Nakaalis na si sir Harold at ako eto tila lutang sa hangin na nakatitig sa salamin habang nakahiga sa bandang gilid ng kama sa may kwarto.
Nanlalambot ang mga tuhod ko kanina ng umalis siya at hinang-hina ako. Parang nawalan ako ng lakas
hanggang sa dumating na si insan, nagkunwari na lang akong tulog at nagtalukbong ng kumot ng naramdaman kong bumukas ang pinto at pakanta-kanta pa siyang pumasok ng kwarto.
Naramdaman ko na nagbihis siya dahil bumukas ang aparador niya. Maya-maya pa ay lumabas na ulit siya. Hindi ko na binago ang posisyon ko, nakahiga pa rin akong nakatalikod sa pinto at nakaharap sa bintana.
Lampshade lang ang ilaw na open sa kwarto kaya hindi ganoon ka liwanag. Hindi rin mapapansin na umiiyak ako ng tahimik!
Hindi ko mapigilan ang sarili ko, 'di ko alam kong bakit ang sakit-sakit sa pakiramdam ko na kong tutuusin wala naman akong dapat sisihin dahil nag-assume agad ako sa sarili ko na pwede maging kami ni sir Harold habang 'di man lang inaalam ang buong pagkatao niya.
Kinabukasan maaga akong nagising para pumasok sa trabaho. Dating gawi, trabaho-eskwela.
Habang naliligo ako ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko kailangan maapektuhan dahil una sa lahat hindi pa naman ganoon ka lalim ang damdamin ko para sa kaniya.
"Itatak mo sa isip mo! Assumera ka lang kasi." Paulit-ulit kong sinasabi s sarili ko sa tuwing nakakaramdam ako ng lungkot.
Natapos ang araw ko na hindi ko nakita ni anino ni sir Harold, tinotoo niya ang sinabi niyang lalayo na siya sa 'kin!
Hanggang sa nag-isang linggong wala na na siyang paramdam.
Hinahanap-hanap ko siya pero 'di ko kailangan maapektuhan, isa pa, tama lang ito. Kahit na hindi na maayos ang pagsasama nila ng asawa niya ay asawa pa rin niya iyon at andoon ang katotohanang pamilya sila.
Isang araw, linggo 'yon ng nag aalmusal kami ni Kristine ay tinanong niya ako tungkol kay sir Harold.
"Insan, kamusta si sir Harold? 'Di ka na yata nagkukwento ah?" panimula niya habang sumusubo ng kanin at ginisang ampalaya.
"Ewan, 'di ko alam, t'saka ano naman pakialam ko doon!" sagot ko na parang wala sa sarili at walang kagana-gana!
"Huh' napano na? Anyari Cas ba't bigla yatang mas mapait pa sa ampalaya 'yang mukha mo?
Hala ka, na unsyami ba ang lovelife mo?" tanong niya habang nakataas ang kilay at binitawan muna ang kutsara't tinidor na hawak nito.
"May asawa na siya!" deretsahang tugon ko!
"Ano? My gosh kaya pala isang linggo ka ng parang wala sa sarli diyan." Sabi niya habang napatakip ng bibig at pa iling-iling.
Kuwento ko na lang sa 'yo mamaya pag-uwi ko may duty pa ako." Walang gana kong sagot sabay tayo at dinala ko na ang plato ko sa lababo.
"Ako na ang maghuhugas niyan mamaya pa naman ako aalis sabi niya na nakasunod na rin sa'kin pero dali-daling pinuntahan ang cellphone na nagriring sa kwarto. 'Di na ako umimik. Nag-toothbrush na lang ako at umalis na rin.
Nang nakauwi na ako ng bahay kinahapunan, dahil walang pasok sa school ay naisipan kong magsimba.
Nahiga na muna ako sa kama para makapag-pahinga habang nakatapis lang ng tuwalya at naki-pagtitigan na naman sa kesame.
Maya-maya ay dumating si insan, may date yata sila ng boyfriend niya kanina dahil narinig ko itong kasama niya pagdating ngunit ihinatid lang siya at nagpaalam din agad na aalis at pumasok na si insan sa kwarto.
"Oh anong plano mo sa buhay niyan?" tanong niyang magkasalubong ang kilay na nakaharap sa akin habang naka-pameywang ang dalawang kamay.
"Maliligo ako, nagpapahinga lang ako dahil magsisimba ako mamaya," walang ganang sagot ko.
"Teka nga, magkuwento ka nga muna sa'kin ano bang nangyari at paano mo nalaman ang tungkol kay sir Harold"
Napalunok ako ng laway at napabangon. Alam kong 'di naman niya ako titigilan kaya ikinuwento ko na lang sa kaniya ang lahat.
"Insan, kawawa na man pala si sir Harold noh? Napilitang pakisamahan ang isang babaeng makasarili, sigurado hindi siya masaya. Pero naka-kahanga na nanatili siya doon para sa mga anak niya," sabi nito pagkatapos kong mag-kwento.
Hindi na ako umimik at nakatingin lang ako sa kaniya na bakas ang lungkot sa mukha.
"Hayaan mo na insan malay mo magiging kayo talaga sa bandang huli baka maghiwalay sila ng asawa niya saluhin mo na lang agad sayang 'yon!" naka-ngese pa niyang panunukso.
Hinayaan ko na lang siya sa mga sinabi niya nagpaalam na lang akong maliligo at alas kwatro na mahigit, alas 5 ang misa sa simbahan kaya kailangan ko na maka-alis kaagad.
Paglabas ko ng banyo nakabihis na rin si insan kasi may duty siya sa radio station kaya nagbihis na lang din ako.
"Insan mauna na ako ha' mas malayo 'yong radio station kaya 'di na ako sasabay sa'yo iba rin ang way natin," paalam niya habang tumitingin sa salamin at inaayos ang sarili, ako naman nagbibihis.
"Sege insan, bye... siya nga pala e pray mo na lang 'yan, ingat ka,"
sabi pa niya bago tumalikod at sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang naka labas siya sa kwarto.
Mag-aalas singko na ng makarating ako ng simbahan at medyo marami na ring tao. Napagpasyahan kong dumeretso na sa loob at naghanap na ng pwede kong upuan hanggang sa nagawi ako bandang gitna na may bakante.
May naka-upo ng dalawang tao sa upuan na napili ko mukhang mag asawang medyo may edad na at sa harap ko isang lalaki at dalawang bata.
Nagulat ako at napatulala ng napag-tanto ko kong sino ang nasa harapan ko. Sakto ring napalingon siya habang nakatingin ako sa kanila mula sa likuran kaya nagtama ang mga mata namin.
"Si-sir Harold?" nauutal na sambit ko at napalakas yata ang bigkas ko ng pangalan niya kaya napalingon din ang dalawang batang nasa tabi niya, ang nasa kanan na nasa apat o limang taong gulang at sa kaliwa na nasa mga pito o walo. Mukhang ito 'yong mga anak niya kong ibabase ko sa kwento niya.
Kahawig niya ang nasa kanan na maliit at ang sa kaliwa na mas nakatatanda ay mukhang walang nakuha sa kaniya baka sa mama siguro sa-isip ko lang.
"Hey Daddy, you know her?" tanong noong maliit na bata na cute kasi may dimples pa magkabilang pisngi namana niya talaga ang mukha niya kay sir.
"Yeah, yes' she is..."
"Student" sagot ko bigla ng makita kong parang 'di alam ni sir Harold ang isasagot sa anak niya.
Tumingin naman si sir Harold sa'kin na parang may lungkot sa mga mata ngunit 'di ko na binigyang pansin 'yon at saktong nagsalita na ang pare at magsisimula na ang misa kaya bumalik na ang tingin nila sa harapan at umayos ng upo ang dalawang bata.
Wala halos akong narinig sa sinasabi ng pare dahil lutang ako sa mga oras na iyon. Kong bakit kasi nagkita pa kami ulit at doon pa sa simbahan. Napabalik na lang ako sa ulirat ng matapos na ang misa at kinausap ako ng maliit na anak ni sir Harold.
"Hi, I'm Micheal, what's your name? Nakangiting tanong niya sa akin ng tumayo na ako at aalis na sana sa pwesto ko.
"Hi baby, Im Miss Cathy you can call me tita Cath if you want, you know what, you look smart and cute," papuri ko sa kaniya sabay hawak sa chin niya na lalo niyang ikinangiti.
"Yes nagmana po ako sa Daddy," sagot niya habang tumingala sa daddy niya kaya napabaling saglit ang tingin ko ky sir Harold. Ang isang bata naman na panganay niya ay tila mahiyain naka-salamin pa mukhang malabo ang mata.
"You're right baby sabi ko sabay kurot sa pisngi niya ng mahina."
"Sege ha mauna na ako sa inyo, nice meeting you Micheal," sabay tingin ko rin kay sir harold at nagtama naman ang aming mga mata na nagdulot ng kirot sa aking puso at nagbabadya na naman ang mga luha sa aking mga mata.
Nakita ko rin ang kakaibang lungkot sa kaniyang mga mata kaya agad na akong lumabas ng simbahan at sa inaasahan ay umagos na lamang ang aking mga luha habang papalabas ng pinto ng simbahan.
Dali-dali ko itong pinahid at sumakay na ng tricycle.