"Guten morgen!" Good morning!
Napataas ang kilay ni Arruba nang bumungad sa kaniya si Callen sa gilid ng kanilang bahay. Katulad niya ay mukhang nagmamadali rin ang binata.
"There's no good in the morning, Callen," mataray niyang saad dito.
Tuloy-tuloy ang lakad ng dalaga sa nakaparadang sasakyan. Hindi na niya pinansin pa si Callen na alam niyang iniinis na naman siya. Nang tuluyang mabuksan ang nakaparadang sasakyan ay agad na naupo sa front seat ang dalaga.
Isang limited edition Bugatti Veyron ang maghahatid sa kaniya sa pinapasukang eskwelahan sa Berlin. Malayo ang byahe mula sa kanilang bahay kaya kailangan niyang magmadali.
Arruba sighed. Hindi pa rin siya sanay sa kaniyang buhay. Lahat kailangan kalkulado. Lahat ay kailangan naaayon sa kagustuhan ng kaniyang ama.
"So, here we go buddy!"
Natigil ang anumang iniisip ng dalaga nang bigla na lamang pumasok sa loob ng sasakyan si Callen. Nanlaki kaagad ang kaniyang mga mata habang nakangisi naman itong sumulyap sa kaniya.
"What are you doing? May driver ako. Pwede ba, Callen. Lubayan mo naman ako! Wala ako sa mood makipag-away!" inis na sabi ng dalaga dito.
Nagkibit-balikat lamang ang binata at sinimulang paandarin ang sasakyan. Mas lalo namang nainis ang dalaga sa ginawa nito. Binungangaan niya ang lalaki ngunit, kahit anong sabihin niya ay seryoso lamang itong nagmamaneho.
"f**k you! Callen," tanging nasabi na lamang ng dalaga nang makitang wala nga itong pakialam sa kaniya.
"I know," sagot nito sa kaniya kapagkuwan.
Inirapan niya ang binata dahil doon. Inayos na lamang ng dalaga ang kaniyang sarili at napabuntonghininga. Bakit ba lagi na lamang siyang naiirita sa presensya ng lalaki? Kahit simpleng pagngisi nito ay nakakainis na para sa kaniya.
"Alam ba ng Daddy ko 'to? You're driving my car. Baka, mapagalitan pa ang driver ko dahil sa'yo."
Tumawa ang binata sa kaniyang sinabi kaya nilingon niya ito ng bahagya. Namumula ang mukha nito maging ang tainga. Napapailing pa ito habang pinipigilan ang sariling bumunghalit muli ng tawa.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko? Are you crazy, Callen? Nabuang ka na ba?" nakakunot ang noo na tanong ng dalaga. Ginamit pa niya ang lenggwahe ng ina dahil sa inis.
Her mother Evelyn is a pure Filipina. Bisaya ang lenggwahe nito na naging mother tongue niya habang lumalaki. But unfortunately, her mother died.
Napailing si Arruba. Kung ano-ano na naman ang iniisip niya. Sa ganitong pagkakataon ay gusto niya na lamang iuntog ang kaniyang ulo. Masyado siyang mahina kapag naaalala ang yumaong nanay.
"Your dad asked me to drive you. Dapat alam mo 'yan. Oh well, magtataka pa ba ako?" sagot naman ni Callen sa dalaga.
Napataas ang kilay niya sa tinuran nito. Nainsulto siya dahil doon ngunit alam niyang totoo. Bakit nga naman ito magtataka kung alam naman ng binata ang tunay na estado niya at ng sariling ama?
"So, bakit ka natatawa?"
"I just can't help it, Arru. Concern ka rin pala sa mga tao sa paligid mo? Imagine that? You amused me, big time!" natatawa pa ring saad nito. "You're not that heartless at all," dagdag pa nito.
Sinamaan niya ang binata ng tingin. "If I'm concerned, it's not your business. Tigilan mo nga ako sa pakikialam mo sa akin!" mataray niyang tugon sa binata.
Habang nasa biyahe ay hindi na ulit sila nag-usap pa ni Callen. Pinagsawa niya na lamang ang sariling pagmasdan ang bawat nadaraanan. Mga malalaking gusali, mga bahay at mga establisyemento na nagpapaganda sa buong Berlin. Ang mga maiingay na sasakyan at ang boses ng mga tao.
She sighed. Callen's words caught her off guard. She isn't heartless. Pero may mga bagay na kailangan niyang umakto na matatag. Life is tough for her but she is tougher.
"Oh! para sa'yo. Kumain ka dahil ang payat mo na," wika ni Callen sabay lapag ng kung ano sa kaniyang paanan.
Naputol ang anumang nasa isip ng dalaga at natuon ang buong atensyon niya sa bagay na ibinigay nito. Nakakunot ang kaniyang noo habang pinagmamasdan ang bagay na iyon.
"What's this?" tanong niya sa binata.
"Sandwich!" may pagmamalaki pang sabi nito. "I made it for you, schatzi." Little treasure.
"At bakit mo naman ako ginawan ng ganito? Boyfriend ba kita? Are we close? Or, you pity me?" mabilis na tanong niya dito. "Please, Callen. I don't need those," dagdag pa niya sabay buntong-hininga.
"It's better to shut your mouth than open it with your bitchy antic, Arru. Nakakainis ka na! Nagmamagandang loob lang naman ako," inis na sagot ng binata sa dalaga. Tinapakan nito ang preno ng sasakyan at agad na bumaba.
Napatulala na lamang ang dalaga sa ginawa nito. Nang sundan niya ito ng tingin ay saka niya lamang napagtanto na nasa loob na pala sila ng eskwelahan, ang Berlin English School.
Ilang sandali pa ay sinulyapan niya ang ang baon na ibinigay ni Callen. Napailing na lamang ang dalaga sa ginawa nito sabay ngumiti ng bahagya. Maybe, she needs to let her guard down to Callen. Minsan lang din naman ito magpakita ng pag-aalala kaya hahayaan na lang muna niya.
Kinuha niya ang baon na ibinigay ni Callen at inilagay sa kaniyang Gucci leather backpack at agad na bumaba ng sasakyan. Bumungad kaagad sa kaniya ang gwapong mukha ng kaniyang boyfriend nasi Atreo. Nakangisi ito sa kaniya habang namumungay ang mga mata.
"Hey! love," bati kaagad nito sa kaniya at walang pahintulot na sinibasib siya ng halik sa labi.
Napamulagat ang dalaga dahil doon. Inilibot niya rin ang paningin sa buong campus habang tinutugon ang halik ng nobyo. Kakaunti pa lamang ang estudyante at ang iba ay wala namang pakialam sa kung anumang ginagawa nila. She kissed him back with the same intensity. She put her arms on his neck and pulled him close to her.
French kissing inside the campus is just normal. Berlin is an open school with liberated students. She is used to it with some random guys that some girls call her a b***h. She doesn't mind, anyway.
"That was awesome. Want another round, love?" tanong nito sa kaniya nang matapos ang halik.
Napangisi ang dalaga at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Ipipikit na sana niya ang mga mata nang may mahagip ang kaniyang paningin. Agad-agad ay naitulak niya ang nobyo palayo. Nagulat ito nawalan pa ng balanse at napaupo sa lupa.
"What was that?" naguguluhang tanong nito.
Hindi ito pinansin ng dalaga. Ang buong atensyon niya ay ukupado ni Callen. He is eyeing her from the second floor of the building. His gray eyes pierce through her being. Bigla ay nakadama ng takot ang dalaga sa paraan ng titig nito sa kaniya.
"I-I'm sorry, Atreo. But, I have to go," tanging nasabi na lamang ng dalaga bago ito iniwan. Napatulala ang nobyo sa kaniyang ginawa ngunit hindi na lamang niya iyon pinansin. Maging ang pagtawag nito sa kaniya ay hindi niya alintana. Tuloy-tuloy ang mabilis niyang lakad papasok sa sariling silid-aralan.
Her heart is racing so fast. Para itong nakikipaghabulan sa sobrang kabog niyon. Maging ang kaniyang tuhod ay nanginginig sa sobrang pagmamadali. Her reaction is very odd. Hindi naman siya dating ganito.
"Hey, Arruba--"
"f**k off!" sansala niya sa anumang sasabihin nito. Mabilis niyang nilagpasan ang lalaki na napapakamot na lamang sa ulo. Maging ang mga nanlilisik na mata ng mga babeng inggit sa kaniya ay hindi niya na binigyang pansin.
"Ach du ScheiBe!" Holy s**t! mura niya sa hindi malamang dahilan.
Nang makarating sa sariling classroom ay saka pa lamang siya nakahinga ng maluwag. Pasalampak siyang naupo sa silya at napatingala. Pinakalma niya ang sarili at napailing na lamang.
She felt weird.
Buong klase ay tutok lamang ang atensyon ng dalaga sa kung anumang sinasabi ng kanilang guro. Iwinaglit niya rin sa isip ang naging reaksyon kanina dahil kay Callen. She needs to focus or else, her father will be mad again.
Pagkatapos ng klase ay agad na nagtungo ang dalaga sa school grounds ng eskwelahan. Berlin English School has a lot of trees inside the campus that most of the student's made it a hang out area. Malalaki din ang gusali ng paaralan.
Arruba went to the farthest tree and sat under it. She took her bag and opened it to get the container that Callen gave her. She instantly smiled when she saw a piece of bacon sandwich inside. She also opened the other container and saw pieces of hotdogs.
Mas lalo siyang napangiti dahil doon. Nagtataka rin siya kung paano nito nalaman ang mga paborito niyang pagkain. She loves sausages so much. Marahil ay nagtanong ito sa katulong nila.
Kinutusan ng dalaga ang sarili. Kung ano-ano na naman ang iniisip niya. Callen never left her mind that it felt weird. Napailing na lamang siya at sinimulan nang kumain.
Masayang niyang kinain ang mga pagkain na galing kay Callen. Pagkatapos uminom ng tubig ay pinasadahan niya ng tingin ang sarili. Hindi naman siya payat, hindi rin siya mataba. Sakto lang ang katawan niya sa isang teenager. She's fit and healthy.
Ilang sandali pa ay naisipan ng dalagang mahiga sa damuhan. Luminga siya sa paligid upang masigurong walang tao roon. Wala rin ang kaniyang boyfriend na si Atreo dahil galit ito sa ginawa niya kanina.
Arruba put her bag under her head. She stretched her body and positioned herself comfortably while looking at the blue sky. The wind is humid and the sun isn't that hot. It is perfect for an outdoor escapade.
"Alam mo, masama ang mahiga pagkatapos kumain. Kakabagan ka."
Agad na nagmulat ng mga mata si Arruba pagkarinig pa lamang ng boses nito. She moved her head and saw Callen sitting next to her. He was holding an ice cream and constantly licking it like it's the most easiest thing to do.
Habang ginagawa iyon ng binata ay nakamasid lamang siya dito. Napapalunok din siya kapag napapalunok ito. Tila magnet ang ginagawa nito na hindi niya magawang ibaling sa iba ang paningin.
"Stop staring. I know I'm handsome," nakakalokong sabi nito habang dinidilaan ang ice cream.
Agad niyang binaling ang tingin sa kalangitan at napapikit. Alam niyang namumula ang kaniyang pisngi sa pagkapahiya. She was caught off-guard. Bakit niya ba naisipang titigan ito ng ganoon?
"Why are you here? Dapat may klase ka pa ngayon. Did you cutting class?" tanong niya dito ng makahuma sa pagkapahiya.
"Nope. My professor wasn't here. Eh, ikaw. Bakit ka nandito?" tanong nito. "You should not sleep here, Arru. Maraming maniac sa paligid. Be careful next time," sagot naman nito sa dalaga. Dahil sa sinabi nito ay dali-dali siyang bumangon.
"Pwede ba! Tapusin mo na 'yang ice cream mo!" bagkus ay nasabi niya sa binata.
Agad ay napatakip siya sa kaniyang bibig. Sinulyapan niya rin ang binata at nakitang nakatitig ito sa kaniya. Nakangisi ito na may kakaibang kislap ang mga mata. Habang papalapit ito sa kaniya ay damang-dama niya ang naghuhurumentadong t***k ng kaniyang puso.
"Gusto mo lang pala ng ice cream. Hindi mo pa sinabi," nakakalokong bulong nito.
"Ano--"
Hindi na natuloy ng dalaga ang anumang sasabihin niya. Nanlaki rin ang kaniyang mga mata. Her brain seemed shut. She didn't know what to do.
Callen is feeding her with the ice cream he was holding. But, what shocked her the most was because Callen feeds her using his mouth.
Dammit it!