Pagseselos

1380 Words
Hindi ko na hinintay na lumabas ng kotse si Harold para pagbuksan ako, sumabay na akong lumabas sa kanya kaya kita ko ang medyo pagkagulat sa mukha ng aking mga magulang. Di agad nakapagsalita si itay at palipat lipat ng tingin sa amin ni Harold samantalang si Inay ay tila nakanganga na di rin naka imik. Tanging ang kapatid ko lang na kasalukuyang nag aayos ng mga sinibak na kahoy ni tatay ang unang lumapit sakin at nagsalita! Wow ate, buti nakauwi ka, may kotse kana? Tsaka..... sino yang kasama mo ate?" tuwang tuwa na usisa ni Clinton. Sasagot na sana ako ng nagsalita nam si itay. "Anak buti nakauwi ka?" kayat lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya at nagmano. "Happy birthday po... " lumapit na rin si inay samim at niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi sabay mano. Namiss ko po kayo..Pasensya na po tay' busy ako sa school at sa trabaho kaya ngayon lang talaga ako nakauwi sinadya ko talagang makauwi dahil birthday niyo po. Paliwanag ko kay itay na ang mata ay nasa likuran ko, kay Harold, kaya hinawakan ko ang kamay ni Harold at ipinalapit kay tatay at katabi na man niya si nanay na hawak ang 2 taong gulang kong kapatid. "Ah.... tay' nay, boyfriend ko po si Harold. mahina kong sabi dahil tinitingnan ko kong anung magiging reaksyon nila at wala akong makita na kahit anong emosyon sa mukha ng aking mga magulang. Kaya medyo napanatag ako. "Mgandang umaga po sir' ma'am at happy birthday na rin po sir bati ni Harold sabay lapit at nagmano. Tinanggap naman nila inay at itay ang kanyang kamay. "Magandang umaga din naman sa inyo sir' pero wag na po ninyo ako tawaging sir' dahil mas kagalang galang at maayos po kayo tingnan kaysa sa amin. Isa lang po akong magsasaka! Ito namang si Cathlene walang pasabi na uuwi at hindi rin sinabi na may kasama, di tuloy kami nakapaghanda. "Ang sabihin mo hindi man lang sinabi ma may boyfiend na yang anak mo Cardo! nako maliit pa ang kapatid mong bunso anak baka magkakaroon na ito ng pamangkin ng di pa nagkakaisip ha" pabiro ni inay na may babala. Kaya nilapitan ko siya at niyakap, nay' naman advance mag isip eh... Boyfriend pa nga lang po at saka nangako po ako sa inyo na magtatapos ako ng pag aaral at pag aaralin ko pa si Clinton tapos pag nakatapos siya ding aalalay na sakin magpapaaral kay Cassandra hanggang makatapos si Cassandra si Cassy Marie naman tapos si Cleo Drake at si bunsoy cheeska Brie , diba' baby...... sabay kurot ko sa pisngi ng aking kapatid na kalong ni nanay at tuwang tuwa naman. "Anak papasukin mo muna yang bisita mo sa loob at yang sasakyan niya iparada 'nyo muna sa punong mangga mahirap na dyan sa kalsada baka paglaruan ng mga batang dumadaan", pag yaya ni tatay. "Nag agahan na ba kayo anak? di pa kami nakaluto ng pananghalian ubos na ang kanin kaninang umaga, Sabi naman ni inay habang nilalagay na sa duyan si bunso. "Clinton, puntahan mo si Cassandra at Cassy doon sa ilog sabihin mo umuwi na, tama na muna ang paglalaba at tulungan nila ang nanay mo maghanda ng pagkain.'' utos ni tatay kay Clintong. "Tay naman para naman akong bisita eh kaya ko naman kumilos ako na po ang magluluto ng tanghalian natin," Sabi ko kay itaay kaya tumango na lamang siya. Kayat inaya ko na si Harold sa loob ng bahay at para makapagpalit ng komportableng damit. "Tay' marami parin ho bang tilapia sa fishpond?" tanong ko ng mkabihis na ako ng pajama at t-shirt na katamtaman ang laki at si Harold ay nagsando nalang din at nag jogging pants. "Oo anak madaming malalaking tilapia sa fishpond" sabi ni tatay habang nagsasasalansan ng kahoy na gagamitin daw niya mamaya mag iihaw daw ng manok at pato. "Tay mayang gabi nalang po yang manok at pato niyo kasi may dala din po kaminng pang carbonara at macaroni salad tas panglahok sa buko pandan papakuha tayo mamaya ng buko mamimingwit muna kami ni Harold 'yon ang uulamin natin ngayong tanghali namimiss ko na po ang inihaw at paksiw na tilapia," sabi ko kay tatay at sinang ayunan naman niya. Ang lalaki ng tilapia sa fishpond ni itay ang tataba pa. Kumuha kami ng mga 5kl siguro para pang ihaw at paksiw. Nang pabalik na kami sa bahay ay naabutan namin si itay sa ilalim ng niyugan sa likod bahay. "Tay aakyat kayong buko? wag na po kayo umakyat mag utos nalang tayo at babayaran natin." pigil ko sa kanya dahil nag alala ako kay tatay medyo naging sakitin kasi siya eh kaya kahit 45 palang ang edad ay medyo nanghihina na. "Nako' anak andyan na sa taas si Fernan siya na nag presentang umakyat sa buko at tutulong daw sakin katayin yun 5 pato at 10 manok mamaya." Sagot ni itay na nakatanaw sa itaas kaya napatnga na rin ako at nakita ko nga si Fernan na tila handa ng putulin ang isang buwig ng buko! "Shine alis na kayo dyan' ihuhulog ko na tong mga buko" sigaw ni Fernan mula sa taas na siya namang kinakunot ng noo ni Harold kaya hinila ko nalang siya papasok ng bahay. " Hali kana sa tulungan mo akong linisin 'tong mga isda para maluto na." yaya ko sa kanya sabay hila papasok sa knyang mga kamay at simunod naman siya pero nakatingjn parin sa taas ng puno ng niyog! Nilinis namin yung mga isda at pagkatapos ay niluto na namin, ako ang nagpaapoy ng ihawan habang isinasalang niya ang paksiw at pagkatapos ay tinulugan na niya akong ihawin yung mga tatlong kilong tilapia. Nang maluto na ay agad kong tinawag sila nanay sakto ding umuwi na ang dalawang kapatid kong babae na galing sa ilog naglaba. "Wow ate nandito ka pala?" patakbong lapit ni Cassy at yumakap agad sakin kasunod naman si Cassandra. "Ate kanina kapa? may kasama ka yatang....boyfriend mo ate? malungkot na tanong ni Cassandra at alam ko kong bakit nag aalala siya na may boyfriend na ako natatakot siyang baka diko na matupad ang pangako kong tutulungan sila makapagtapos. " Sandy ang kuya Harold niyo, Sweety ito si Cassandra, ang ikatatlo sandy for short at siya naman si Cassy, Say-say naman tawag namin sa kanya ikaapat kong kapatid. "Sege na tawagin niyo na sila inay at itay sa labas Say at kakain na," Utos ko kay Cassy. "Ate sabi ni tatay sa labas nalang daw tayo manananghalian sa punong mangga may mahabang mesa na kawayan doon na ginawa nila ni kuya Fernan ng isang araw." sabi ni Clinton na kakapasok lang kaya agad naming hinanda ang mga pagkain at dinala sa labas. Bitbit ni Harold ang mga inihaw at ako naman ang kaserolang may paksiw na tilapia at si Cassy, Sandy at Clinton ay ang iba pang kagamitan sa pagkain. Sinalubong ako ni Fernan at kinuha ang dala dala ko kaya napasulyap naman si Harold na nasa unahan ko at sumimangot. "Halina kayo at kakain na tayo itong sabaw ng buko na ang magiging tubig natin", sabi ni itay sabay itinaas ang malaking petsil na may lamang sabaw ng buko. Masaya kaming nananghalian maliban kay Harold na di halos makakain ng maayos kakasilbi sa akin, kulang nalang ay subuan ako pati tinik ng tilapia tinatangal muna bago ilagay sa plato ko kayat napagtuunan tuloy siya ng pansin ng lahat. Si Clintonnat cassy ngiting ngiti na tila tuwang tuwa, at si Fernan naman malungkot at parang di makasubo ng pagkain. "Sir salamat naman at mukhang alagang alaga niyo si Shine, Sana hindi kayo magbago sa kanya at wag niyo siyang saktan" pilit ngiting turan ni Fernan pero kitang kita sa mga mata niya ang lungkot. Tiningnan lang siya ni Harold at tinanguan. "Itong si Fernan talaga linya ko dapat yan eh ako ang tatay ni Cathy para namang ikaw ang nanghahabilin! nakatawang sabat ni itay kayat napakamot nalang ng ulo at si Fernan at pilit na ngumiti, bago nagpatuloy sa pagkain na nakayuko pero kita ko na pasulyap sulyap siya sa amin ni Harold at ito na mang si Harold sinasalubong siya ng masakit na tingin hangang makatapos na kaming kumain at naghanda na ng mga lulutuin para mamayang gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD