Kabanata 2

1827 Words
"Du Idiot. Das ist mir ScheiBegal!" You idiot. I don't give a s**t! Isang malutong na mura kaagad ang bumungad kay Arruba pagpasok pa lamang niya sa private office ng ama. Nakatayo ito sa harap ng malawak na study table nito habang nakahawak ang dalawang kamay sa dulo niyon. Sa klase ng titig na iginagawad nito sa dalaga ay halatang galit ito sa anak. "I'm sorry. I will work for it and be better next time, Papa," hinging paumanhin ni Arruba sa ama. Nakaupo na siya sa isang visitors chair nito na nasa tabi lamang ng study table. "Du idiot! If Callen is here, he will laugh at your stupidity Arruba. Use your brain!" You're an idiot! galit na dagdag pa nito. Napayuko na lamang ang dalaga habang patuloy na nagsasalita ang kaniyang ama. Hindi na naman bago sa kaniya ang pagiging mainitin ng ulo nito. Her father clearly says his disgust for having her as a child. Her father wanted a son but unfortunately her mother cannot bear a child again. "Es tut mir leid," I'm sorry, sabi niya dito pagkatapos ng ilang sandaling pananahimik nito. Nang mag-angat siya ng paningin ay nakatitig pa rin ito sa kaniya at tila ba hindi makapaniwala. Hindi pa rin niya maintindihan ang ama. Nagagalit ito sa kaniya dahil naungusan siya ng kaklase sa isang subject. Point lang ang lamang nito ngunit mukhang papatayin siya ng ama sa klase ng titig nito sa kaniya. "I wanted a son but your mother gave me a child like you. Don't be such a disgrace to the family Arruba. How can you handle our businesses if you're a brainless brat?! Work harder!" sabi nito at agad na naupo sa swivel chair nito. Tahimik na napabuntong-hininga ang dalaga. Naninikip ang dibdib sa bawat matalim na salita na nagmumula sa sariling ama. Gusto niyang pumalahaw ng iyak at hayaan na lamang ang sariling malunod sa pag-iisa. Gusto niyang magkaroon ng katahimikan malayo sa diktador niyang ama. She is only seventeen but she can't feel it. Some girls like her age enjoyed the life outside that the society can offer. But her life is very different from them. She is like a caged animal that followed her father's every rule and being killed by his sharp words. She is like a puppet to her perfectionist father. "Get out and fix yourself! Do your job well, Arruba. So, I can be proud of you. You're nothing but a spoiled brat!" pahabol pa nito bago kinuha ang magarbong vape pipe tobacco nito. Pinaikot din nito ang swivel chair at tinalikuran siya. Napabuntonghininga na lamang ang dalaga sa inakto nito. Dahan-dahan siyang tumayo at inayos ang sarili. "Tschüss Papa," Goodbye Papa, paalam niya dito bago nagsimulang maglakad. Nilisan niya ang study room nito na mabigat ang dibdib. Napabuntonghininga uli ang dalaga nang tuluyang maisarado ang pinto sa opisina nito. Palagi na lamang kapag papasok siya sa lugar na iyon ay purong galit at pagsisisi ang pinapamukha ng kaniyang ama sa kaniya. Paika-ikang naglakad ang dalaga patungo sa kaniyang kwarto. Sumasakit ang tuhod niya dahil sa pagkakasubsob sa matigas na bagay kanina sa kanilang eskwelahan. Arruba admited that she is a b***h. Marami siyang kaaway sa English-German school na pinapasukan niya. Bukod pa sa marami ang inggit sa kaniya. "ScheiBe!" s**t! mura niya habang patuloy na tinatahak ang mahabang pasilyo sa kanilang magarbong bahay. Their mansion is called The Dietrich Heritage by the ordinary people. Wala naman siyang pakialam doon. Tinitingala sila sa buong Germany dahil sa kanilang yaman. Her father is a well-known hotelier. At kaakibat ng pangalan at apelyido nila ay ang isang reputasyong kailangang pangalagaan. Napailing siya at mapait na ngumiti. Maraming inggit sa kaniya ngunit hindi naman alam ng mga ito ang dinaranas niya araw-araw. Ang pag-ayaw pa lamang sa kaniya ng ama ay isa ng dagok sa kaniyang pagkatao. Ang pagkontrol nito sa lahat ng bagay sa kaniya ay hindi nakakatuwa. They never knew her. Even her own father never knew who she really is. Nakakatawa kung iisipin, ngunit totoo. "A penny of your thought?" Mula sa pasilyo na kaniyang nilalakaran ay narinig niyang nagsalita si Callen sa kaniyang likuran. Napabuga ng hangin ang dalaga. She had already enough for today. Masyado nang masakit ang kaniyang ulo para patulan pa ang pang-aasar ng lalaki. Nagpatuloy sa paglalakad ang dalaga at hindi na ito pinansin pa. Akala niya ay tumigil na ang lalaki ngunit ganoon na lamang ang inis niya nang sabayan pa siya nito sa paglalakad. "Leave me alone! I'm not on the mood to argue with you, Callen," sabi niya dito habang patuloy pa rin sa paglalakad. Tumawa ang binata sa kaniyang sinabi. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. Gusto niyang suntukin ang mukha ng binata nang makitang nakakaloko itong ngumisi. "Is your father nag you, again? Tsk! you're such a cry baby," pang-iinis pa nito sa kaniya. "What do you want?" tanong niya sa lalaki sabay taas ng kilay. Napabuntonghininga siya pagkatapos. Mukhang hindi talaga siya lulubayan nito. Palagi siya nitong inaasar kahit hindi naman niya ito pinapatulan. Minsan siya ang mauuna o ito naman ang mauuna. Para silang aso't pusa kung magbangayan. "You! I mean, nothing!" sagot naman ng binata sa kaniya. Idiniin pa nito ang huling katagang sinabi. Napatda ang dalaga sa sinabi nito. Titig na titig kasi ang binata sa kaniya na para bang mayroon itong ipinapahiwatig. Callen is the son of her father's second wife. Her supposed step-brother. Inampon ito ng kaniyang ama na mas lalo pang nagpainis sa kaniya. Simula nang dumating ang binata sa kanila ay palagi na lamang siyang iniinis nito. Asungot ito sa buhay niya. "f**k you!" inis niyang sagot sa sinabi nito. "Yeah, I know. And, your stubborn, schatzi," Little treasure pilyong turan naman nito sa kaniya. Sinamaan ito ng dalaga nang tingin sa tinawag nito sa kaniya. Ginugulo na naman nito ang kaniyang utak sa kung anu-anong bagay na sinasabi nito. Sadyang natutuwa ang binata kapag nagagawa nito ang bagay na iyon sa kaniya. "Stop your nonsense, Callen," sabi niya sa binata bago ito tinalikuran. Naglakad ulit sa mahabang pasilyo ang dalaga ngunit nagulat na lamang siya ng umaangat na siya sa ere. "What are you doing, Callen? Put me down!" utos niya sa binata. Pinandilatan niya pa ito ng mga mata na ipinagkibit balikat lang naman nito. Habang karga-karga siya nito ay pinagmasdan na lamang ito ng dalaga. Callen is handsome but definitely not her type. Pangahan ang mukha nito habang matangos rin ang ilong. Makakapal ang kilay at hugis pusong mga labi. Umiling ang dalaga dahil sa naisip. Pinagalitan niya rin ang sarili. She's currently in a relationship for a month and she's enjoying it. If not, then she will dump her boys like a hot potato. How can she think of Callen that way? That would be incest and scary. Fuck! She's crazy. "Hardheaded schatzi. Please, refrain from speaking English. Use your mother's language, instead. Alam ko namang marunong kang magtagalog," wika nito sa kaniya bago siya inilapag kung saan. Nang inilibot ng dalaga ang paningin ay napagtanto niyang nasa sariling kwarto na siya. Nagulat siya sa reyalisasyon ngunit ipinagkibit balikat na lamang niya iyon. Mas naagaw ang atensyon niya kay Callen na mukhang abala sa kung anumang hinahanap nito. Ngumiti kaagad ang binata nang makita nito ang hinahanap. Agad siyang nagtungo sa harapan ng dalaga at walang pahintulot niyang hinawi ang high waisted sailor pants nito. Tumambad kaagad sa kaniyang paningin ang makinis nitong binti ngunit, hindi iyon ang nakaagaw sa kaniyang paningin. "W-What are you doing?" tanong ng dalaga sa binata. "Mag-ingat ka nga minsan. You're so clumsy, Arruba. Para kang bata. Tingnan mo nga 'yang tuhod mo!" mariing sabi nito. Ni hindi man lamang nito pinansin ang tanong ng dalaga. Dahan-dahan niyang pinapahid ang bulak na may lamang betadine sa sugat nito. Seryoso ang binata sa ginagawa habang ang dalaga naman ay nakatanghod at nanunuod lamang. Naguguluhan siya sa inaakto ng binata dahil alam naman niyang hindi sila magkasundo nito. "Why'd you care so much, Callen? We're enemies, right? So, don't act like you care. I know, you're laughing at me," mataray na tugon ng dalaga. Nakayuko siya kay Callen habang pinagmamasdan niya ang paggamot nito sa kaniyang sugat. "You are the Queen Arruba and a commoner like me should bow down to you," sagot nito. Tumingala ang binata sa dalaga. "Lagi mong sinasabi sa akin 'yan," dagdag pa nito. Nagtagpo ang kanilang mga paningin. Arruba startled while she looked at Callen's serious eyes. It's a beautiful gray eyes and she seemed drowning. Para bang dinadala siya sa ibang dimensyon. While looking at Arruba, Callen had an urge to do something to her but he controlled himself. He swallowed hard and cursed himself, nonstop. They're siblings for heaven's sake. He's literally f**k up. Nang makabawi ay unang nagbitaw ng tingin ang binata. Kinutusan niya ang sarili sa malaswang naisip kanina habang nakatitig siya sa mga mata ng dalaga. His chest is pounding hard. Bagay na bago sa kaniyang pakiramdam. "I'm sorry," hinging paumanhin niya na hindi malaman kung para saan. Naguguluhan siya sa mga nararamdaman niya nitong mga nakaraan. Hindi naman siya dating ganito. Tama si Arruba. Magkaaway sila kaya bakit niya ito tinutulungan? Maging siya ay hindi niya alam. Basta, ang tanging alam niya ay kusa ang kaniyang ginagawa. "Get out, Callen. I can manage from here," pagtataboy ng dalaga sa binata. Dahan-dahang gumapang ang dalaga sa kama at inayos ang sarili para matulog. She was already drained from all the f****d up things that happened to her. Wala na siyang lakas na mag-isip pa. Hahayaan na muna niyang igupo siya ng kapayapaan para matulog. "Drink your med. I will put some in your bedside table and avoid trouble next time, schatzi. Kaya ka napapagalitan ng ama mo," sabi pa nito sa kaniya kapagkuwan. Pinaikot niya ang mga mata. "Oh, please! Save that for tomorrow, Callen. I'm tired. So, leave!" mariin niyang sabi dito. Sinulyapan niya ang binata at nakitang napailing na lamang ito sa kaniyang sinabi. Nang naramdaman ng dalaga ang mga yapak nito paalis sa kaniyang kwarto ay napapikit siya. Somehow, she is thankful to him. Sadyang masama lang ang ugali niya at ayaw niyang ipinapakita na nagpapasalamat siya dito. "Salamat," bulong niya kapagkuwan. Hindi niya alam kung narinig pa nito iyon ngunit hinila siya ng sariling sabihin ang mga salitang iyon para sa binata. After a few minutes of being alone, Arruba cried in silence. She let her tears dry alone. Hinayaan niya muna ang sariling yakapin ang kalungkutan. She's always been like this for so long but she's still not used to it. Napakahirap ng pinagdaraanan niya at walang sinuman ang makakaintindi kundi ang sarili lamang. Napakahirap mawalan ng ina sa panahong inaayawan siya ng sariling ama. Napakahirap magkunwaring malakas sa paningin ng iba. Arruba sighed. Because, deep inside she's broken. @sheinAlthea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD