Xandie POV Lunes at balik skwela na naman na ikinagusot ng mukha ko. Mas gusto ko pang humilata sa kama buong araw kaysa harapin ang madugong lesson ng prof namin. Pero dahil dakilang mabuting estudyante ang asawa ko ayun hindi ako pinayagang umabsent. -.- Sa katunayan nga ay gusto gusto ko ng umuwi sa bahay kaysa pumasok. Idagdag mo pa ang ideyang ngayon magsisimula ang second semester namin kaya malamang sa malamang mas mahirap pa ang mga lesson namin. Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad sa hallway. Tinuon ko ang atensyon ko sa paligid ko. Pansin na pansin ko pagbubulong bulungan nila habang nakatingin sakin kaya napabuntong hininga na naman ako. Ginawa pa akong umagahang chismis ng mga gaga tsk! Pansin ko rin ang pagiging mailap ng estudyante sakin at may iilan ring bu

