ARAW NG SABADO. Isang pulang V neck tie waist silk dress with high slits ang suit niya na halos labas ang makinis at maputi niyang hita. Litaw din ang malalaki niyang dibdib.
Gigil siya ng maalala ang kaibigang si Perper. Humingi siya ng tulong dito, dahil hindi niya alam kung ano ang isusuot, nang magsabi ang kaibigan na ito na ang bahala ay nakampante siya. Kaya ng dumating ang deliver ay hindi na niya tiningnan ang laman ng kahon, alam kasi ng kaibigan niya ang sukat niya kaya naisip niya na wag na iyon tingnan.
Ngayon ay nagsisisi siya. Mukha siyang nang aakit sa suot niya.
My god!
Ang gusto niya sana ay simple lang pero bakit hindi iyon ang pinadala ni Perper. Inis man pero wala na siyang magagawa.
Matapos maglagay ng foundation ay naglagay siya ng red lipstick. Hindi na siya naglagay pa ng kung ano ano pa sa mukha dahil para sa kaniya ay sapat na iyon.
Matapos magwisik ng perfume ay tumingin siya sa salamin. Kitang kita ang hubog ng katawan niya dahil sa suot. Bagay din ang pagkakatali ng buhok niya para makita ang features ng kaniyang mukha.
Para siyang diyosa ng mga bampira na handang mang akit ng bibiktimahin.
She picked up her red purse nang marinig ang katok sa pinto. Sigurado siya na si Draken na ang kumakatok.
Bago lumabas ng kwarto ay bumuga muna siya ng hangin. Kinakabahan siya. Bukod sa hindi siya sanay na dumalo ng mga party ay naiilang siya sa ayos niya, her dress is too revealing.
Sa bawat hakbang niya ay rinig ang tunog ng kaniyang pulang stiletto.
"Hello, Draken! Happy birthday!" Masayang bungad niya sa binata. Napakunot noo siya dahil nakatingin lang ito sa kaniya.
"Wow." Bakas ang labis na paghanga sa mukha ni Draken. "You look like a goddess."
"I know right." Pabirong tugon niya. "Tara na."
"Right." Parang natauhan na sabi nito at inalalayan pa siya pasakay sa Chevrolet nitong sasakyan.
Sa daan ay hindi niya maiwasan ang mainis pagnaaalala ang kaibigan. Feeling niya ay nilalamig na agad siya sa suot niya.
"Naku, Perper, yari ka talaga sa akin pagnagkita tayo." May pagtataka na nilingon siya ni Draken. "Naku wag mo nalang ako pansinin." Sabi nalang niya. Baka mapagkamalan pa siyang baliw nito dahil sa nagsasalita siyang mag isa.
Ilang beses niyang nahuli ang pagtingin nito sa kaniya "Ang sexy ko, noh." Biro niya.
Ilang beses itong lumunok at tila hindi mapakali sa kinauupuan. "Oo." Maikling sagot nito.
LAHAT ng mga mata ay natuon sa kanila ng bumaba sila ng kotse. Nakikita sa mga mata ng mga ito ang paghanga, hindi niya lang alam kung sa kaniya ba o kay Draken. Kung sa pakisigan lang din naman ay hindi naman kasi ito magpapatalo. Para rin itong artista tulad ni Leo. Bad boy look lang si Leo samantalang good boy naman itong si Draken.
Napatingin siya kay Draken ng ilagay nito ang kamay niya sa braso nito. "Look at them." Inilibot nito ang mata sa paligid. "They are staring at you because you're too beautiful."
Natawa siya sa sinabi nito. "Eh di wow."
Napailing nalang ito sa sagot niya.
"Mr. Sanchez, finally we've seen each other again." Sabi ng may edad na lalaki kay Draken. Agad na nagkamay ang dalawa. Ngumiti ito sa kaniya ng mapansin na may kasama pala ang binata. "Totoo pala ang sinabi ni Daryll na may girlfriend ka na." Gusto niya sana sabihin na hindi siya nobya ni Draken pero naunahan siya ng binata.
"Si daddy talaga." Anito at tumawa.
"Draken, magre-restroom lang ako." Paalam niya rito.
"Samahan na kita."
"Wag na, asikasuhin mo nalang ang mga bisita mo. Hindi naman ako mawawala." Kahit ang totoo ay nalilito pa rin siya sa pasikot sikot sa lugar dahil napakalaki nito.
"No, I insist—" Mahina niya itong pinalo sa braso.
"Kulit naman. Sabing hindi nga ako mawawala." Natawa ito.
"Alright. Go ahead, basta bumalik ka agad kung hindi ay ipapahalughog ko ang lugar na ito mahanap ka lang." Biro nito kaya pati siya ay natawa na rin.
Matapos magtanong sa isang babae na nagsisilbing waitress ng gabing 'yon ay agad niya nakita ang restroom. Napayuko siya at napatingin sa dibdib na malaki. Napasimangot siya ng maalala ang kaibigan. Dahil sa nakayuko siya ay hindi niya napansin na makakabangga na pala siya. Nahigit niya ang hininga sa pag aakalang babagsak siya sa malamig na marmol.
Akala niya talaga ay magkakabukol na siya pero isang braso ang pumigil sa pagbagsak niya. Napaawang ang labi niya ng masilayan ang lalaking gabi gabing laman ng isip niya.
His dark eyes roamed over her face. Ilang beses siyang lumunok dahil sa titig nito na para bang siya ang pinakamaganda sa paningin nito.
"Sorry." Hinging paumanhin niya ng matauhan. Agad siyang lumayo rito. She roamed her eyes all over his body. He looked so dashing with his formal black suit and his black pants. Kung dati ay magulo ang buhok nito ngayon ay hindi, nakabrush up ang buhok nito ngayon.
"Hindi ka marunong mag ingat." Nakapamulsang sabi nito.
'Nasalo mo naman ako tulad sa mga napapanood ko'
"Sorry ulit. Ang gwapo natin, ah." May halong biro na sabi niya, pero ang totoo ay matagal na itong gwapo sa paningin niya.
"Ikaw din." Seryosong saad nito.
"Gwapo ako?" Dinaan niya sa tawa ang kaba nang makita niya na huminto ang mga mata nito sa dibdib niya.
'Oh my god!'
"Hindi ka ba nilalamig sa suot mo? Baka sipunin ka niyan." Hindi nito pinansin ang biro niya kaya napayuko siya.
"Ang lamig nga. Pero—" Natigil siya sa pagsasalita ng ipatong nito ang suot nitong suit sa balikat niya.
"You're too sexy to expose your body." Nadagdagan ang kaba niya ng lumapit ito at bumulong sa kaniya. "You should go home now."
Hawak niya ang dibdib na napakalakas ng t***k habang nakatingin sa papalayong bulto ng binata.
'Too sexy daw...'
Naitakip niya ang kamay sa dibdib ng maalala na tiningnan iyon ng binata.
'You should go home now'
Tila isang utos ang dating niyon sa kaniya. Mahina siyang napatili sa kilig.
"Oh my god! Napansin niya ako!" Kulang nalang ay magtumbling siya sa tuwa.
Pagpasok niya ng restroom ay naroon pa rin ang tuwa sa puso niya. Hindi niya talaga akalain na makakatanggap siya ng papuri kay Leo. Ang saya sa pakiramdam.
Todo ngiti siya habang nakatingin sa salamin.
"Just wait, asshòlè! Tell him I'm coming damn it!"
Natigilan siya ng marinig ang galit na boses ng babaeng papalabas ng isang cubicle. Nang magsalubong ang mata nila ay ngumiti ito.
Hindi niya alam kung ngingiti ba siya dito o hindi.
"Grabe talaga ang matandang 'yon, kung hindi ko lang siya tatay ay baka nasapak ko na siya." Halata ang inis sa mukha nito habang naghuhugas ng kamay.
Maganda ang babae. Matangkad ito na payat. Morena pero astigin ang dating.
Ngumiti ulit ito sa kaniya bago lumabas ng restroom. Napangiti siya ng makalabas ito. Parang Leo ang datingan pero girl version ito.
Nagulat siya dahil pagkalabas niya ng restroom ay naghihintay sa kaniya si Draken. Madilim ang mukha nito pero agad na ngumiti ito ng makita siya.
"Kala ko nakatulog ka na sa loob." Biro nito.
"Kala mo lang 'yon." Ganting biro niya. "Draken, p-papaalam sana ako sa 'yo. Gusto ko na sanang umuwi, sumama kasi ang pakiramdam ko." Dahilan niya.
'You should go home'
Parang naririnig niya pa ang boses ng binata.
Nag aalala na lumapit sa kaniya si Draken. "Ihahatid na kita."
"No need, Draken, ikaw itong celebrant tapos aalis ka." Pigil niya sa binata.
"No buts, Regina. Ihahatid kita end of discussion." Pinal na sabi nito. Wala na siya magawa ng alalayan siya nito hanggang sa makalabas sila. Ang leeg niya ay panay ang lingon para hanapin si Leo pero hindi niya nakita ang binata.
Nakaramdam siya ng konsensya dahil naabala niya pa si Draken dahil sa pagdadahilan niya.
"Thank you, Draken. Again, happy birthday." Napapitik siya sa hangin. "Nakalimutan ko nga pala yung regalo ko sayo." Nahihiya siyang tumingin dito. "Sorry."
"It's okay. When you agreed to be my partner that's enough, that's the best gift ever." Sincere na sabi nito.
Napangiti siya rito. "Hayaan mo, promise sa sunod ibibigay ko sa 'yo ang regalo na gusto mo."
"Tatandaan ko yan, Regina." Seryosong sabi nito bago siya pinapasok sa bahay. Yakap ang sarili na pumasok siya dahil sa lamig na nagmumula sa hangin.
Ang ngiti sa labi niya ay hindi mawala-wala bago matulog dahil sa nangyari kanina sa party.
"Sexy daw ako." Nagpagulong gulong siya sa kama. "Grabe!"
Tumayo siya sa kama niya at saka tumalon sa sobrang saya.
Dahil sa isang puri nito ay nagkakaganito na siya, paano pa kaya paghigit sa isang papuri ang matatanggap niya.
Baka mabaliw na siya sa saya!
Hindi naalis ang ngiti sa labi niya hanggang sa makatulog siya.
KINABUKASAN ay ginawa niya ulit ang routine niya sa araw araw. Magdilig, hintayin ang paglabas ng binata at titigan ito.
Pero natapos nalang siya magdilig ay hindi ito lumabas. Napabuga siya ng hangin. Hindi ba ito umuwi kagabi mula sa party ni Draken dahil nalasing? O natutulog pa rin ito hanggang ngayon.
Matapos mag almusal ay nagbihis siya. Gusto niya puntahan ang bahay nang kababata ng mama niya. Ilang kanto lang ang layo ng bahay kaya madali niya iyon napuntahan.
Tulad nga ng sinabi niya sa kaniyang ina ay mataas na ang damo sa paligid, halatang wala ng nakatira doon.
Maingat ang bawat hakbang niya. Mabuti na iyong nag iingat. Mamaya ay makaapak pa siya ng ahas.
Hindi naman mahirap akyatin ang bakod dahil mababa lang. Pagkarating niya sa tapat ng front door ay pinihit niya iyon laking gulat niya ng bumukas iyon.
Tinulak niya ang pinto ng dahan dahan. Tunog nang langitngit ng pinto ang maririnig sa buong kabahayaan. Ang inaasahan niya ang maalikabok na paligid pero kabaligtaran ang kaniyang nakita.
Makintab ang mga gamit at malinis ang buong paligid. 'May tao kayang naglalagi dito?'
Pinadaanan niya ng kaniyang daliri ang mga gamit na naroon at tama nga siya sa hinala niya, may taong naglilinis roon. Pero sino naman kaya?
Ilang buwan na siya rito pero wala naman siyang napapansin. Pagnagjojogging siya minsan tuwing umaga ay wala rin siyang nakikitang tao.
Hindi kaya may multo dito?
Sa isipining iyon ay napakaripas siya ng takbo papalabas ng hindi lumilingon. Hingal na hingal siya habang naglalakad papauwi.
"Kainis, bakit ba ang duwag ko." Sa tuwing nakakaisip siya ng mga nakakatakot na bagay ay palagi siyang natatakot agad.
Bumuga siya ng hangin.
Aaminin niya na sa kanilang magkakaibigan ay siya ang pinakaduwag. Naalala niya noong high school sila, nagsisimula palang magkwento ang mga kaklase niya ay natatakot na siya, kahit wala pa sa exiting part ay napapatakbo na siya.
Pagdating sa bahay ay agad siyang uminom ng tubig. Gusto niya sana puntahan si Leo pero baka ano na naman ang masabi nito tungkol sa kaniya.
'Kahit mag alala ka, ano bang magagawa mo?'
Naalala niya pa ang sinabi nito. Tama ito, ano nga bang magagawa ng isang tulad niya sa delikadong sitwasyon. Babae siya at mahina pa.
Kung totoo lamang siyang isang bampira at malakas na may super power pa ay sigurado na maipagtatanggol niya ito. Ang kaso ay walang ganun. Natawa siya sa naisip niya. Kung ano-ano na ang naiisip niya.
Lumabas siya ng bahay para lumanghap ng sariwang hangin. Muntik na maghugis puso ang kaniyang mata ng makita ang binata na nakatayo sa tapat ng bahay nito. Nakatingin ito sa malayo na para bang naglalakbay ang diwa nito
Lihim siyang napangiti ng maalala ang sinabi.
'Too sexy daw'
Napabungisngis siya. Kilig much!
Kumaway siya rito ng tumingin ito sa gawi niya.
"Isnabero." Bulong niya nang hindi ito kumibo. Hanggang ngayon ay wala pa rin itong pagbabago.
"Ang lalim naman ng iniisip mo, Leo. Baka mahulog ka niyan." 'Sa akin ka nalang mahulog, sasaluhin kita kahit magkadurog durog pa ako.'
"Ang ingay mo." Asik nito.
"Ang sungit mo naman." Lumapit siya sa pwesto nito. May bakod man na harang ay hindi hadlang iyon para makita niya ang angking kagwapuhan nito. Itim na tshirt at isang blue na shorts ang suot nito. Napakasimple pero nag uumapaw sa kagwapuhan.
"Okay lang na magsungit ka. Pogi ka naman." Hindi niya alam kung saan humugot ng lakas ng loob sa sinabi niya.
Tuluyan na itong humarap sa kaniya. "Matagal ko nang alam ang bagay na 'yan."
Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito o hindi. Seryoso kase ang impresyon nito.
"May tinatago ka rin palang yabang." Kunwari ay tumawa siya pero naging ngiwi iyon ng hindi ito natawa.
"I'm just stating the fact, Regina."
Tumango tango siya. Tama ito, nagsasabi lang ito ng totoo. Kaya nga halos maglaway na siya rito, dahil sa gwapo na mayroon pa itong abs na talaga namang nakakatakam, idagdag pa ang mga mabatong muscle nito sa katawan.
"Alam mo kulang ka sa ka-sweetan sa katawan. Gusto mo bigyan kita." Banat niya. Kailangan na siguro niyang landiin ito.
Wala naman sigurong masama. Dalaga siya at binata naman ito.
Kumunot ang noo nito.
"Kailangan mo lang siguro ng girlfriend."
"I don't need one." Muli ay nakatingin na naman ito sa malayo. "I don't need any one in my life. Specifically women."
Lumunok siya ng marinig ang sinabi nito. "Kahit ako?" Lakas loob niyang tanong.
Grabe ang kaba niya habang hinihintay ang sagot nito.