Natonton ko kaagad ang bahay ni Harold. May pader pero abot hanggang baywang lang ang taas at ang kalahati ay bakal na matutulis ang dulo ng bakod. Tumigil ako sa tapat ng bahay pero nasa kabilang kalsada ako at kunyari may binabasang text sa cellphone. Tanaw mula sa labas ang magandang garden ng bahay, maraming halaman at my fountain pa, sa gilid ay mukhang swimming pool ang aking nakikita ngunit maraming mayayabong na bulaklak kaya hindi ganoon ka kita mula sa labas. Malaki ang lot area ng bahay halatang may kaya sa buhay ng nkatira. Ayon kay Harold dati ay regalo ng ama ni Mia ng bahay na ito ng ikinasal daw sila kaya kay Mia ito at hindi sa kaniya. Sa bayarin sa bahay ay kay Harold lahat. Ang asawa nito ang siya namang may sagot sa grocery. Wala rin silang problema sa pag-aaral ng

