Kinabukasan, nagising akong wala na si Harold sa tabi ko, tiningnan ko ang maliit kong alarm clock at mag alas sais na pala. Babangon na sana ako para lumabas ng kwarto ng pumasok naman siyang may bitbit na tray ng pagakain.
"Good morning sweetheart," magandang ngiti at pagbati ni Harold sakin.
"Good morning, anu yan?" tanong ko sabay nguso sa bitbit niyang tray na alam ko namang pagkain, Vagetable salad at boiled egg na may kamatis, kanin at apple na naka slice tapos may gatas pa.
"Breakfast in bed," sabi niya sabay lapag sa pagkain sa maliit na mesa sa tabi ng bed.
"Sweetheart naman para naman akong may sakit niyan, pero thank you ang sweet naman ng sweety ko." sabi ko habang niyakap siya at hinalikan sa pisngi.
"Ito ang unang beses na magkasama tayong natulog sweet kaya dapat lubuslubusin ko nang pagsilbihan ka, kayo ng magiging baby natin, para maging healthy siya sa tiyan mo at lumabas na maganda o di kaya gwapo at malusog." paglalambing ni Harold sakin na ikinatuwa ko naman. Feeling ko ang swerti-swerti ko na na siya ang minahal ko.
"Thank you so much sweetheart, sabayan mo 'kong kumain ha," sabi ko sa kanya at kinuha na niya ang tray of food at nilagay sa harapan ko at sinubuan pa ako. Ayaw ko sana pero may magagawa ba ako eh lubos lubusin daw niya ang pag aalaga sakin eh.
Pagkatapos namin mag agahan sa kwarto ay naligo na kami ng sabay ni Harold, papasok pa ako sa trabaho at siya naman ay may magliliban daw muna ngayong araw dahil maghahanap siya ng malilipatan. Gusto ko man siyang samahan ay hindi pwede dahil hindi kami pweding magkasama sa labas na maraming tao.
Hinatid niya ako sa trabaho at agad na rin na umalis para maghanap ng mauupahang apartment.
Harold POV;
Maaga akong gumising para ipaghanda ng almusal ang mahal ko, kanina bago ako lumabas ng kwarto at kakabangon pa lang ay tinitigan ko si Cathy na tulog na tulog pa at kitang kita ko ng ngiti sa mga labi niya kahit tulog. Kagabi hindi ako makatulog agad dahil nag iisip ako ng tamang gawin samantalang siya tulog n tulog na. Ang sarap sa pakiramdam na siya ang makikita ko sa pagpikit at pagdilat ko ng aking mata, kaya kailangan ko tapusin ano mang namamagitan sa amin ni Mia para lubusan ko ng mapasaya si Cathlene, because she deserves to be happy.
Ng maihatid ko na siya s trabaho ay naghanap na ako ng bahay o apartment na pwedi kong lipatan, may ipon naman ako na magagamit ko para bumili ng mga bagong gamit. Babalikan ko nalang iba ko pang personal na gamit sa bahay pag may lilipatan na ako.
Magsisimula akong maghanap ng matitirhan malapit sa tinitirhan ni Cathy para madali ko siyang mapuntahan. Hindi kami pweding magsama sa iisng bobong dahil baka maging dahilan pa yon para hindi matuloy ang balak kong makipaghiwalay kay Mia. Kakausapin ko si Mayor Sandoval ang ama ni Mia!
May nakita akong nakapost na house for rent dalawang kanto lang mula sa bahay ni Cathy, nasa isang maliit na subdivision at mas malapit na ito sa university kong saan ako nagtatrabaho kaya mas makakabuti.
Pang couple lang ang bahay, may isang maliit na kwarto na may kama na rin, my maliit na sala kusina at palikuran.
Napangiti ako ng pumasok ako ng bahay dahil perfect sana siya para sa aming dalawa ni cathy. Binata daw kasi na nasa ibang bansa na ang may ari nito kaya may mga gamit na, ang nanay niya ang nakausap ko. Nakaloan sa pag ibig ang bahay kya nila parerentahan para daw ang bayad sa renta ipanghuhulog nalang sa Pag ibig.
"Iho, ikaw lang ba mag isa ang titira o may asawa ka? Pwede naman dito may anak pero wag lang hayaang maguhitan ng bata ang wall kasi maselan ang anak ko na may ari nito baklain kasi" natatawang saad ng matanda.
"Ok lang po nay' mag isa lang po ako kong darating man ang araw na madala ko na ang babaeng mahal ko dito ay ipagbibigay alam ko nalang po sa inyo." turan ko sa matanda na ikinangiti lang naman niya.
"Ok lang naman may bisita eh parang ikaw na man na ang nag mamay ari ng bahay na ito kong sakaling rerentahan mo, ibabalik mo lang to sa anak ko pag ayaw mo na." dagdag pa ng matanda
" Ok na po nay kukunin ko ito sagot kong nakangiti!"
"Sege iho kaylan ka mag dadown at ihahanda ko ang kontrata, One month deposit one month advance at 4,000 a month ang tubig at kuryente may kwentador naman kaya sagot mon din," sabi pa ng matanda.
" Sege nay ngayon na po magbibigay na po ako ng advance deposit ko." sabi ko naman kaya nagpaalam muna saglit ang matanda para kuhanin ang kontrata sa bahay nila.
Nang matapos na naming magkasundo ng land lady ko ay tangahli na din at tamang tama break time sa munisipyo pupuntahan ko si Mayor Sandoval ang papa ni Mia.
Sa labas palang ng munisipyo ay kinakabahan na ako! Mkakaharap ko na naman ang taong iniiwasan ko kahit makasalubong man lang!
Natatanaw ko na ang office niya at nakikita ko ang secretary nito na nagliligpit ng gamit tila mag bebreaktime na.
"Exuse me miss andyan paba si Mayor?" tanong ko sa secretary na napaangat naman agad ng tingin.
"Yes po, may appointment po sila?" tanong pa niya.
"Wala miss pero pakisabi naman na andito si Harold Kim Rodrigues." pakilala ko sa secretary at agad naman ito pumasok sa loob ng opisina. Hindi ako kilala ng mga tao dito dahil hindi naman talaga ako pumupunta sa lugar na ito ni hindi ako sumama noong kampanya.
" Sir pasok nalang daw po kayo. " bungad ng secretary ng lumabas na ito ng pinto mula sa office ng byanan ko!
" Para sayo at sa magiging anak natin sweethert! " bumuga ako ng hangin bago pinihit ng sirdura ng pinto at pumasok!
" What's bring you here?" agad n bungad ng byanan ko pagkapasok ko palang.
" I want to talk to you about Me and Mia! " deretsang sagot ko!
" Bakit may problema? " sagot niya habang nilalaro laro ang ballpen na hawak ng kanan niyang kamay.
" Bumalik na ang ama ni Brielle kaya siguro na man sir ay pwede nyo na akong palayain sa kasal namin ni Mia dahil gaya ng sinasabi ko sa inyo nong una palang hindi ako ang ama ni Brielle. Pinilit niyo lang akong pakasalan ang anak niyo para mailigtas ang pamilya niyo sa kahihiyan at kapalit noon ay ang pagnakaw nyo ng aking kaligayahan!" deretso at madiin kong pagkasabi! Pero tila hindi siya nagulat dahil wala akong nakitang kahit anong emosyon sa mukha niya.
" Paano na man si Micheal? nagkaanak rin kayo ng anak ko!" turan din niya.
"Kaya kong panindigan ang pagiging ama kay Micheal pero hindi ko na kayang maging asawa ng anak ninyo kaya ako nandito para hingin ang inyong pahintulot na ipawalang bisa ang kasal namin ni Mia!" sabi ko sa kanya na ikinatahimik niya at hinilot hilot ng sentido niya.
" What if hindi ako pumayag?"sagot niya.
"Malapit na po ang eleksyon Sir at alam kong balak niyong tumakbong congressman, paano kayo tatanggapin ng taong bayan kong malalaman nila na ang isang mayor na gingalang at pinagkakatiwalaan nila ay nagawang gamitin ang kapangyarihan para isalba sa kahihiyan ng pamilya?" matapang kong sambit kaya napatayo siya at dinuro ako!
" Pinagbabantaan mo ba ako Harold? Baka nakakalimutan mo kong sino ang kinakalaban mo! Baka magsisi ka at magmakaawa lang sakin balang araw!" pasigaw niyang turan sa akin ngunit pinanatili kong kalmado ng aking sarili!
" Alam ko po kong ano ang kaya niyong gawin mayor kaya po bago po ako pumasok dito ay inihanda ko na ang kaing sarili, naka record po lahat ng pag uusap natin at konektado po sa laptop ko itong cellphone ko kaya uras na may gawin kayo sakin may isng taong maglalabas ng baho ninyo pati ang pangbababae ninyo at ang pagiging protector sa mga iligal na pasugalan dito sa bayan! Kayat sa gusto niyo man o sa hindi kailangan niyong gawan ng paraan na mapa walang bisa ang kasal namin ng anak niyo sa lalong madaling panahon!"
" Matalino ka nga Harold sege kakausapin ko si Mia tungkol dito! makakaalis kana! " Malumanay niyang sabi habang ang tingin namam sakin ay napakasama!
Mabilis akong umalis sa opisina niya at dederetso muna ako sa bahay namin ni Mia kailangan ko makuha ng iba pang mga personal na gamit ko bago pa niya malaman ang pinag usapan namin ng ama niya at kailangan ko din magpaalam sa dalawang bata.