He stayed in that position for a while until he was satisfied. He rise up and look me intently, as if begging for something he couldn’t voice out. He sighed heavily and lick his lower lip.
“I really want you to break up with your boyfriend now so that I can do whatever I want without thinking twice.” kumalabog ang dibdib ko nang sabihin niya ‘yon na may pagsusumamo sa kaniyang boses.
Nag-iwas ako ng tingin at lumunok nang marahas. “I don’t want break up on him.” matigas ang boses na sambit ko.
He scoff mockingly at me, “really? Then should I just wait for the reason to come out for you to break up with your boyfriend?” nagsalubong ang kilay ko at tuminging muli sa kaniya.
Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at halos maduling na ako habang tinitingnan siya.
“What are you talking about?” tanong ko sa isang marahas na boses.
Napanguso siya nang bahagya bago lumayo sa akin ng isang hakbang. Nakatingin pa rin siya sa akin gamit ang isang matigas na ekpresyon pero taliwas ‘yon sa ipinapakita ng kaniyang mga mata. Masyado ‘yong malambot at nagsusumamo.
“Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo. Sa maga pinapahiwatig mong salita. Diretsahin mo na lang ako.” saad ko pa at napakapit sa kaniyang braso.
Nakasuot lang siya ng isang navy blue tee shirt at isang maong pants kaya nang hawakan ko siya sa kaniyang braso ay ramdam ko agad ang init ng katawan niya at ang mga maninipis na balahibo roon. Tiningnan niya ang kamay kong nakalapat doon pero hindi ko inalis ang pagkakahawak ko. I saw him distracted with my sudden touch but he did not protest about it.
“Hindi ko sasabihin sa ‘yo. Hahayaan kong ikaw ang makaalam.” mas lalo akong naguluhan at nakuryoso sa sinabi niya. “Hindi ba’t hindi na kayo maayos ng boyfriend mo? I mean you two were been cold to each other.”
How did he know? Paano niya nalaman ito samantalang wala naman akong pinagsasabihan at hindi naman gano’n kahalata ang nangyayari sa amin ni Sherwin ngayon? I have a hunch that he’s watching on us. I have a hunch that he’s investigating but I want him to confirm it first. But I know he won’t tell me about it.
“Wala kang pakialam sa relasyon naming dalawa ni Sherwin. Relasyon namin ‘to at labas ka ro’n. You shouldn’t be bothered by it at the first place.” mariing sambit ko sa kaniya.
He equaled my gaze then bowed a little, as if problematic now. “Sana nga wala na lang akong pakialam ngayon sa relasyon niyo. Sana nga kaya na lang kitang hayaan na harapin ang relasyon niyo nang mag-isa kahit pa masaktan ka.” he shook his head in disbelief then look at me with much unreadable emotions. “Pero hindi, Hermone. Hindi ko kayang tumunganga. The moment you told me your feelings seven years ago, I already told myself I should treasure it.”
“But you rejected me,” puno ng pait na sambit ko habang nakatingin nang matiim sa kaniyang mga mata.
“Yes, I did. Because damn it, I can’t believe I like someone whose years younger than me. I can believe myself that I desire someone who’s pure and innocent. That’s why I rejected you. I don’t want this feelings drives me crazy but I failed when I saw you again on that elevator in my company. I silently prayed, yes you’re now here. Abot kamay na agad kita pagkatapos ng ilang taon paghahanap ko sa iyo dahil hindi naman kita kilala. Kilala ko lang ang napakaganada at inosente mong mukha, pero hindi ang pangalan mo. I didn’t had time to search you in our school because I’m too busy with my study and my requirements.” he sighed heavily.
His confession made me weak, stunned, and unable to speak. I was just there, looking at him with shock expression. He made his way to crouched and kissed my lips again.
“And now that you’re old enough, I will make you mine. Just break up with your boyfriend first.” he smiled at me and stared at my lips for a moment. “Cat got your tongue, babe?” he playfully asked.
I cleared my throat at frowned at him to hide my nervousness. Nag-iwas ako ng tingin at nagtaas ng kilay sa kaniya.
“Lagi mo na lang pinagpipilitang makipaghiwalay na ako kay Sherwin,” iritadong sambit ko. “Wala pa sa plano ko ‘yan.” liar. You want to end your relationship with him already, you’re just too scared what he might say to you when you break up with him. You are more depending on Sherwin’s feelings because you don’t want to hurt him.
“Then, add it now to your plans. Be it on top priority.” natawa ako sa suhestiyon na.
“Napakahusay mo naman mag-suggest ng gagawin ko sa buhay. Sana ikaw na lang naging magulang ko kung gano’n.” sarkastikong sambit ko at inirapan siya. Natawa siya sa sinabi ko at umiling.
“I can’t be your parents, but I can be your boyfriend.” he smirk at me. Mas lalo ko siyang inirapan at bahagya siyang tinulak para nang sa gano’n ay malayo siya nang bahagya sa katawan ko. Sa sobrang lapit niya sa katawan ko ay ramdam na ramdam ko na ang init ng katawan niya.
But he didn’t even flinch an inch after that. He chuckled sexily as he lift up my chin for me to level his hot gaze. I equaled his gaze and suddenly got burned in it. Hindi ko kayang tagalan ang titig niya sa akin dahil masyadong nakakapaso. Nag-iwas muli ako ng tingin sa kaniya at tumikhim, naglulumikot na ngayon ang aking mga mata para maiwasan siya.
“P-p’wede bang lumayo ka sa akin? Masyado ka nang malapit. Baka nakakalimutan mong may boyfriend ako?”
“I can clearly remember that you have a fvcking boyfriend and it’s not me.” humugot siya ng malalim na buntong hininga bago lumayo nang bahagya sa akin habang nagtatagis ang bagang, parang nagpipigil ng kung anong emosyon.
“Umalis ka na, magpapahinga na ako.” huminga ulit siya nang malalim bago tumango.
“Alright, then, good night. Save my number. I might call or text often.” he winked at me then crouched to kiss my forehead before leaving my apartment.
I groaned in frustration has I calm my heart down. Ayaw pa rin nito tumigil sa kakatibok ng mabilis kahit wala naman na si Cyrus sa harap ko.
“Calm down, heart. You need to calm down. This is not good. Cyrus is not good for me, for my heart. He’s not the man who can be fine with just one girl. He’s not one woman man, heart. Please, get a grip and don’t just beat for him that easily.” pagkausap ko sa sarili ko at huminga nang malalim saka nailing at ini-lock ang pinto bago pumasok sa kuwarto ko at nagbihis na.
I sighed heavily and look at the ceiling. Wala na naman akong ginawa sa magdamag kung hindi ang mag-isip. Nang dahil na naman kay Cyrus. Kaya naman kinabukasan ay pumasok na naman akong puyat sa trabaho. Nanunuring tinitigan ako ni Jarah. Marahil ay nagtataka sa hitsura kong puyat na puyat. Ang mata ko ay paniguradong mugto dahil kaunti lang ang tulog. Tumikhim ako bago umupo sa aking swivel chair. Hindi nawala ang nanunuring tingin sa akin ni Jarah kaya naman binalingan ko siya. Nagtaas siya ng kilay sa akin.
“Anong nangyari sa mukha, girl?” tanong niya sa akin na nagtataka. Hindi naalis ang tingin niya sa aking mata na namumula ang gilid dahil sa puyat, halata rin ang aking eyebags dahil sa puyat.
“Wala, napuyat lang ako. The usual anxiety.” pagdadahilan ko at binuksan na ang computer ko.
“Puyat na puyat ka siguro. Dapat um-absent ka na lang ngayong araw.” suhestiyon niya, nagkakape pa siya at nakasandal sa kaniyang upuan. Mukhang hindi pa siya magsisimula sa trabaho. Sa bagay ay iilan pa lang kami rito kay siguro tinatamad pa siyang magtrabaho.
Umilig ako sa sinabi niya. “Ayoko. Sayang ang araw ko kung matutulog lang ako sa bahay.” saad ko habang kinukuha rin sa gilid ng lamesa ko ang tasa ko.
“At least nakapagpahinga ka kahit wala kang sahod.” halakhak niya na inilingan ko na lang.
Tumayo ako at nagpaalam na magtitimpla ng kape ko. May libre kasing kape dito kaya kapag may mga mag-oovertime o kaya ay gustong magkape sa umaga o hapon, p’wedeng kumuha rito. Sumunod sa akin si Jarah habang nagsasalita tungkol sa trabaho niya ngayon. Nakatoka sa kaniya ay sa ibang department at ang akin naman ay ang sa Architeture department at sa Design team kaya mas marami akong trabaho sa kaniya. Natambakan nga lang siya dahil ‘yong sa kaniya ay nakalimutan nang ibigay sa kaniya no’ng nakaraan na dapat ay tapos na niya ngayon kay rin siya nagrereklamo. Madali na raw sana.
“Ang dami pa naman no’n. Buti ‘yong iba sa atin ay mdali lang ang ginagawa.” reklamo [a niya habang naglalagay ako ng mainit na tubig sa tasa ko.
“Kumusta naman ako na mas maraming icocompile at gagawin datos.” irap ko sa kaniya.
Napahagikgik siya sa sinabi ko. “E, ‘di magreklamo ka sa crush mo. Sabihin mo sa kaniya marami kang ginagawa. Paniguradong babawasan no’n gawain mo at mas padadaliin pa niya lahat ng ‘yon.” inilingan ko siya at kinuha ang tasa ko habang hinahalo ang kape ko.
“Manahimik ka nga, Jarah, baka may makarinig sa ‘yo.” saway ko sa kaniya na ikinatawa niya lang.
Bumalik kami sa mga cubicle namin at nagsimula nang magtrabaho. Patapos na ako sa ginagawa ko nang may maglapag sa desk ko ng isang patong ng napakaraming folders. Tiningnan ko ‘yon at nag-angat ng tingin sa naglapag. And there, I saw Trinity, standing there like Queen-wannabe on my side as she look at me with brows furrowed.
“Ano ‘yan?” tanong ko habang tinitingnan ang mataas na pinagpatong-patong na files sa lamesa ko.
“Ayusin mo. Hindi ko na magagawa dahil marami pa akong gagawin.” humalukipkip siya harapan ko.
Napatiim bagang ako habang nakatingin sa mga papel na ‘yon. Tumaas ang kilay ko at nairita sa inaasta ng babaeng nasa gilid ko ngayon. I know she don’t like me here since then. She’s our so-called Senior in this department but I don’t really get it why she’s this rough to me. Dahil ba mabilis ako magtrabaho at maayos? Dahil ba wala pa akong nagagawang mali rito kaya siya ganiyan? Mag-iisang buwan pa lang ako rito pero ganito na siya sa akin noon pa. Parang tanga.
“That’s not my job to do, Ms. Clores. You see I still files to do first because the Head needs this tomorrow.” sambit ko sa isang malumanay at may galang na boses kahit hindi naman siya kagalang-galang.
She stood there, wearing her beige stilettos, white button down blouse with ruffled neckline, partnered with black fitted skirt. Her hair is in a well comb bun that really suits her. She’s pretty, I admit, but her attitude is not that pretty well.
“I know this is not your job, but I want you to do this. Kailangan na ‘to bukas ng umaga.” napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at huminga nang malalim.
Napapatingin na ang iba naming kasamahan sa amin dahil sa ganitong kumosyon na ginagawa namin.
“Wala bang available na ibang gagawa? Marami pa akong ginagawa at kailangan na ‘to bukas ni Mrs. Espenilla.” giit ko dahil hindi ko naman ito p’wedeng ipagpaliban para lang gawin ang gusto ng babaeng ito.
“Mas kailangan ito, Ms. Gaila. I don’t need your opinion, go do this.” mataray niyang sambit saka maarteng naglakad paalis doon. Iba ang opisina ng mga seniors kaysa sa amin kaya naman iritadong iritado ako sa kaniya dahil sa ginawa niya.
Napatayo ako ng wala sa oras dahil sa inis.
“Tang ina, kapag ako naging senior gaya niya, hindi ko ipapasa ang trabaho ko sa mas mababa sa akin. Tang inang rason, hindi magagawa. O baka ayaw gawin. Kainis!” halos isigaw ko ‘yon para marinig niya.
Nakapameywang ako rito habang nakatingin sa mga folder na binigay niya pati sa mga folders na ginagawa ko ngayon.
“Pagpasensyahan mo na, Mio. Ganiyan talaga ‘yan si Ms. Trinity. Lalo na kapag may mga bago.” sinipat ko ng tingin si Jerson at napabuga ng iritadong hininga.
“Oh? Ako lang ba ang bago rito?” pabagsak akong umupo sa swivel chair ko at tinitigan ang aking computer.
“Tutulungan na lang kita mamaya diyan, girl. Kairita talaga ‘yang babaeng ‘yan, akala mo naman kung sino.” bulong ni Jarah sa gilid ko na tinanguan ko na lang dahil nawawalan na ako ng gana magsalita.
Nagpatuloy na lang ako sa pagtatrabaho habang nakasimangot. Rinig ko pa ang bulong-bulong ni Jarah habang nagtatrabaho.
Kaya naman imbes na maaga akong makakauwi sa araw na ‘yon ay inasikaso ko pa ang mga papeles na ibinigay ni Ms. Trinity sa akin. Kahit naiirita ako ay wala rin naman akong magagawa, naibigay na niya sa akin, e. Nagpasya na lang tuloy ako na bukas ng umaga ko na lang i-print ang mga files na tapos ko. Dahil nasa bandang dulo pa ang cubicle ko ay hindi ako gaanong napapnsin pero kapag tumatayo at umaalis na ang aking mga kasamahan ay nagpapaalam pa sila sa akin. Ngiti at tango na lang ang iginagawad ko sa kanila kasama si Jarah na mukhang desidido talagang tulungan ako dito. Pinapaalis ko na siya dahil alam ko namang kailangan na rin siya sa bahay nila. She already has a daughter and a husband that’s why she can’t be here for too long.
“Ano ka ba kaya naman na ng asawa ko do’n. Saka nandoon sina mama at papa, may isa pa akong yaya doon para tumingin sa baby namin, ‘no. So don’t worry about me.” aniya at nagpatuloy sa ginagawa niya.
“Nakokonsensya lang ako. Hindi mo naman ‘to gawain, e.” sambit ko at napapanguso na habang inaayos ang mga papel.
She sighed heavily before turning to me. “Hindi mo rin naman dapat ‘to gawain, ‘di ba? Pero ano itong ginagawa mo ngayon?” balik tanong niya sa akin na mas lalong nagpanguso sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko at hindi na lang ako nagsalita. Tumunog ang cellphone ko na nasa loob ng bag ko kaya namn mabilis ko ‘yong kinuha, sa pag-aakalang si Sherwin ‘yon at naisipan na akong tawagan. Pero agad nanlamig ang katawan ko nang makitang isang unknown number ‘yon. The same number Cyrus has used last night to text and call me. Why is he calling by the way? Anong oras na ba at nanggugulo ang damuhong ito sa akin?
“Sino ‘yan, girl?” kuryosong tanong ni Jarah kaya naman mas mabilis pa sa alas kuwatro ko iyong na-decline.
Napalunok ako nang marahas nang makitang wala na ‘yon saka bumaling kay Jarah at ngumiti nang alanganin. “W-wala naman,” sagot ko at nagsimula na ulit sa ginagawa.
Kuryoso pa ring nakatingin sa akin si Jarah pero nagkibit balikat na lang siya nang makitang wala akong sinasabi. Huminga ako ng malalim nang marinig ang pagvibrate ng aking cellphone para na naman sa isang tawag.
“Sagutin mo na kaya. Don’t worry, tayong dalawa na lang ‘ata rito ang natitira.” humagikgik pa siya na ikinasimangot ko.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko nang hindi pa rin ‘yon tumigil sa kaka-vibrate. Sinagot ko ang tawag ni Cyrus at narini ang malalim at baritono niyang boses.
“Hey, why aren’t you picking up my calls?” he asked as soon as I answered the call. “I was calling for the nth time. Where the hell are you? Are you home now?” sunod sunod niyang tanong sa ‘kin na ikinakagat ko sa pang-ibabang labi ko.
Bakit gano’n? Imbes na mainis ako sa kaniya ngayon ay parang mas gusto ko na lang pakinggan ang boses niya sa tawag? Imbes na bulyawan ko siya dahil sa pagtawag niya sa ‘kin ay ibang tono ang lumabas sa akin? Isang estrangherong boses na hindi ko alam na mayroon ako. Napakalambing at napakahinhin no’n.
“Uhm. . . nasa opisina pa ako ngayon. Sorry, I was busy here I wasn’t able to answer your calls.” damn. Kaninong boses ang nagamit ko at imbes na magtaray ako ay iyon pa ang lumabas sa bibig ko.
And in front of my best friend?! Really!
Napalingon ako kay Jarah nang marinig ko ang munting pagtawa niya. Napasimangot ako at iniipit ang cellphone sa pisngi at balikat para makapagpatuloy sa ginagawa habang kausap siya.
“In this hour? It’s almost eight in the evening, Hermione.” why does my name sounds so sexy when he utter it? And really? Full name?
“Uhh. . . yes. Basta may ginagawa pa ako dito. Masyado pang marami ‘to, e.” kunot noong sambit ko habang binabasa ang mga files at ininilagay sa mga kapareho nito o sa dapat na kalagyan.
I heard him sigh on the other line before talking. “I’m in front of your apartment again. For an hour now because you’re not answering my damn calls.” umirap ako sa sinabi niya.
“Ano na naman ba ang ginagawa mo diyan?” iritado kong tanong sa kaniya. Kung kanina ay medyo kalmado pa ako, ngayon hindi na dahil nasa bahay ko na naman siya.
“Nothng. Just visiting you.” he answered cockily that made me pissed a bit.
“Hindi ako isang preso para bisitahin palagi sa bahay ko, Cyrus. At kung p’wede lang, umalis ka na diyan. Baka makita ka ng landlady diyan at ipapulis ka pa dahil nakatambay ka diyan.”
“I don’t care, though.” walang pakialam talagang sambit niya.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Jarah sa gilid ko na ikinairap ko na lang.
“Umalis ka na diyan at maghanap ka ng babaeng mauuto mo. Bwisit ka.” I heard him chuckle before I decided to end our call.
“Sungit mo naman kay papa Cyrus.” natatawang komento ni Jarah.
“Hindi niya kasi ako tatantanan hangga’t hindi ko siya sinusungitan. saka nakakairita kaya. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, siguradong mas mabilis kang maiirita.” saad ko na tinawanan lang niya habang naiiling.
Nagpatuloy na lang muli kami sa ginagawa at napatanag na rin ako dahil hindi na rin ulit tumawag si Cyrus, baka rin nainip na kakahintay sa akin sa bahay. Wala lang mapagtripan ang isang ‘yon dahil walang mahanap na babae. Kaya ako ang ginugulo ng hinayupak na ‘yon. Hindi ko na lang inintindi ang muli niyang pagtawag at nagpatuloy sa ginagawa.
“Nagpaalam ka ba sa asawa mo tungkol sa pagtulong mo sa ‘kin?” tanong ko kay Jarah habang inaayos ang ibang naayos na files. Nakapa-alphabetical order ‘yon.
“Oo, kanina pa. Sunduin na lang daw niya ako mamaya kapag patapos na tayo rito.” tumango ako sa kaniya.
“Masarap ba ang buhay may asawa?” tanong ko sabay tingin sa kaniya na may kuryosong hitsura.
“Oo, masarap. Kasi may nasasandalan ka sa oras na marami kang problema.” ngumiti siya habang nagpapatuloy sa ginagawa. “Masarap ang maasawa lalo na kung pareho kayong financially stable. Hindi naman maiiwasang maubusan minsan at mamroblema, pero less stress lang kasi may katuwang ka sa buhay. Alam mo naman ang kwento ng buhay ko, ‘di ba? Nang malaman kong buntis ako sa panganay ko ay hiwalay kami ni Darryl. Hindi ko naman siya pinipilit noon na balikan ako para sa bata, para panagutan niya ang anak ko dahil alam kng may girlfriend siya no’n. Ang gago, e. Ang hinihingi ko sa kaniya noon ay space, hindi break up. Pero nandigan siyang babalikan niya ako at aakuin ang responsibilidad dahil alam niya sa sarili niyang ginawa niya ‘yon sa akin at hindi namn ako kaladkaring babae para lang magpagalaw kahit kanino. Ayaw ko noong una dahil nga sa girlfriend niya pero si gago, ang sabi ay rebound lang niya si girl para daw makalimot sa akin. Hindi pala niya kayang wala ako pero nakipaghiwalay. Kung hindi ba naman isa’t kalahating tanga, e. Kaya ikaw kapag nakahanap ka ng mamahalin mong lalaki, e ‘yong matino naman. Hindi ko sinasabing isa kay Sherwin at Cyrus, ah. Dapat pumili ka ng kaya kang mahalin at panagutan sa anumang bagay. Mas masarap mahalin ang lalaking may paninindigan, may pangarap sa buhay at dedikadong lalaki. Hindi ‘yong puro sarap lang, tapos kapag nandiyan na ang obligasyon, tatakbo na at iiwan ka sa ere.” tumango ako sa sinabi niya.
Tama siya. Gano’ng lalaki dapat ang minamahal. Hindi ‘yong lalaking walang kasiguraduhan kung mananatili ng pangmatagalan. Hindi ‘yong lalaking hindi nakokontento sa isang babae lang.
I smiled and continued what I am doing with the thought of that. Kaya naman hindi ko namalayan ang oras. At hindi ko rin namalayang may umupo na sa gilid ko kung hindi lang suminghap si Jarah ay hindi ako matatauhan. I was too busy being preoccupied!
“Cyrus. . .” his intense and piercing eyes bore into me making me shiver.