Nasa mall kami at nasa palaruan ng mga bata si Luna kasama ang ninong Fernan niya. Ako naman nandito lang sa labas at nanonood sa kanila na nasa loob at masayang naglalaro. Iniisip ko tuloy na kong sana nandito si Harold ay masaya sana siyang nakikipaglaro sa anak namin lalo pa at babae ito. Mas malapit daw kasi ang batang babae sa ama nila kaysa ina. Nagdesisyon akong umikot ikot muna dahil isang oras ang binayaran ni Fernan para mag stay sila ni Luna sa loob ng palaruan. Pumunta ako sa tindahan ng mga damit pambata, wala akong balak bumili dahil maraminpa na mang gamit si Luna gusto ko lang tumingin-tingin. Hanggang da nabangga ako ng isang mama. "Ay sorry po maam, pasensiya na po at hindi ko po kayo napansin!" paghingi nito ng paumanhin pero tila tinitingnan ako ng mabuti na parang

