dahilan, baka kase sa susunod ay hindi na talaga siya nito isama.
Hindi na ito umimik hanggang sa matapos sila kumain. Pakiramdam niya tuloy ay mapapanisan na siya ng laway. Marami pa siya gustong itanong pero parang mahihirapan siya mapasagot ito.
Muntik na siya mapatalon sa gulat ng maramdaman na may mainit na bagay ang dumampi sa binti niya.
"Ay butiking buntis!" Hawak ang dibdib na sinilip niya ang ilalim ng mesa.
Nakita niya sa pangatlong pagkakataon ang aso na nakita niya noong unang araw na dumating siya rito. Ito rin ang aso na nakita niya bago siya nawalan ng malay noong panahon na napagkamalan niyang magnanakaw si Leo.
"Aso mo 'to?" Turo niya sa aso. Dinidilaan pala nito ang binti niya kaya siya nakiliti kanina.
"Sa tingin mo."
Napairap siya sa sagot nito.
"Bakit ganyan ka." Nakasimangot na sabi niya. "Minsan mabait ka naman, ngumingiti ka pa nga, tapos bigla ka nalang magiging masungit. Para kang babaeng may regla."
Nasamid ito habang umiinom ng kape. Kita ang pagsilip ng ngiti nito habang pinupunasan ang gilid ng labi.
Dumukwang ito palapit sa kaniya kaya naiatras niya ang ulo. "Sa tingin mo talaga mabait ako?" Malakas na humalakhak ito. "Mabait na tapos masungit pa."
Pati siya ay natawa na rin. "Kasi naman, hindi kita maintindihan. Naguguluhan ako sa mga pinapakita mo." Bigla itong natigilan sa sinabi niya. "Leo, para kang isang malaking puzzle."
Binigyan siya nito ng tingin na parang hindi siya nito maintindihan.
"Puzzle na kailangan kong buuhin." Ngumiti siya. "Leo, ilang taon ka na pala. Gusto mo hulaan ko?" Pag iiba niya sa usapan.
Hindi kumibo ang binata.
"Thirty? Thirty one? Thirty two?" Nanatiling tila malalim ang iniisip nito na para bang walang naririnig.
"Hello, Leo!" Iwinasiwas niya ang kamay sa harap nito. "Nakarating na ba ng amerika yang iniisip mo." Biro niya.
"Come again?"
"Ay lumipad nga ang isip. Ang tanong ko ilang taon ka na?"
"Thirty two."
Nakangiting tumango tango siya. Tama na muna ang kaniyang pagtatanong. Sa sunod na naman para di halata na marami siyang gustong malaman tungkol dito.
Tulad ng dati ay siya ang naghugas ng pinagkainan nila. Bago umuwe ay nakipaglaro muna siya kay Choco, ang aso ni Leo na napakabibo.
"Bye, Choco!" Paalam niya at nakangiting umuwi.