6. TWISTED (EXPLICIT CONTENT)

2078 Words
SUMASAYAW at kumakanta pa siya habang naglilinis na para bang hindi nanggaling sa sakit kagabi. Natigil lang siya sa paggalaw ng tumunog ang cellphone niya. Tumatawag ang mama niya. "Ma!" "Ano na, Regina Santos! Nakilala mo na ba ang anak ni Linda?" Halata ang pananabik sa boses nito. "Ma, wala nga tao sa bahay nila. Parang ilang taon na walang nakatira do'n." Ilang beses na siyang nagpapaliwanag dito pero parang hindi ito naniniwala sa kaniya. "Paano mangyayari iyon anak, madalas kami mag usap ni Linda. Ang sabi niya sa akin ay nariyan ang anak niya. Baka naman hindi ka lumalabas ri'yan sa bahay ng lolo mo, Gina! naku makakalbo talaga kitang bata ka!" Hindi man niya nakikita ang ina tiyak siya na nanlalaki na ang mata at butas ng ilong nito sa inis sa kaniya. Tingin kasi nito ay nagpapalusot lang siya. "Ma, naman. Nagsasabi ako ng totoo. Sige mamaya dadaan ulit ako sa bahay na sinasabi mo. Papasok pa ako para malaman kung may tao o wala." Kumbinse niya rito. "Mabuti pa nga." Tila kumalma na ito base sa boses. "Siya, sige na anak. Mag iingat ka ri'yan ha. Walang problema kahit umuwe kang buntis anak. Labyu!" "Ma!!!" Pinatayan siya nito! "Grabe ka na talaga, ma!" Kahit mabuntis ayos lang daw! Minsan talaga ay naiisip niya kung bakit ganoon ito kadisperada. Hindi pa naman ganoon katanda ang edad na twenty-eight. NAPABALIKWAS siya bigla ng bangon. Gabi na pala! Hindi niya namalayan dahil nakatulog siya. Hindi man lang siya nakapag lunch kaya pala tumutunog na ang tiyan niya sa gutom. Agad niya nagtungo sa kusina para magluto. Pagkatapos magluto ay agad siyang kumain at naligo na rin. Habang nakahiga ay hindi niya maiwasan ang isipin ang kapitbahay. 'Hindi marunong magmahal yan' Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kaniya ang sinabi ni Draken. Pangalan palang at edad ang alam niya tungkol dito. "Para ka talagang isang puzzle, Leo. Pagnabuo ba kita pwede ka na mapasa 'akin." Nakataas ang kamay sa kawalan na tila may inaabot niyang sabi. Nakatulog nalang siya habang iniisip ang binata. "SALAMAT PO!" Magalang na sabi niya sa matanda na nagtitinda ng kakanin. Kanina pa siya sa bayan naghahanap siya ng mabibilhan ng cake pero wala pa rin siyang makita. "Ale, may alam po ba kayo na cake store sa lugar na ito?" "Meron diyan, ineng. Dumiretso ka tapos kaliwa saka ka kumanan." Nagpasalamat ulit siya bago umalis. Hindi niya napigilan ang matuwa dahil sa wakas ay makakakain na ulit siya ng cake. Halos magdadalawang buwan na siya rito. Hindi na siya makapaghintay na kumain ng cake kaya naman halos tumakbo na siya sa sakayan ng tricycle para makauwe. Hindi niya na pinapansin ang tingin sa kaniya ng mga kalalakihan. Sanay na siya sa ganoong tingin. Simula nang mag highschool siya ay ganito na palagi. Sabi nga sa lugar nila ay para siyang isang bampira. Magandang bampira. Dahil siguro sa maputi niyang balat na parang hindi nasisikatan ng araw. Maganda din ang pagkakulot ng kaniyang buhok na kasing itim ng gabi at makintab din. Manipis ang labi niya at mamula mula. Bilugan ang kaniyang mukha na binagayan ng bilugan din na mga mata. Ang kilay ay makapal pero hindi nakakalat, nakaayos ito na para bang ipinasadya. Ang hubog din ng katawan niya ay parang pang-model. Napatigil siya sa paglakad ng makita niya si Leo. Nakatalikod man iyon ay sigurado siya sa nakita niya. Gusto niya sana habulin ito pero mabilis na nawala ito sa paningin niya. 'Ano kaya pakay niya sa bayan?' Nagkibit balikat nalang siya. Marahil ay mayroon itong bibilhin. Napapitlag siya ng may humawak sa balikat niya. "Draken, naman!" Muntik na niya mabitiwan ang hawak na box na may laman na cake. "Kanina pa kita tinatawag pero parang hindi mo ako naririnig." Tumawa ito. "Pasensya na kung nagulat kita." Nagtaka siya ng kunin nito sa kamay niya ang mga dala niya. "Pauwe ka na, diba? Hatid na kita." Hindi na siya umalma. Bago maglakad paalis ay muli niya sinulyapan kung saan niya huling nakita si Leo bago sumunod kay Draken. "Salamat nga pala, Draken. Halika pasok ka, magmeryenda ka muna bago umalis." Nakakahiya naman kung hindi niya ito iimbitahan lalo pa't ito ang naghatid sa kanya. "Nakakahiya naman, pero sige." Natawa sila pareho. Nahihiya daw pero 'sige. Naghanda siya ng juice at nag slice ng cake para sa kanilang dalawa. "Maupo ka." tinuro niya ang upuan dahil hindi pa rin ito umuupo. "Thanks, Regina." Nakangiti ito. Pinagkiskis niya pa ang dalawang palad sa tuwa habang nakatingin sa cake na nasa harap niya. "Sa wakas." Naiiyak pa siya sa tuwa, na para bang walang pakealam sa paligid niya. Muntik na niya makalimutan na may kasama siya kung hindi lang niya narinig ang mahina nitong pagtawa. Nahihiya na ibinaba niya ang tinidor na hawak. "Ang sarap mo titigan habang kumakain. Grabe, you ate four slice of cakes." Namamangha pa na sabi nito. "Oo naman. Kaya ko nga umubos ng six slices paggutom ako." Agad niyang natuptop ang bibig sa sinabi. "Seriously?" Lalo namangha ito. "Wew." At malakas na tumawa. Nangalumbaba siya. "Nakakaturn off ba ako? I mean, sa isang babae pagmalakas ka kumain." Baka maturn off sa kaniya si Leo pagnalaman na ganito siya. "Of course not." Agad na sagot nito. "I'm just shocked because usually lahat nang kakilala kong babae ay hindi masyado kumakain ng ganyan, like my mom and my sister. Nakakataba daw kasi." Seryoso itong tumingin sa kaniya. "But you're different." "Alam mo pareho kayo ng mga kaibigan ko." Palagi din sinasabi ng mga kaibigan niya na kakaiba daw ang hilig niya pagdating sa pagkain. Kahit na mahilig daw siya sa matamis ay hindi siya lumulobo. Maliban sa dibdib niya na malaman ay hindi na siya tumataba. "Mga kaibigang lalaki?" Seryosong ang mukha na tanong nito. "Hindi, mga babae. Bakit?" Nagtataka niyang tanong. Nakaramdam siya ng kakaiba. Nag iba kasi ang awra nito bigla. "Ahm, nothing. Just curious." Di na niya mapigilan ang mapangiti. Nakakahawa kasi ang mga ngiti nito. Kung ganito rin sana si Leo. Palaging nakangiti. "Bye the way, I want to invite you, Regina. My birthday is coming this Saturday." "Sige pupunta ako." Nakangiti siyang tumango. "Regina, Ahm... I just want to ask if can you be my partner in my party. I hope you don't mind." Nasa mukha nito ang pagsamo. Natigilan siya. Hindi niya akalain na bukod sa pag invite ay siya rin ang gusto nito para maging kapareha sa mismong kaarawan nito. "Bakit nasaan ba ang asawa mo or girlfriend?" 'Don't tell me, single ka rin?' Malakas na tumawa si Draken kaya napakamot siya sa ulo. May mali ba sa tanong niya. "You're so naive, Regina." "Hindi kaya!" Mas lalo itong natawa. "Syempre wala. Sa tingin mo ba ihahatid kita dito kung may asawa na ako." And again he laughed. "Wala din akong girlfriend. Magkakaroon palang soon." "Well congrats!" "Ano? Payag ka ba?" Nagdadalawang isip siya. Gusto niya sana ay si Leo ang kasama niya pumunta roon. "Si Leo ba pupunta?" "I don't know." Saglit itong nag isip. "I invited him already but he said, he's not sure kung makakadalo siya. May inaasikaso siya sa ngayon." Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng panghihinayang. Akala niya ay dadalo ito. "So, ano? Payag ka na?" Pangungulit ni Draken. "Sige na nga." Agad itong ngumiti sa sagot niya. "I'll fetch you in Saturday then." Bakas sa mukha nito ang tuwa hanggang sa umuwi. Nang makaalis si Draken ay papasok na sana siya ng bahay pero nakita niya ang aso ni Leo sa tarangkahan. Tuwang-tuwa na nilapitan niya ito at kinarga. "Hello, Choco." Galaw ng galaw ang buntot nito at dinilaan pa ang kaniyang mukha, kaya naman tawa siya ng tawa. "Choco, bakit parang hindi ko kayo masyado nakikita ng amo mo?" Sumilip siya sa bahay ni Leo. "Busy ba kayong mag amo, ha." Tanging mahinang tahol lang ang sinagot nito sa kaniya. Habang papasok ng bahay ay muli niya nilingon ang bahay ni Leo. Dahil bumili na rin siya ng dog food sa bayan ay mayroon siyang maipapakain kay Choco. Pagkatapos kumain ni Choco ay nanood sila ng korean nobela. Nakakatuwa si Choco dahil habang nanonood siya sa cellphone nang nakadapa ay katabi niya rin ito, nakadapa rin na para bang nag eenjoy din sa panonood. MALAKAS na katok sa pinto ang nakapag pagising sa kaniya. Natawa siya nang makita si Choco na nalaglag sa kama pero tulog na tulog pa rin. Bumaba na siya ng kama para tingnan kung sino ang kumakatok. Si Leo. "Narito ba si Choco?" Agad na tanong nito pagkabukas niya ng pinto. "Oo kanina-" "Kukunin ko na siya." Putol nito sa sasabihin niya. Hindi niya magawa magsalita. Kita niya sa mukha nito ang pagkainip. "S-sandali lang, kukunin ko siya." Nagmamadali na pumunta siya sa kwarto. Napailing siya habang nakangiti. Kakaiba din pala ang asong ito pagnatulog. Kung may tao na tulog mantika, pati pala aso mayroong tulog mantika. Agad niya itong iniabot kay Leo ng makalapit siya rito. Gusto niya sana itong yayain na magkape o kumain pero pinangunahan na siya ng hiya dahil parang wala itong balak makipag usap sa kaniya. Tumango lang ito at agad na umalis, samantalang siya ay naiwan na nakatulala. Isnabero. hays... Sinundan niya ng tingin ang papalayong binata nang may pumasok na idea sa utak niya. "Magluluto nalang ako tapos hahatiran ko ulit siya ng ulam." Nagmamadali ang bawat kilos niya para magluto ng sinigang. Tulad ng dati ay pakanta kanta pa siya. Ganito yata kapag para sa mahal mo. Ginaganahan ka. Pagkatapos niya magluto ay naligo muna siya. Kailangan ay maganda siya sa paningin nito. Isang kulay asul na puff sleeve top ang suot niya at short na kulay puti na hindi aabot sa tuhod ang haba. Napangiti siya ng makita ang repleksyon sa salamin. Bitbit ang niluto niya ay nagtungo na siya sa bahay ni Leo. Nagtataka siya dahil kanina pa siya kumakatok ay wala pa rin nagbubukas. Pinihit niya ang doorknob at nalaman na hindi nakalock iyon kaya pumasok na siya. Hindi man ganoon kaliwag dahil tanging dim light lang ang nakabukas ay kitang kita niya ang nagkalat na mga basag na flower vase. Marami pang nagkakalat na bagay na para bang sinadya na ikalat iyon. Nakaramdam siya ng labis na kaba dahil baka napahamak na ang binata. Baka may totoo nang magnanakaw ang nakapasok sa bahay nito! Nanginginig ang mga paa na humakbang siya para silipin ito sa kwarto. Sa bawat hakbang kasabay noon ang matinding kaba. Habang papalapit siya sa kwarto nito ay rinig niya ang boses nito na parang galit. Nakikipag negosasyon ba ito sa masamang loob? O baka pinapahirapan na ito! Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa kwarto ng binata pero napatili siya ng magkrus ang dalawa niyang paa sa pagmamadali. Bigla bumukas ang ilaw at kunot ang noo ng binata habang nakatingin sa kaniya na nakadapa sa sahig habang hawak ang plastic container na may laman na ulam at nakataas sa ere. Sinigurado niya talaga na hindi matatapon ang ulam niyang dala. Sayang ang effort niya. "H-hi." Tanging nasambit niya sa binata na nakahubad ng pang itaas at may hawak na cellphone kanang kamay. Nakahinga siya ng maluwag dahil tila ayos lang naman ito. Nahihiya siyang bumangon at humarap dito. "Ahm, k-kumakatok kasi ako pero walang nagbubukas ng pinto. K-kaya pumasok na ako." Kanda-utal na paliwanag niya. Hindi ito sumagot. Seryoso ang mga mata na nakatingin lang ito sa kaniya. "Nagluto ako, naisip ko na baka hindi ka pa kumakain kaya dinalhan kita." Dugtong niya pa. "N-Nakita ko rin pala na makalat at madaming basag na salamin at vase kaya nag alala ako-" "Kahit mag alala ka, ano bang magagawa mo?" Natigilan siya. "Kung may mangyari nga sa akin, paano ka naman makakatulong?" Tuwid ang tingin nito sa mga mata niya. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito kaya napayuko siya. "T-tama ka, wala nga siguro akong magagawa. Hayaan mo sa sunod hindi na mauulit." Nag angat siya ng tingin. "Pero nagpapasalamat pa rin ako kasi ligtas ka." Tama. Ligtas ito at sapat na iyon sa kaniya. "Ito nga pala ang niluto ko, ilalapag ko sa mesa mo, kainin mo nalang pag nagutom ka. Alis na ako." Agad niya itong tinalikuran. Nagmamadali na tinahak niya ang daan papuntang kusina para ilagay ang sinigang na kaniyang niluto. Napabuga siya ng hangin, hindi niya napansin na pigil pala ang paghinga niya habang kaharap ang binata kanina. Nagmamadali siyang umuwi at malungkot na nakatulog, ni pagkain ng gabihan ay hindi niya nagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD