Alas 5 ng hapon at tapos na kaming magluto sa tulong ni Harold at Fernan habang nag sasamaan ng tingin ang dalawa. Naiinis kasi si Harold kasi lapit ng lapit si Fernan sakin kahit nandiyan siya, at ito namang si Fernan ay tila iniinis pa lalo itong si Haold kaya natatawa nalang ako sa kanila, di na man nag kikibuan nagtititigan lang yung titig na kong makakapaso ay nasunog na sila pareho!
Ako ang nagluto ng carbonara at macaroni salad. Si harold ang nagluto ng pansit at kalderetang manok.
Si itay at Fernan pinagtulungan lutuin ang pato na niluto ng buo ang tatlo pinaupo daw sa tanglad at ang tatlo ay ginawang adobo.
Si nanay ang naghanda ng buko pandan sa tulong ng aking mga kapatid.
Iilang tao lang naman ang pumunta sa birthday ni itay, ang ilang malapit na kapitbahay lang namin dahil malalayo naman ang kabahayan banda sa amin kasi nasa sulok na kami ng baryo. Masayang masaya si itay at pagkatapos ng kainan ay tinawag niya si Harold para makisali sa kanilang inuman, nag alala naman ako dahil lambanog ang iniinom nila itay kasama si Fernan at ang dalawang kumpari ni itay.
Nagligpit kami ng pinagkainan at hinugasan sa labas ng bahay sa may puso at malapit yun sa iniunuman nila tatay kayat rinig na rinig ko ang pinag uusapan nila.
"Alam mo pare itong si Harold boyfriend ni Cathlene, nagulat ako kanina pagdating nila na may kasama ang aking panganay, akala ko may asawa na siya buti naman at boyfriend palang pala. Pero nakita ko namang mukhang mahal na mahal niya ang anak ko, kaya tinanggap ko nalang kahit na itong si Fernan sana ang gusto ko para sa anak ko." Lasing na boses na kwento ni tatay sa kanyang mga kainumang si mang Lando at Pablo.
"Nako pare, sa panahon ngayon pasalamat nalang tayo kong ang mga anak natin ay iisipin munang makatulong sa atin bago mag asawa , pero ayos lang yan pare basta ang importante makatapos sila," sagot ni mang Lando.
"Tama ka diyan pare' para wala silang maisumbat sa atin," dagdag din ni mang Pablo.
" Hayaan niyo po tay' wala pa po kaming plano ni Cathy na mag asawa, tatapusin po ni Cathy ang pag aaral niya at tutulungan ang mga kapatid niya di' po ako hadlang doon." magalang na sagot ni Harold na nagtatay na kay itay dahil yun ang napagkasunduan nila kanina na mag tatay nalang daw si Harold sa kanya at nanay kay inay.
"Ikaw Fernan anong masasabi mo?" baling ni itay kay Fernan na nakikinig lang sa usapan nila...
"Mang Cardo kong saan po masaya si Lara ay masaya na rin po ako para sa kanya, wag lang mangyaring sasaktan siya ng mokong na to (sabay turo kay harold na inirapan lang din siya) dahil kahit saan siya magtago hahanapin ko talaga siya!" sagot ni Fernan na pasinok sinok na dahil lasing na paano ba naman ay halos dobli sa tagay ng kinuman nila ang iniinom niya!
"Ate kawawa naman si kuya Fernan noh' parang nawalan ng tatlong kalabaw ang mukha at nagpakalasing pa talaga, nasaktan talaga siya dahil umuwi ka dito na may boyfriend na." pangusap sakin ni Clinton na siya nalang katulong ko sa paghuhugas dahil pumasok na sa loob si Cassy at Sandy.
" Kaibigan ko pa rin naman si Fernan Clint, ganon lang talaga yon di pweding lahat ng nag mamahal ay sinusuklian din ng pagmamahal". Kaya ikaw huh' pag nakaroon ka na ng liligawan dapat handa ka ring mabigo at masaktan," oh' siya ipasok mo na sa loob ang mga hinugasan natin at tatawagin ko lang ang kuya Harold mo lasing na yata di yon sanay uminom ng lambanog.
Medyo nalasing na silang lahat dahil puro na tawanan at ang lakas na ng boses. Hindi na ako lumapit senenyasan ko lang si Harold na lumapit sakin ng napatingin siya sakin kaya agad naman siyang tumayo.
"Jingle lang po muna ako" paalam ni Harold at tinaasan naman siya ng baso ni itay patunay ng pagsang ayon nito.
Dali dali siyang lumapit sa akin, "sweetheart' i love you" bati ni Harold sakin na medyo lasing na ang boses at nakangisi pa.
"Lasing kana yata sweety ah huwag kanang bumalik doon, di ka pa naman sanay uminom ng lambanog baka masira ang tiyan mo." sabi ko sa kanya dahil nag alala ako, kayat hinawakan ko na siya sa kamay at dinala sa harap ng bahay sa balkunahi na hindi tanaw sa kinaroroonan nila itay.
Nasa loob na rin ng bahay ang mga kapatid ko nanonood ng tv dahil may inaabangan silang palabas kada sabado kaya ayon nagsiksikan na sila sa maliit na sala.
Nakaupo na kami ni Harold ngayon sa may balkunahi sa harap ng bahay at walang ilaw dito sa labas tanging liwanag lang mula sa ilaw sa poste sa kalsada ang nagpapaliwang dito pero sapat na para makita mo ang kausap mo.
"Sweet' pabulong ni Harold at halata kong may sasabihin.
"Yes may sasabihin ka?" tanong ko.
"Paano kong darating ang araw na....", di niya madugtungan ang sasabihin niya kaya tinanong ko ulit siya..
"Na ano mahal ko?"
"Na.. magsawa ka sa sitwasyon natin, at baka maisipan mong maghanap ng iba iiwan mo ba ako?" Tanong niya na malungkot na boses.
"Mahal ayaw kong isipin yan at hinding hindi ko iisipin! Mahal kita Harold at kaya tayo nandito dahil sa pagmamahal ko sayo, pero kong sakaling dumating man ang panahon na ikaw ang lumayo masasaktan din ako pero sa umpisa palang tinanggap ko na sa sarili ko na pwede akong masaktan at mabigo, anu' ba yan sweety lasing kana yata eh kong anu ano ng mga sinasabi mo?" sabi ko sa kanya sabay mahinang kurot da ilong niya.
"Seryoso ako sweetheart, natatakot akong dumating ang araw na iiwanan mo ako!" dagdag pa niya.
"Kalimutan mo na muna yang iniisip mo ha", malayo pa ang aabutin natin, gusto ko mang iwanan ka ngayon para gawin ang tama hindi ko magawa dahil nauunawaan ko ang kalagayan mo at yon ang dahilan kong bakit kita lalong minahal." sagot ko kay Harold habang hinahawakan ang kamay niya. At di ni siya nagsalita nakita ko nalang na tumutulo ang mga luha niya!
"Sweety bakit ka umiiyak di pa kita iiwan ngayon ha, bukas pa siguro!" pabirong sabi ko.
"Masaya lang ako Sweet, hindi ko lubos maisip na tatanggapin mo ako sa kabila ng lahat, ang swerti ko na nakilala kita dahil ikaw ang nagbigay ng kulay sa buhay ko."
Pinahid ko ang mga luha niya at dinampian siya ng halik sa labi bago niyakap ng mahigpit, yakap ng pag aalo at pagmamahal.
"Antok kana ba? hindi ka pweding tumabi sakin ha, baka tagagin ka ni tatay!" bulong ko sa kanya at ngumiti naman siya pahiwatig na nauunawaan niya.
" Ok lang yon' pwede nga ako matulog dito sa labas mahal kasya naman ako dito sa upuan ng balkunahe," saad pa niya ngunit piningot ko lang ang ilong niya.
"Hindi pwedi noh! doon ka matulog sa kwarto nila Clinton malaki naman ang higaan doon at si Clinton sa Sala muna inayos na ni Cassy at Sandy ang higaan mo."
Niyakap nlang niya ako patalikod bagon nagsalita, "Thank you sweety, salamat sa pagpapakilala mo sakin sa pamilya mo, nakakakonsensiya lang na ramdam ko yung pag tanggap nila sakin pero hindi tayo tapat sa kanila. Hayaan mo sweety gagawin ko lahat ng magagawa ko na maayos natin ang lahat para pagdating ng araw na bumalik ako dito ay wala na tayong tinatago sa pamilya mo".. pahayag ni Harold na ikinaiyak ko naman dahil ramdam na ramdam ko ang senseridad niya. Nagbuntong hininga nalang ako di na umiimik dahil hindi ko alam paano mangyayari yon, hanggang nakaramdam ako na para ng sumanday ang baba niya sa balikat ko, nakatulog siyang nakayakap mula sa likuran ko ng nakaupo kami kaya dahan dahan ko siyang ginising para makalipat sa kwarto nila Clinton at ng makita kong tulog na tulog na siya ay pumasok na rin ako sa kwarto ng mga kapatid kong babae.
Malaki din ang kwarto ng mga kapatid kong babae at may dalawang double d**k na higaan kahit kasi kalahating semento at kalahating kawayan ang bahay namin ay napaganda ni itay dahil marunong siya mag karpentero at malaki din ang lupa na kinatitirikan nito dahil namana niya sa mga magulang niya na pumanaw na, nag iisang anak lang ang papa ko yon ang dahilan bakit gusto niya na maraming anak para daw masaya kaya ito anim na kami ngayon.