Xandie POV "Bat dumudugo ang tagiliran mo?" Naluluha kong tanong sa kanya. Nagkalat na ang dugo sa polo na suot niya at sa bedsheet ng kama kaya mas lalo akong naiyak. Inangat ko ang polo shirt niya at napamura siya dahil dun. Kitang kita ng dalawa kong mata ang nakabandage na tagiliran niya. The bandage is soaking with his blood kaya mas lalo akong naiyak. "Bat? Bat di mo sinabi? Bat di mo sinabi na may sugat ka? Nadaganan tuloy kita." Naguguilty na tanong ko sa kanya habang lumuluha pa rin. Tinignan niya lang ako kaya yumakap ako sa kanya. Siginurado ko talagang hindi ko natamaan ang sugat niya bago ko siya yinakap. "Sorry. Kasalan ko. Sorry talaga." Naramdaman ko naman ang mahinang paghaplos niya sa likod ko na parang pinapatahan ako. Mas lalo tuloy akong naiyak sa ginawa niya.

