Xandie POV Nagising ako sa isang puting silid. Nakahiga ako sa isang hospital bed-- wait! What?! Hospital bed? Nasa ospital ako?! Sa isiping yun ay agad akong napabangon sakto namang may pumasok sa kwarto ko. Pagtingala ko dito ay sila Trixie pala. Hays! Kala ko naman si Zio yun. Nageexpect pa naman ako na siya ang unang makikita ko pagkagising ko. Pero naalala ko galit pala yun sakin kaya malamang sa malamang wala yung pake sakin. Baka nga wala yung alam sa nangyari sakin eh. Sa isiping yun ay nawalan ako ng gana kaya hinablot ko ang dextrose na nakakabit sakin at bumaba sa kama. Napangiwi pa ako ng makababa ako. Siomai na malagkit! Ang sakit ng katawan ko!. Ano bang hinampas sakin nila Kate at ganun na lang ka sakit ang katawan ko? Pati rin ang ulo ko ang sakit! Juice na colored!

