After eating in that fancy restaurant, we decided to go home. Dahil pagod ako sa trabaho ay hindi na ako ginulo ni Cyrus at umalis na lang ng apartment ko pagkatapos niya akong maihatid at magpaalam. Naiiling akong humiga sa kama pagkatapos maligo at magbihis ng pantulog. Kinuha ko ang cellphone nang tumunog ‘yon at nakita ang text ni Cyrus. Hindi ko pa nireregister ang numero niya pero alam kong siya ‘yon. Binuksan ko ‘yon at binasa.
From: Unknown Number
Just got home.
Pakialam ko naman kung nakauwi na siya? Kailangan pa ba niya akong iinform? Magrereply pa lang sana ako ng pabalang nang magtext ulit siya.
From: Unknown Number
#groupmessage
#feelingsiyalangtinext
Napasinghap ako sa huli niyang sinabi. Napakakapal naman ng pagmumukha ng lalaking ‘to!
Hindi ko na lang siya nireplyan dahil wala rin naman palang kwenta kausap ang lalaking ito. Naisipan ko na lang na itext si Sherwin kahit alam ko namang hindi siya magrereply sa akin.
To: Sherwin
Hi, hon! Hope you’re doing okay. Kailan pala ang uwi mo? Can we talk when you go home?
Para akong lutang na ewan habang nagtatype at naghihintay ng reply niya pero mukhang wala na naman akong aasahan gaya nitong mga nakaraan. Tumingin na lang ako sa ceiling habang hinihintay ang sariling makatulog na habang naghihintay sa repy niya. Inisip ko kung paano ko sisimulan ang pag-uusap namin o kung saan ko man sisimulan ang pag-uusapan namin. Should I go straight to the main topic or not? Or should I at least tell him first if he have any idea about what we will talk about?
Sa totoo lang hindi ko alam. Hindi ko na naman alam ang gagawin ko. Hindi ko na naman alam kung ano ang tama at mali. Basta lang ay gusto ko nang matapos ito dahil alam kong habang tumatagal ay mas nagiging komplikado ang lahat. Mas nagiging mahirap magdesisyon habang tumatagal na ganito kaming dalawa ni Sherwin. Desidido naman na ako dahil ayaw kong manatili siya sa isang one-sided love. Mas magi-guilty lang ako no’n. I don’t want to look like a cheater too because Cyrus keeps on bugging me also while he’s not around. And my heart and mind is not in a haywire because of them.
Habang nag-iisip ako ay biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text na naman. Mabilis kong kinuha ‘yon, expecting that it was Sherwin. But my hearts skips a beat when I saw Cyrus’ name. Bigla akong napabuntong hininga habang binubuksan ang text message niya.
From: Unknown Number
Hey, still alive?
Kumunot ang noo ko sa text niya pero bago ko pa siya mamura ay may panibago na naman siyang text.
From: Unknown Number
I mean, still awake?
Marahas akong humugot ng malalim na hininga bago nagtipa ng reply sa kaniya.
To: Unknown Number
Kung wala kang mapagtripan at nagsasayang ka lang ng load mo, manahimik ka na lang o matulog.
To: Unknown Number
Or p’wede ka ring maghanap ng babaeng maikakama mo para matigilan mo na akong bwisit ka.
From: Unknown Number
Sungit mo naman sa ‘kin.
To: Unknown Number
Tantanan mo ‘ko nang hindi kita sungitan.
From: Unknown Number
Nope. I can’t do that, though.
To: Unknown Number
Tigilan mo na ‘ko. Matutulog na ‘ko!
From: Unknown Number
Alright, then. Goodnight, babe :)
He even put a smiley face! What the hell is wrong with that guy? May saltik ‘ata. Nasobrahan ba siya sa trabaho?
Imbes na mag-isip pa ng kung ano-ano ay pinilit ko na lang ang sarili kong matulog dahil may trabaho pa ako bukas. Sa day off ko ay matutulog talaga ako maghapon. Ipapahinga ko muna ang sarili ko sa araw na ‘yon at sana ay walang manggulong asungot na ang pangalan ay Cyrus.
My days went on and on without Sherwin even replying my text or even answering my calls. I was slightly thinking about him being busy and thinking about him. . . busy with someone. I don’t know, really. Habang tumatagal na wala siya rito sa Manila ay iba-iba ang naiisip ko. Habang tumatagal na hindi ko siya nakikita ay nagiging iba ang kutob ko sa mga ginagawa niya. I’m in the verge of stalking his social media account but stopping myself mid step because I know he still has his privacy. I don’t want to interfere or having this hunch and grudges towards him.
Sobrang labo na kasi talaga ng relasyon naming dalawa. At gusto ko na itong tapusin dahil gulong-gulo na ako sa nararamdaman ko. May epal pang Cyrus na umaaligid. Kahit ipagtulakan ko siya. . . alam ko sa sarili ko ang totoo kong nararamdaman.
Sa nagdaang araw ay mukhang abala si Cyrus sa trabaho niya kaya bibihira niya akong guluhin. Hindi ko alam kung magiging masaya ako o ano. Hindi ko na naman maintindihan ang nararamdaman ko dahil para akong nadi-disappoint na ewan sa tuwing hindi niya ako napapansin dahil sa sobrang pagigigng abala niya. Alam kong maganda ‘yon dahil matatahimik ang buhay ko pero. . . ewan ko ba at parang naiirita ako dahil sa kaniya. Gano’n din si Sherwin. Mga bwisist sila! Sana ituloy na nila ang hindi pagpaparamdam sa akin nang matahimik na ang buhay ko.
Nag-unat ako ng aking braso bago sumandal sa backrest ng aking swivel chair. Kakatapos ko lang gawin ang trabaho ko ngayong araw na kailangan kong ipasa bukas. I saved it and get my bag. Sa wing namin ay ako na lang ang naiiwan dahil pinauna ko na si Jarah, tutal ay tapos na siya sa trabaho niya at kaialngan na niyang umuwi sa mga anak niya at asawa. Napanguso ako habang inaayos ang mga gamit ko para makauwi na. It’s already 9pm and I’m still here in the office.
Nang matapos kong suklayin ang buhok ko ay sinikop ko na ang aking gamit para makaalis na. Nasa tapat ako nang elevator para makababa na nang bumukas ‘yon at iniluwa no’n si Cyrus. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.
Anong ginagawa ng lalaking ito dito nang ganitong oras? Bakit narito pa ‘to?
Tiningnan ko siya at nakitang hindi na niya suot ang coat niya at nakatupi na hanggang siko ang kaniyang itim na dress shirt. Wala na rin ang necktie niya at nakabukas na ang tatlong butones ng suot na polo. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at bahagyang umatras nang lumabas siya sa elevator.
Hindi ko alam kung bakit narito ang lalaking ito gayong dapat kaninang alas sais pa siya umalis ng building na ito. Huminga ako nang malalim bago humakbang papasok sa elevator. Ngunit hindi pa man ako nakakatatlong hakbang nang pigilan niya ako sa paglalakad. Mariin ang hawak niya sa aking palapulsuhan pero hindi naman masakit. Tumingin ako sa elevator na pasara na bago lumingon sa kaniya nang walang emosyong ipinapakita. Pagod ako ngayon at walang lakas para makipagtalo sa kaniya ngayon.
“Bakit?” tanong ko sa kaniya sa walang ganang boses.
“Bakit ngayon ka lang uuwi?” tiningala ko siya dahil sa tangkad niya.
I rolled my eyes before taking off his hand on my wrist. “Ngayon ko lang natapos ‘yong ginagawa ko kaya nag-overtime ako.” tumango siya pero hindi nawala ang madilim nitong ekspresyon.
“Sorry, I was busy the whole week.” kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Bakit niya sinasabi sa akin ‘to? Wala naman akong pakialam sa ginagawa niya.
“Share mo lang?” sarkastikong sambit ko bago lumingon sa elevator na nakasara na ngayon.
Huminga ako nang malalim bago pinindot ang open button.
“You really don’t care about my whereabouts, huh.” may nahimigan akong pagtatampo sa boses niya kaya naman nilingon ko siya kasabay ng pagbukas ng pinto ng elevator.
“Kailangan ba may pake ako sa mga ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya bago pumasok sa elevator.
Sumunod siya sa akin at tumabi sa gilid ko kahit napakalawak ng loob ng elevator. I felt conscious now because he’s staring at me while I keep my expression straight and unreadable. Pero habnag tumatagal na nakatitig siya sa akin ay mas lalo akong hindi nagiging komportable. I look at him and even our eyes met he did not flinch or even blink because of that.
“P’wede bang tigilan mo ang kakatitig sa akin?” iritadong smabit ko nang hindi na ako makapagpigil dahil sa mga titig niyang ‘yon.
Nanlalambot ako habang nakatingin siya sa akin. At ang loko, hindi talaga natitinag.
“I’m just admiring the beautiful view.” he said, smiling sexily at me.
Halos masamid ako sa sinabi niya at sa nakakaakit niyang ngiti. Nakakainis! That should be illegal! His smile, his sexy laughter, his eyes, his stares, his everything should be illegal! At dapat na siyang makulong dahil do’n! I glared at him before I tore my eyes off him. It’s just that. . . I couldn’t look at him the way he look at me. Hindi ko kayang tagalan ang pagtingin sa kaniya. That’s too unfair.
“Stop fluttering me,” I said with no inhibition.
“I’m not fluttering you, I’m just telling the truth.” inismiran ko siya at hindi na nagsalita. “Hindi mo man lang ba ako namiss?” kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Why would I miss you, anyway?” I rolled my eyes and just look straight at the closed door of the elevator, not wanting to look at him in his eyes.
“That’s too unfair. I missed you so much, samantalang ikaw, hindi mo ‘ko namiss.” parang tumalon sa isang cliff ang aking puso matapos niyang sabihin ‘yon pero hindi ako nagpahalata. Baka sabihin niyang ang bilis kong magpadala sa mga sinasabi niyang wala namang katotohanan.
Cyrus always like to mess around. Hindi ‘yan marunong magseryoso kaya ikaw na ang dapat na umiwas sa kaniya para hindi masaktan. Pero. . . makakaiwas pa ba ako? Kaya ko pa ba? Ewan ko, kakayanin naman siguro. Nakaya ko nga siyang kalimutan sa nagdaang taon e, ngayon pa kaya?
“Miss your ass,” marahas kong sambit kasabay ng pagtunog ng elevator at ang pagbukas no’n. Mabilis akong lumabas do’n kasunod siya.
“Hey, wait up!” habol niya at pinigilan ang paglalakad ko. Napatingin ako sa kama niyang nakahawak sa kamay ko at tumingala sa kaniya. Hindi siya natinag sa masama kong tingin sa kaniya at ngumiti lang.
“P’wede ba, Cyrus. H’wag ngayon. Pagod ako. Gusto ko nang makauwi at makapagpahinga kaya kung p’wede ay tigilan mo na ako.” pabagsak kong sambit para makita niyang wala talaga akong gana sa mga laro niyang ito dahil pagod ako sa trabaho.
“Alright, hindi ako manggugulo— I mean, hindi kita kukulitin para hindi ka mairita at magalit. But let me drive you home. Binalikan talaga kita rito para sunduin.” napakamot siya sa kaniyang batok na parang nahihiya sa sinabi at ginawa. Kita ko rin ang pamumula ng kaniyang lee at tainga na nagpakunot ng noo ko sa pagtataka.
“Sinu— sundo mo ako?” gulat at marahan kong sambit.
“Yeah,” he said breathily as he look away, embarrassed. “Tara na. Saka hindi ka pa nagdi-dinner. I’ll treat you since you often see me the whole week.” aba at parang pinarating pa niyang hinahanap ko siya sa buong linggong wala siya?!
“Tara na nga. Libre ‘yan, e.” ako pa mismo ang humatak sa kaniya dahil nagugutom na ‘ko.
Pagkalabas namin ay agad na bumungad sa amin ang dodge viper niyang nakaparada sa labas. Hindi na niya ‘yon nilagay sa parking at ipinark lang dito sa tapat ng building. Sinenyasan niya ang guwardiya kaya naman mabilis kong binitawan ang kamay niyang kanina ko pa pala hawak. Tumingin siya sa akin at nagtaas ng kilay pero nagpatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng sasakyan niya. Pinagbuksan niya ‘ko ng pinto kaya mabilis na lang akong pumasok doon.
Bigla kong naisip ang guwardiyang nakamasid sa amin. Alam ko na agad ang iniisip nito at alam ko ring nawiwirduhan na siya sa ginagawa ni Cyrus ngayon. Gaya noong nakaraang sinabay niya ako sa kaniyang sasakyan. Nag-iwas na lamang ako ng tingin sa kaniya at sa labas na itinuon ang atensyon habang nagmamaneho siya.
Hindi ako nagsalita, gano’n rin naman siya kaya naman buong biyahe namin papunta sa restaurant na kinainan namin noong nakaraan. Tahimik akong bumaba sa sasakyan. Nakasimangot siyang bumaba at tiningnan ako.
Ano na naman problema nito?
“Pagbubuksan pa lang kita ng pinto,” nagmamaktol niyang sambit.
Inirapan ko siya at nauna na sa kaniyang maglakad pero naabutan niya pa rin ako. Agad na lumapat ang kaniyang palad sa aking beywang. Masama ang tinging ipunukol ko sa kaniya pero nginisihan lang niya ako at iginiya na ako sa elevator. May mga kasabay kami kaya naman hindi ko na inalis ang kamay niya at hinayaan na lang siyang gawin ‘yon. Gusto ko mang magreklamo ay hinayaan na lang siya.
“Damn.” maya-maya ay bulong niya habang humihigpit ang kapit ng kaniyang kamay sa aking beywang.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya at naabutan ko ang pag-igting ng kaniyang panga kaa naman nagsalubong ang mga kilay ko. Nakatingin lang siya sa harapan at parang galit na nakatitig doon. Tumingin ako sa paligid bago at napansin ko ang lalaking nasa gilid at may kausap na lalaki. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
That’s. . . Sherwin.
Why is he here? Anong ginagawa niya rito? Bakit. . . si— sino ‘yang kasama niya?
Hindi ko namalayang nakakuyom na pala ang aking kamao habang nakatingin sa dalawang taong nasa harapan namin. Masaya siyang kausap ang babae at hindi man lang mawala ang ngiti niya rito habang kausap niya ito. Halos mawalan ako ng lakas habang nakatingin sa kanilang masayang nag-uusap at hindi alintana ang mga taong nasa paligid nila. Nakurap-kurap ako habang nakatingin sa kanila, hindi dahil hindi ako makapaniwalang nakikita ko si Sherwin dito ngayon kasama ang babaeng hindi ko kilala, kung ‘di dahil sa luhang nag-umpisang mamuo sa aking mga mata.
I swallowed hard the lump on my throat as I look at them. . . looking so good and sweet at the same time. I’m hurt. It hurts. I know I was the first one who become cold in our relationship but I did not cheat like what he is doing now. I can’t believe he can do this. Our relationship became cold and complicated before I saw Cyrus again so he can’t blame me for being with another man because I never cheated on him!
I thought he’s loyal. I thought he’s faithful to me. I thought he won’t nor can’t cheat but. . . what the hell is happening now?
Bago sila lumabas ng elevator ay nakita ko pang inakbayan niya ang babae at hinalikan sa pisngi.
I thought he don’t deserve the pain. I thought he don’t deserve be left behind. I thought he don’t deserve be hurt. But I was wrong. I deserve it. He really deserve it.
Mabuti na lamang at hindi kami parehas ng floor na kakainan kaya naman guminhawa ang pakiramdam ko. Napabuga ako ng malalim na buntong hininga nang makalabas kami sa elevator. Iginiya kami ng waitress sa kaparehas na mesang inukupa namin noon.
Nakatulala lang ako roon at hindi makapagsalita. Kaya si Cyrus na naman ang um-order ng para sa akin. Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko at ang pagbagsak ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Napakurap-kurap ako nang maramdaman ko ang mainit na bisig na yumakap sa kain mula sa gilid. Hindi ko namalayang nasa gilid ko na pala si Cyrus, inurong niya pa ang silya niya para makatabi ako at mayakap. Hindi ko na naman napigilan ang nararamdaman ko at umiyak na nang tuluyan at humikbi.
“Hush, babe. He don’t deserve your tears. He’s an assh*le.” mariin niyang sambit habang hinahagod niya ang likuran ko.
“I didn’t know. . . he can be a jerk.” humihikbing sambit ko at yumakap na rin kay Cyrus nang mahigpit.
“Hush. I’m sorry I didn’t tell you.” he said that made me rise up to look up at him. I frowned while looking at him.
“You knew?” hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya. Kung magagalit ako o hindi.
“Yeah. I’m sorry. I just want you to know it yourself or I want him to tell you the truth. Baka kasi isipin mong sinisiraan ko lang siya dahil gusto ko kayong magkahiwalay. No. And also, yes. Gusto ko kayong magkahiwalay but in a right way. Not because he’s cheating on you or what. Because based in the investigation my investigator have, your boyfriend is a good guy. It’s just that I don’t like him for you.” mariing sambit niya bago hinalikan ang aking noo.
Napapikit ako kasabay ng pagbagsak ng luha ko. Gulong-gulo na naman ang isip ko. Hindi ko na naman alam ang gagawin ko ngayon. Damn it, Sherwin! How could you do this to me?!
Kaya naman wala akong ginawa buong dinner namin kung ‘di ang matulala habang kumakain. Kahit noong bumabiyahe na kami papunta sa apartment ko ay tahimik pa rin ako. Wala talaga akong gana magsalita ngayon mula nang makita ko ‘yon. Baka bigla na lang akong sumabog sa galit kapag may nagpumilit kumausap sa akin.
“I suggest to not talk to him immediately,” napatingin ako kay Cyrus nang sabihin niya ‘yon. Papasok na sana ako sa gate ng apartment ko nang magsalita siya.
“Bakit? You’re not the one who will decide here, Cyrus.” he heave a heavy sigh before looking at me with wary eyes.
“I know. I know where I stand now because it’s your decision, but I’m just suggesting because as of now. . . you’re still hurt—“
“Yes. I am. My boyfriend is cheating on me.” malamig kong sambit.
“Yes, you are. Kaya nga palipasin mo muna ang sakit na nararamdaman mo dahil baka kung ano ang masabi mo. I don’t want you hurt. I don’t like seeing you hurt like this. Kaya nga dapat kapag kinausap mo siya ay ‘yong handa ka na talaga. ‘Yong makakausap mo siya nang maayos kahit umiiyak ka. Closure before breaking it all up. Para nasa maayos kayong lagay after separating. Just don’t be a coward and reckless.” aniya bago lumapit sa akin nang makitang lumuluha na naman ako. Niyakap niya ako at hinalikan ang tuktok ng aking ulo bago kumawala sa akin at pinunasan ang luha ko. “You should stand brave. I am expecting that you’d break up with that bastard.” hindi ko alam kung matatawa ako sa sinasabi niya dahil ipinipilit pa rin niya ang hiwalayan ko si Sherwin.
Yes. Yes, Cyrus, I will break up on him.
“I gotta go now. You need to rest, okay? I’ll let you think alone. Goodnight.” aniya bago ako muling hinalikan sa noo at naglakad palapit sa kaniyang kotse.
Kumaway siya sa akin habang pinapaandar ang kaniyang sasakyan. Ngumiti ako ng malungkot bago ako tumalikod at pumasok na sa gate at umakyat na sa unit ko.
Sinunod ko ang sinabi niya. Na magpahinga muna ako at palipasin ang galit at sakit bago ko komprontahin si Sherwin. Sa Sabado ay day off ko at ang plano kong pagpapahinga lamang sa bahay ay mukhang hindi mangyayari dahil pinlano ko ‘yon bilang araw ng pag-uusap namin ni Sherwin. When I called him that I want to talk to him, he answered and agreed with me.
At ngayong araw na ang usapan naming ‘yon. Tanaw ko siya habang naglalakad palapit sa akin. He smiled, but I didn’t. How could you smile like that to me when you literally smiling with another girl now? Umiling ako ng palahim at nag-iwas ng tingin sa kaniya hanggang sa makalapit siya sa akin.
“Hey, hon.” masayan bati niya sabay yakap sa akin. That will be our last hug.
“Hi,” walang ganang sagot ko at hindi sinuklian ang ngiti niya.
“Ahm. . . anong pag-uusapan natin?” takang tanong niya at igigiya sana ako paupo sa bench pero tumanggi ako at nanatiling nakatayo.
“I want to end this relationship, Sherwin.” there. I said it without breaking down.