Harold POV;
Mula ng nag usap kami ni Cath at inamin ko sa kanya ang totoo ay sobrang lungkot ang naramdaman ko. Namimiss ko siya unang araw palang na hindi ko siya nakita dahil hindi ako pumunta sa store na pinagtatrabahuan niya.
Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa Eskwelahan at pumunta ako sa harap ng store nila nagtago lang ako na di niya makita, inabangan ko talaga siyang pumasok, mula sa malayo tinatanaw ko na lamang ang babaeng muling nagpatibok ng puso ko. Hindi ako karapat dapat sa kanya kaya kailangan kong iwasan na lumalim pa ang nararamdaman kong ito.
At ng araw ding iyon nagdesisyon akong layuan na siya ng tuluyan.
Hindi ko lubos maisip na mag kukrus pala ulit ang landas naming dalawa.
Habang nasa simbahan kanina ay parang wala ako sa sarili ng nagmimisa ang pare gusto ko siyang lingunin, gusto ko siyang kausapin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko hanggang natapos ang misa na nagpaalam na siyang mauna na. Nang magtama ang mga tingin namin ay gustong gusto ko siyang halikan at yakapin pero pilit kong nilalabanan ang damdaming yon at tinanaw ko na lamang siyang papalayo na samin.
Nagyaya pa ang dalawang bata na mag mall at pinabigyan ko sila, pagkatapos ay kumain kami sa paborito nilang fastfood chain.
Hanggang sa makauwi kami dito sa bahay at nakatulog na rin ang mga bata. Ngayon nandito ako sa study room ko habang nag iisip nakahawak sa librong di ko naman mabasa basa, Inaalala ko ang unang araw na nakita ko si Cath sa supermarket hanggang ang araw na una kaming nagkalapit. At yung huling araw na nakausap ko siya.
Tiniklop ko ang libro ko at pumasok na saking silid at pata matulog. Yes' saking silid dahil hindi na kami nagtatabi ni Mia matulog, nagkikita nalang kami minsan sa hapag kainan, madalang na nga lng, lagi pang nauuwi sa pagtatalo!
Habang nakahiga ako at nakatingin sa kesami nakapagdisisyon akong kausapin ulit si Cathlene dahil wala naman sigurong masama kong kahit magiging magkaibigan nalang kami. Bumangon ako at sinubukan kong buksan ang bintana para sana makalanghap ng sariwang hangin ngunit doon ko na lamang napagtanto na napakalakas ng ulan kaya isinara ko nalang ulit ang bintana at nahiga!
Kristine POV.
Kakauwi ko lang nang bahay ng narinig ko ang unti unting pagpatak ng ulan sa labas. Dumeretso akong silid para magbihis ng napansin kong wala pa si Cathlene dito.
Lumakas na ang ulan kayat nag alala ako!
"Sabi niya mag sisimba lang siya bat di pa siya nakauwi mag aalas nuebe na ng gabi!" bulong ko sa sarili habang pabalik balik ng lakad sa silid at sa sala.
Nag init ako ng tubig at magkakape nalang dahil nakakain na ako kanina sa station nanlibre si bakla dahil na promote as assistant manager.
Umupo ako sa sala at nilapag ang kape sa table ng maramdaman kong my pumipihit ng siradura ng pinto kaya dali dali akong tumayo at tamang paghawak ko sa lock nagbukas na rin at iniluwa ng pinto ang pinsan kong basang basa ng ulan at parang wala sa sarili!
"Hoy' Insan! Anung nangyari sayo babae ka? Basang basa ka ng ulan saan kaba nanggaling?"
Tanong ko habang kinukuha ko ang sling bag niyang basa din buti nalang at leather iyon kaya kong anu man ang nasa loob noon ay di mababasa.
Hindi siya umimik at kitang kita ko ang mga mata niyang namamaga na tila galing sa pag iyak!!
Agad akong kumuha ng tuwalya para ipunas sa kanya. "Dumeretso ka ng banyo at maligo ka nalang basang basa kana eh" sabi ko at sinunod naman niya ng walang anu mang salita.
Pinagtimpla ko siya ng kape habang nasa banyo siya at paglabas niya pinainom ko ng kape. Ininom naman niya ngunit di pa rin niyabsinasagot ang tanong ko kaya nanahimik nalang ako. Kilala ko kasi itong pinsan ko pag masama ang loob at ayaw magsalita ay di mo talaga makakausap.
Hinayaan ko siya at pumasok nalang ako sa kwarto.
"Insan' kong anu man yang problema mo huwag mong kalimutan andito lang ako pwedi ka mah share ok? mauna na akong matulog, pumasok ka nalang ng kwarto pag tuyo na yang buhok mo." dagdag ko pa at tumango na man siya kaya pumasok nalang akong kwarto at tuluyan ng nahiga.
Nag iisip ako kong anung nangyari sa pinsan ko pero dala na rin ng pagod dahil sa pag gala namin kanina ni Jovan at nag duty pa ako ay hinila n ako ng antok at nakatulog.
Nagising nalang ako madaling araw na dahil nilalamig ako. Naka open kasi ang electricfan at tila umuulan parin sa labas kaya malamig ang panahon. Kinapa ko ang kumot ng napansin kong wala si Cathy dito sa kwarto.
Dali dali akong lumabas upang tingnan siya kong nasa sala parin at di ako nabigo. Nakita ko siyang nakabaluktot ng higa na tila nanginginig kayat nilapitan ko siya para gisingin at papasukin sa kwarto ng...
"MyGod Cathlene! ang init mo!!
Dali dali ko siyang ginising pero tanging ungol lang ang naririnig ko. Kayat kumuha nalang ako ng bempo at malamig na tubig at pinunasan ko siya para humupa ang init. Pumunta ako sa ref at tiningnan kong my gamot pa kami at buti nalang may Biogesic pa kaya dali dali ko siyang ginising para makainom. Nainom naman niya kayat kinuha ko nalang ang kumot sa kwarto at kinumutan siya sa sofa at naglatag nalang din ako ng higaan sa sahig.
Nakatulog ako ulit ng macheck ko siyang di na gaanong mainit at nagising nalang ako kinabukasan dahil ginising niya ako.
"Insan ba't diyan ka nahiga?" Pagtatakang tanong niya!
"Alangan, dito ka kaya natulog sa labas dahil nagdidiliryo ka nag lagnat kagabi di kita kayang buhatin papasok sa kwarto ayaw mo namang tumayo kaya ayan sinamahan nalang kita, pero teka ok kana ba? kagabi ang init init mo!" sabay dampi ko ng palad sa noo niya at naramdaman kong medyo mainit pa, may sinat pa siya.
"Salamat ha' medyo ok na ako" sabay tatayo sana siya pero biglang napaupo ulit!
"Yan ok... pero para ka pang lasing! halika pumasok ka sa kwarto at magpahinga wag kana muna papasok ngayon sa trabaho ako ng bahala magsabi dun pati sa school niyo, sabay akay ko sa kanya at buti naman hindi na kumuntra.
Hindi ko na rin muna kinulit kong anung nangyari s kanya alam ko magkukwento din siya pag ready na siya mag share.
Nagluto nalang ako ng almusal at binili ko na din siya ng arroz caldo yun ang gusto niya pag masama ang pakiramdam niya eh.
Di n sana ako papasok din pero mapilit siya kaya naman daw niya at pumasok nalang ako para din daw masabihan ko sa school niya at sa trabaho na may sakit siya at yun nga ang ginawa ko.
Una akong pumunta sa Supermarket at binilin ko kay Jene yung kaibigan niya doon na sabihan nlang ang kanilang manager. At ganun din sa school sinabihan ko din ang mga kaklase niya sila na daw bahala magsabi sa mga teacher.
Late na ako ng isang period sa klase kaya hinintay ko nalang ang next subject ko para doon na pumasok, tinawagan ko si Cathlene at sabi niya ok naman daw siya kahit may lagnat pa.
Kaya medyo napanatag naman ang aking loob.