Xandie POV "Manang hindi pa po ba umuuwi si Zio?" Tanong ko kay manang ng makababa ako sa hagdanan. Tinignan niya ako ng malungkot saka umiling. Napabuntong hininga na lang ako at bagsak ang balikat na umakyat pabalik. "Hindi na po ako kakain Manang." Matamlay na sabi ko kay Manang nang marating ko ang gitna ng hagdanan. "Pero Mam Xandie, kabilinbilinan po ni Sir na pakainin ka." Protesta ni Manang na ikinalingon ko. "Iharap niyo muna si Zio sakin saka ako kakain." Huling sambit ko at tuluyan nang pumunta sa kwarto namin. Padapa akong humiga sa kama namin at sinilip ang phone ko na nasa gilid ko lang. "Asan na ba yung mokong na yun? Hindi niya ba alam na nastrestress ang beauty ko dahil sa pag alala ko sa kanya?" Wala sa sariling sambit ko at umayos ng higa sa kama. Inis na sinabun

