Pagpapaalam

1107 Words
Pagdating ko sa bahay ang tahimik ng bahay, nasa school pa siguro si Micheal at Brielle kaya dumeretso na muna ako saking silid para kuhanin ang mga importanting gamit na naiwan ko. Nang pababa na ako ng bahay, ay siya ding pagdating ng dalawang bata kasama ang driver nila. "Daddy, saan ka pupunta?" malungkot na tanong ni Micheal. Samantalang si Brielle ay walang emosyong makikita sa mukha nito. "Mga anak, medyo matagal muna bago makabalik si Daddy ha, may pupuntahan lang ako, lilipat akong trabaho at medyo malayo kaya kailangan ko muna lumipat ng bahay," pagsisinungaling ko sa mga bata. " Bakit daddy iiwan mo na kami?" sabat ni Brielle! " No anak, hindi, medyo magiging madalang lang akong pupunta dito pero hindi ko kayo iiwan." paliwanag ko sa mga bata kaya napayakap sa akin si Micheal. " Daddy sasama ako sayo please isama mo ako." naiiyak na pakiusap ng anak ko na siya na mang nagpatulo ng luha ko. " Anak kong pwede lang sana, pero ngayon hindi pa pwede, bibisitahin ka pa rin ni daddy okay? just behave anak. Wag matigas ang ulo at makinig kay yaya Sabel ha!' Habilin ko sa anak ko at tumango tango lang din siya. Samantalang si Brielle ay tila galit na ang mga tingin sakin at inirapan lang ako. Niayakap ko silang dalawa at umalis na sa harap nila. Sinundan lang ako ng tingin ni Brielle samantalang si Micheal ay sumunod hanggang pinto at kumaway pa ng pumasok na ako sa kotse! Naninikip ang dibdib ko sa pag alis ko ng bahay dahil alam kong walang kasiguraduhan kong makakabalik pa ba ako dito at kaylan ko pa kaya ulit makikitang ang mga anak ko. Si Micheal na sinusubuan ko pa minsan sa pagkain at si Brielle na laging nagpapakamot ng likod sakin. Masakit sa isang ama na iwan ang mga anak niya, pero sa sitwasyon ko ay kailangan kong tiisin! Hindi ko alam kong selfish ba itong matatawag pero sa pagkakataong ito ay kailangan ko din naman ayusin ang sarili ko para sa mga anak ko. Nag drive na ako pabalik sa bahay na inupahan ko dadalhin ko na doon itong mga gamit ko at mamaya ko na kununin yong nasa apartment ni Cathy. Pagkarating ko ng bahay ay agad ko inayos ang mga gamit ko. Yung ibang damit nilagay ko na sa built in closet ng kwarto. Buti nalang at kumpleto na halos ang gamit ng bahay. May kaliitan man siya ay ayos lang mag isa lang naman ako, kong sakaling magsama na kmi ni Cathy ay maghahanap nalang kami ng ibang mas komportable. Pagkatapos kong mag ayos ng gamit ay alas 7 na pala ng gabi. Kaya napag disisyonan kong pumunta sa apartment ni Cathy at doon na magluto para sabay kami maghapunan pag uwi niya, iniwan ko na ang kotse ko at sumakay nalang akong trycecle, pwede nga ako maglakad pero mas safe kong sasakay. Hindi ko na kailangang dalhin ang sasakyan iwas na rin sa mata ng kong sino na naniniktik sakin, malay ko kong may nagmamanman sakin'. Nagluto ako ng sinigang, nakabili ako ng mga panglahok sa talipapa malapit dito sa apartment ni Cath. Saktong pagdating niya naluto na pati ang kanin. "Good evening sweetheart, ang bango naman niyan." bati niya pagkapasok ng bahay at inaamoy amoy ang nalalanghap niyang amoy ng sinigang sa hangin.Alam niya na andito ako dahil hindi nakalock ang pinto. "Hi sweetheart.... how's school?" salubong ko sa kanya at kinuha ang bag niya sabay halik sa mga labi niya. "Ok lang sweet exam namin bukas at next week last day na ng pasukan, buti na rin at isang buwan pa hindi ko na maitago ang tiyan ko unti unti ng umuombok eh!" paliwanag niya habang hinihimas niya ang kanyang paumbok niyang tiyan. "Don't worry sweety, malapit na, magiging maayos din ang lahat konting pasensya at tiis lang ha." sabi ko s kanya habang nakayakap. "I trust you sweetheart, and i will let you handle everything," sagot niya habang nakapulupot ang mga braso sa baywang ko. "Sege na hali kana sweet habang mainit pa ang sabaw ng sinigang." yaya ko sa kanya at pinaupo ko na siya bago ako na ang nahanda ng mesa. Habang kumakain kami ay kinuwento ko na sa kanya tungkol sa nilipatan kong bahay pati ang pagkuha ko ng mga natira kong gamit sa bahay. Nalungkot naman siya sa part na nagpaalam ako sa mga anak ko. "Hindi mo ba pweding makuha si Micheal Heart?" tanong niya. "Gulo' lang 'yon sweety, at saka alam ko na ayos naman kalagayan ng mga bata kaya ok lang 'yon. Saka ko na babalikan ang anak ko pag naayos ko na lahat." paliwanag ko sa kanya. " Anu bang plano mo sweet?" kuryoso niyang tanong. "Kinausap ko na ang papa ni Mia si mayor Sandoval, at hihintayin ko nalang ang resulta ng pag uusap namin, balak ko nga rin sanang ebenta ang sasakyan ko sweet at papaliitan ko ng ibang model, may ipon pa naman ako, para na rin iwas sa mata ng pwede mag man-man sakin, oh' pweding mag motor na muna ako." turan ko at tumango tango din naman siya. " Ikaw ang bahala sweet kong ano sa tingin mo ang makabubuti sa'tin ay walang problema sa'kin kasi gaya ng sabi ko may tiwala ako sayo at sa mga disisyon mo." pag sang ayon niya kaya natuwa naman ako dahil suportado niya ang lahat ng disisyon ko. Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko ang pinagkainn namin habang naligo na man si Cathy. Pagkatapos nya maligo ay pinaupo ko siya sa sofa at pinasandal saking hita ang kanyang mga paa habang pinapatuyo niya ng tuwalys ang kanyang buhok ay minasahe ang mga binti niyw at napapikit pikit naman siya kasi ang sarap daw sa pkiramdam. Maya maya, binuhat ko siya ng pa bridal at dinala sa kwarto. Bago nahiga rin ako sa tabi niya. "Dito ka ba matutulog sweet?" tanong niya. "Oo bukas na ako matutulog sa bago kong bahay, maaga ko dadalhin ang mga gamit ko bukas na nandirito doon sa bahay pero mag iiwan ako ng iilan dito." sabi ko sabay halik sa noo niya at yumakap naman siya sakin ng nakatagilid hanggang sa naramdaman ko nalang na malalim na ang paghinga niya patunay na nakatulog na siya. Dahan dahan akong bumangon dahil aayusin ko pa ang malita ko at kailangan kong tanggalin ang iiwanang kong mga gamit ko dito sa bahay ni Cath. Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ng mga gamit ko na nilagay ko sa cabinet ni Cath ng mag ring ang cellphone ko, tiningnan ko, at nakita ko agad kong sino ang tumatawag. Ang inaasahan ko, si Mia!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD