Xandie POV Minulat ko ang mga mata ko pero agad ring napapikit dahil nasisilaw ako. Ilang segundo siguro ang lumipas bago nakaadjust ang paningin ko sa pagkasilaw. Nilibot ko ang paningin ko at ganun pa rin. Nasa school ground pa rin ako habang pinagtitinginan ng mga estudyante. Nang tignan ko sila ay agad silang nag iwas ng tingin. Ay ganern! Bat ba takot na takot sila kapag tinitignan ko sila? Multo na ba ako ngayon para katakutan? Ang galeng ah! Nagkasalubong ang kilay ko ng mapadako ang tingin ko sa blassier na nasa lap ko. Pinantakip ata sa hita ko para di ako masilipan. Hmm sino naman kaya ang naglagay nito sakin? Sumulyap ako sa gilid at ganun na lang ang gulat ko nang mapagtanto kung sino yun. Dali dali akong bumangon at tinignan siya Napakapayapa ng anyo niya ngayon. Para s

