KABANATA 8

3314 Words
I didn’t get it. How can he say that. . . someone is fooling me or someone can fool me? And he can’t? Really how can he say so that he won’t nor can’t fool me? He’s no saint so he can fool me, I’m a hundred percent sure he can do that to me. That’s why when he didn’t answer my question who’s fooling me, I stormed out of his office. Mad and almost hit his secretary for bumping into me. Pinakalma kong muli ang sarili ko sa loob ng elevator habang pababa na sa palapag ng opisina namin. Paniguradong magtatanong nito ang mga kasamahan ko dahil kababalik ko lang, kung sakaling mas nauna pa sila sa akin. At hindi nga ako nagkamali dahil pagkarating ko sa cubicle ko ay naroon na silang lahat, kompleto pa. Napailing ako nang mamataan ko ang kuryosong tingin ng mga kasamahan ko at ang nagtatakang mga mata ni Jarah na unti-unting naging ngisi. “Oh, Mio, akala ko mas nauna ka sa amin?” takang tanong ni Jerson sa akin. Umiling ako habang umuupo bago tumikhim. “Nautusan ako ni Mrs. Pelaez sa HR Department. May pinakuha lang saka nag-restroom ako.” palusot ko kahit alam kong maling dahilan ‘yon. “Okay. . .” anila bago nagpatuloy sa ginagawang trabaho. Pero hindi nakaligtas sa akin ang mahinang hagikgik ni Jarah sa tabi ko na ikinakunot ng noo ko sabay baling sa kaniya. Wala talaga akong naitatago sa babaeng ‘to, kahit kailan. Siya rin ang nakahuli sa akin sa Archi Dept. noon kaya nalaman niyang may gusto ako kay Cyrus. Ngayon. . . ito na naman siya at mukhang alam niyang nagsisinungaling ako sa kaniya. “Bakit?” takang tanong ko sa kaniya. “Alam ko kasing nagsisinungaling ka. Hindi na lang ako nagsalita dahil ichi-chika mo sa akin ‘yan mamaya.” napabuntong hininga ako sa tinuran niya. Wala talaga akong maitatago sa babaeng ‘to kahit kailan. Napanguso ako sabay bulong, “wala naman akong ichi-chika sa ‘yo.” Napabungisngis siya sa sinabi ko. “Sige lang. H’wag mo sabihin sa akin at ipagsasabi ko sa kanila na naging crush mo si Architect. ‘Kala mo, ah.” Napasapo na lang ako sa sinabi niya sabay iling sa kaniya. Wala naman na akong takas sa kaniya. Kaya wala na rin akong maitatago sa kaniya. Wala na akong ligtas sa kaniya dahil kukulitin at kukulitin ako niyan. Mabuti na lang at wala rito si Sandy na makikisali pa kay Jarah na mang-asar sa akin ngayon. Baka sa kanila ako mabaliw at hindi sa trabaho. Natapos ako sa trabaho nang maaga kaya naman hinintay ko na lang ang kaunti pang oras para makauwi. Ayokong umuwi ng sobrang sobrang aga dahil baka magulat sa akin ang mga katrabaho ko sa sobrang bilis ko matapos sa trabaho. Hinintay ko rin muna si Jarah bago ako umuwi dahil sabi niya ay sabay daw kami kumain sa labas habang nagkukuwento ako sa kaniya ng mga bagay-bagay na dapat niyang malaman. Chismosa lang talaga siya. Kaya naman wala na akong nagawa nang yayain niya ako sa isang Unli Wings sa malapit kaya hindi na ako nag-abala pang umangal dahil wala naman na akong kawala sa kaniya. Pumasok na lang kami doon para makaorder na. Habang naghihintay ay kinukulit na agad ako ni Jarah na magsabi sa kaniya dahil nga raw magkasama kami sa trabaho ay mukha raw’ng wala siyang alam sa nangyayari sa buhay ko. “Napakaprivate kasi ng buhay mo. As in napakatahimik. Para ka namang artista niyan, ayaw malaman ng madla ang nangyayari sa buhay.” umirap pa siya sa akin pero natawa rin. “Wala naman kasi akong sasabihin. Wala namang importante o interesanteng pangyayari sa buhay ko.” walang ganang sambit ko habang napangalumbaba at nakatingin sa labas ng Unli Wings shop na ito. “Wala nga bang interesante sa buhay mo? O dine-deny mo lang dahil. . . ayaw mong malaman ng iba ang tungkol sa inyo ng longtime crush mo?” I narrowed my eyes on her that made her laugh so hard as she look at me with so much satisfaction glimmered in her eyes. She smiled sweetly at me. “Wala namang tungkol sa amin. Anong meron?” saad ko, nagsisinungaling pa rin dahil ayaw kong malaman niya ang nangyayari ngayon sa pagitan namin ni Cyrus. Well wala namang nangyayari sa pagitan namin ni Cyrus bukod sa paghalik-halik niya sa akin. Bukod doon ay wala nang iba. “H’wag ka na nga mag-deny, Mio. Alam mo namang hindi uubra sa akin ‘yang deny-deny mode mo na ‘yan.” kumunot ang noo ko at napabuntong hininga. “Ano ba ang gusto mong malaman?” pareho lang kayo ni Cyrus na tsismosa. “Kahit ano. Like. . . what’s with you two? What is the real score between you and Cyrus. Naintriga pa ako kanina nang makita kong pumasok si Cyrus sa elevator na pinasukan mo. At siyempre, hindi ko na nahabol kaya naman sa iba na lang ako sumakay. Tapos hindi pa kita naabutan sa cubicle mo kaya naman mas lalo akong naintriga.” aba, pinangatawanan pa nga ang pagiging tsismosa. Napailing na lang ako sa kaniya bago huminga nang malalim. Nagdesisyon na lang ako na sabihin na sa kaniya dahil. . . para na rin kapag may problema ako tungkol dito. . . may masasabihan na rin ako at hindi sinasarili. “Saan ko ba sisimulan?” I asked as I look away because I am too embarrassed to tell her about this. I bit my lower lip, thinking about how to start the conversation. “Simulan mo sa. . . pagpasok mo sa kumpanya ni Cyrus.” she suggest. I sighed heavily and start, “sa totoo lang. . . hindi ko talaga alam na sa kaniyang company ito. I mean. . . I think about the company name because I am too desperate to have a descent job. I didn’t know that this is his company. The surname sounds familiar but I didn’t know. Ang huli kong balita tungkol sa kaniya ay noong mag-isang taon kami ni Sherwin sa relasyon namin because I baught a magazine. . . containing some trend businessmen in the country. At ang alam ko ay sa kumpanya ng pamilya niya ang hinahawakan niya. . . ang pinapamahalaan niya. That’s why when I saw job hiring I JCS Real Estate, I didn’t think twice nor hesitate to apply. Kaya nagulat ako nang makita ko siyang sumakay sa elevator at binati ng mga empleyado na “architect”, akala ko isa lang siya sa mga nagtatrabaho doon o kaya ay masyado lang siyang kilala sa industriya kaya kilala siya doon. At akala ko rin na nakalimutan na niya ang tungkol sa akin. . . na nakalimutan na niya ako. Kasi sobrang tagal na. Sa rami ng nakilala niya. . . ng mga nakasalamuha niya kaya akala ko ay nakalimutan na niya ‘ko.” I look at her with embarrassment. “Did your feelings came up again?” she asked, interrogating me. “I don’t know? I’m messed up, Jarah. Hindi ko alam, e. Pati kami ni Sherwin ay magulo na rin ang relasyon.” sinapo ko ang noo ko kasabay ng pagdating ng order namin kaya naman natigil kami saglit sa pag-uusap. “What’s happening with you two? I mean, alam ko namang going strong kayong dalawa the last I saw you. Tapos. . . ganito? Simula ba ito nang makita mo na naman si Cyrus?” mabilis akong umiling sa sinabi niya. “No. Before I had this job naguguluhan na ako. Bago ko muling makita si Cyrus ay hindi na maayos ang relasyon namin ni Sherwin. Dahil nga sa nagi-guilty ako na sa tagal ng relasyon namin ay hindi ko man lang siya. . . natutunang mahalin. Ayoko siyang masaktan nang sobra. Pero. . . sa ginagawa kong ito. . . alam kong mas lalo ko siyang masasaktan. I always felt guilty whenever I think about him and his love for me. He’s been there since day one, he’s been there in my ups and downs but I didn’t even reciprocate his love for me. Yes, I care for him. Yes, I like him. I could like him romantically. But still it feels so wrong. Maling-mali na makaramdam ako ng awa sa kaniya dahil hindi naman niya kailangan ‘yon. Ayoko siyang saktan. . . pero alam ko namang doon rin ‘yon papunta. Masasaktan at masasaktan ko pa rin siya.” Napatitig na lang ako sa pagkain ko habang nagsasalita. Si Jarah ay halos hindi rin makatapos sa isang pakpak ng manok dahil sa pakikinig. “I feel like I’m cheating on him.” napabuntong hininga na lang ako bago nagsimulang kumain. Napamang siya sa sinabi ko. “Huh? What do you mean you feel likeyou’re cheating on him?” I smiled hesitantly at her then bowed a little. “When I saw Cyrus again, he never left my mind. He’s always on my mind whenever it has a time to flash in my mind. Hindi ko maiwasan. Alam kong maling isipin ko siya dahil may boyfriend ako kahit medyo malamig ang relasyon naming dalawa. Ayaw ko mang mag-isip ng kung ano-ano tungkol kay Sherwin hindi ko maiwasan, I know he’s loyal. I know his love is always been enough make him stay loyal to me. But. . . every time I think about him this cold to me without enough reason,” I shrugged then chuckled without any humor on it. I shook my head as I continue. “As I think about Sherwin, Cyrus always pops up. He’s messing around me a lot. He even went to my apartment last night.” Napasinghap siya sa narinig at napanganga. Imbes na isubo ang kinakain ay napahinto siya sa gulat at napatingin sa akin na nanlalaki ang mga mata. “He. . . what? Last night? Oh my gosh!” aniya sa mahina, gulat at marahang boses. Hindi siya makapaniwala sa narinig at natawa pa nang bahagya. “And then, what happened?” she asked slowly. Tumikhim ako para tanggalin ang kaba at barang nararamdaman sa aking lalamunan. “He ate his dinner there. I mean wala naman siyang dalang pagkain at hindi siya um-order dahil akala ko rin ay hindi siya roon kakain.” napasapo ako sa noo ko gamit ang isang kamay na hindi pa narurumihan ng kinakain. “Nagreklamo pa nga siya sa niluto kong ulam dahil itlog na may halong hotdog lang ‘yon. Ayoko naman magpanggap na mayaman sa harap niya kung wala naman akong ipagmamayabang kalaunan. And then we kind of. . . argue about that but he ate his dinner there. At ‘yon ang inulam niya.” my cheeks heat profusely out of embarrassment. Bigla na lang tumawa si Jarah sa narinig mula sa akin. Sa sobrang lakas ng tawa niya napapatingin na sa amin ang ibang customer kaya naman sinaway ko siyang tumigil na sa kakatawa dahil nakahiya na masyado. Tumigil naman siya pero naroon pa rin ang bakas ng tawa at ngiti sa mga labi niya. “You really made him eat a simple dish at night, Mio. Ang alam ko ay kapag gano’n kayaman kagaya ni Cyrus, pang-agahan lang talaga sa kanila ang itlog at hotdog.” naiiling niyang sambit na ikinanguso ko. “Alam ko. Iyon nga ang pinagtalunan namin dahil pang-agahan lang daw ‘yon at hindi panghapunan.” umirap ako. “Pinamukha ko lang sa kaniya na hindi kami pareho ng buhay sa mundo. Magkaiba kami. Sobra.” mariing sambit ko. “Tapos? After no’n?” talagang hindi pa siya titigil sa kakaintriga sa akin. Should I tell her about the kiss or just keep it to me and just. . . treasure it? Hindi naman gano’n kahalaga ‘yon, e. Hindi ‘yon mahalaga para ipagsabi dahil hindi naman ‘yon kagaya ng first kiss ng isang teenager. “Wala na, ‘yon lang talaga.” desidido akong hindi sabihin, ‘no. Madaldal ‘tong si Jarah, e. “’Yon lang talaga? Sure ka na diyan? Walang chukchakang naganap?” agad ko siyang binato ng maliit na butong hawak ko na ikanatawa niya. “Wala malamang!” iritadong sambit ko at inirapan siya. “E, ‘yong kanina? Anong nangyari?” kuryosong tanong na naman niya. “Wala naman. Ginulo lang niya ako at pinapunta sa opisina niya.” “Ay? Bakit parang dismayado?” agad niya akong tinawanan nang makita ang masama kong titig sa kaniya at akma siyang babatuhin muli ng buto nang pigilan niya ako habang tumatawa. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain habang paminsan minsan ay nagkukwentuhan. Nang matapos kami ay nagpasya na rin kami agad na umuwi na dahil gabi na rin. Nang nakasakay na ako sa jeep ay saka ko lang naalala si Sherwin dahil hindi pa pala siya nakakapagtext o tawag man lang sa akin simula kanina. Panigurado naman ako na nakarating na sila sa pupuntahan nila kanina kaya bakit hindi man lang siya nagtext sa akin para magsabi? Nakakatampo na pero siguro mas ayos na rin munang magpahinga kami ngayon wala pa naman kaming napag-uusapan pa tungkol doon. Kinuha ko ang cellphone ko at nagulat sa hindi kilalang numerong tumatawag sa akin. Ang daming tawag at text ang naroon. Hindi ko alam kung si Sherwin ‘yon at nagbago lang ng numero pero iba ang kalabog ng puso ko. At mas lalo itong kumalabog nang malakas nang malaman kung kanino ‘yon nang mabasa ang mensahe sa akin ng numerong ‘yon. From: Unknown Number Hey, it’s me. Cyrus, your ultimate crush. From: Unknown Number Why are you not answering my damn call? From: Unknown Number Damn, Hermione answer my fvcking calls or I will go to your apartment to mess around you again. From: Unknown Number I swear to hell I’ll throttle your neck, Ms. Hermione Belle Gaila. You are not home yet. Where the hell are you? From: Unknown Number Where the hell are you? Damn it! Napasapo ako sa noo ko habang binabasa ang mga messages niya sa akin. Where the hell did he get my number? Oh, I forgot. He’s the fvcking CEO of the company where I working now. Of course he can get it whenever he wants because he’s powerful! Fvck him! Fvck him! Kairita! Huminga na lang ako nang malalim nang makapara ako at makababa. Lalakarin ko pa papasok hanggang sa makarating sa apartment ko at sana. . . sana wala na roon ang damuhong ‘yon! But of course, who am I to be favored by God right now? Because as long as I went upstairs, I saw him from this hallway leaning on the wall of my apartment. Napabuga na lang ako ng malalim na buntong hininga bago naglakad palapit sa lalaking walang ginawa kung ‘di guluhin ang buhay at isipan ko. Mabilis siyang napaayos ng tayo nang makita akong papalapit sa direksyon niya. Madilim ang ekspresyon na iginawad niya sa akin habang ako naman ay walang ganang binubuksan lamang ang pinto ng apartment ko na parang walang Cyrus na damuhong nakatingin sa akin nang madilim at salubong ang dalawang may katamtaman ang kapal ng kilay. “Where the hell have you been?” hinarap ko siya nang walang hiya siyang pumasok sa bahay ko. Sinamaan ko siya ng tingin. “Bakit? Sino ka ba para sabihin ko sa ‘yo lahat ng ginagawa ko? Sino ka ba para malaman mo kung saan ako nagpupunta o kung saan ako nanggagaling? Huh? Sino ka?” taas noong tanong ko sa kaniya. Biglang nagbago ang ekspresyon niya at saglit na dumaan doon ang gulat at pait. “Who am I?” he advanced that made me stepped backwards. “I am your boss.” aniya na parang may mababago sa sinabi niya sa kung anong pananaw ko ngayon. “E, ano kung boss kita? Boss lang kita at hindi boyfriend kaya wala kang karapatang panghimasukan ang buhay ko. Boss lang kita.” mariing sambit ko na ikinadilim lalo ng kaniyang ekspresyon. “Bakit? Sa iba mo bang empleyado ay ganito ka magtanong?” I scoff. “Napakahands on mo naman pala sa mga empleyado mo na pati buhay nila ay pinakikialaman mo.” He shook his head slowly and held my chin up so that our eyes would met each other. “No. I’m not like this to my employees. Only to you.” his thumb slowly brushed my chin as he look at me intently. “I don’t know but you captured me that instant. Kahit noon pa man.” his gaze slip to my lips. Desire suddenly filled his eyes as he lick his lower lip slowly. “Wala kang karapatan sa ‘kin, Cyrus.” mariing sambit ko na ikinangisi niya sa akin. “Really? Break up with your boyfriend, then.” kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “I told you. You’re not the one who will decide when I will break up with Sherwin.” umiling ko na mas lalo niyang ikinangisi. “Why so feisty? Hmm?” inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin kaya amoy na amoy ko ang napakabango niyang hininga. “If you’re going to keep being this feisty and sassy towards me. . . I don’t know how long I can take to keep myself sane.” sa sobrang lapit niya sa akin ay naliliyo na ako sa kaniya. Bawat buka ng kaniyang bibig ay pinapanood ko at hindi na pinagtuunan ng pansin ang sinasabi niya. Sa sobrang abala ko sa pagtingin sa labi niya ay hindi ko na namalayan ang paglapat no’n sa labi ko. Agad akong napapikit sa klase-klaseng sensasyong nararamdaman ko dahil sa halik na ‘yon. Hindi ko rin namalayang tumutugon na naman ako sa mga halik niyang nakakawala sa huwisyo. Mariin akong napakapit sa kaniyang braso nang palalimin niya ang halik na iginagawad sa akin. He kissed me passionately this time. Deep but his kisses were still gentle and soft. “Uhmm. . .” impit na ungol ang kumawala sa akin ang mas lalo niyang palalimin ang halik. Hindi ko namalayang nakadikit na ako sa dingding habang hinahalikan niya. He bit my lower lip slightly, making me part it a little. He made it as a way to enter my mouth and invaded it again with his skillful tongue. Ginagad na naman ng kaniyang dila ang aking bibig na halos ikabaliw ko. Nawawala na naman ako sa huwisyo dahil sa mga halik niya. Alam kong mali ito pero hindi ko siya maitulak. Ayaw kumilos ng katawan kong itulak siya kahit gusto ng isipan kong ipagtulakan siya at putulin ang mapanuya at masasarap nitong mga halik. Pinutol niya ang halik kaya humugot ako ng malalim na hininga habang hinihingal pa dahil sa halik. His face is still inches away from mine. I bit my lower lip and bowed a little, feeling embarrassed on that kiss again. I felt his lips touch my forehead the he sighed heavily. “I want you to break up on him now so that I can finally make you mine fully. I don’t like sharing. I don’t want you to share to anyone.” bulong niya sa mahinahong boses. “I’m not yours,” sa maliit na tinig ay sambit ko bago huminga nang malalim. “I know. But you to be mine. Alone. Do you get that?” his voice is now as soft as cotton as he slowly went down to bury his face in between my neck and shoulder. My heart boomed loudly as I feel his hot breath on my neck. Paano na ‘to? Ano nang gagawin ko kung nagiging ganito na kalala ang nangyayari? Nalilito na ako sa dapat kong gawin. Puso o isipan? Ano ba ang mas mahalaga sa dalawa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD