“Anong sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin habang matiim akong tinititigan.
Tiningnan ko rin siya sa isang malamig na tingin. “Let’s end this relationship, Sherwin.” napanganga siya sa sinabi ko. Huminga ako nang malalim at nag-iwas ng tingin sa kaniya. “I know this kind of shocking and reckless, but. . . we can’t keep ourselves caged in this relationship with coldness and unhappy moment. Alam kong. . . ako ang unang nanalamig peor hindi ko naman akalain na mas gago ka kaysa sa inaakala ko.” Ang gulat sa kaniyang mga mata ay hindi na nawala.
“Anong. . .” bumuka ang bibig niya para magsalita ng kung ano pero hindi natuloy at naitikom na lang muli ang bibig bago siya umiwas ng tingin, feeling guilty for something I’m sure I know.
“I didn’t know. I didn’t know you can cheat on me like that. Partida nakita ko pa. You kissed her, wrapped your arms around her shoulder, treat her on a luxurious hotel restaurant. Wow. Just wow, Sherwin.” napayuko ako. Pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko pero bigo pa rin ako nang agaran itong tumulo.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko at para akong hindi makahinga habang pinipigilan ko ang paghikbi sa harapan niya. Sobrang sakit ng lalamunan ko sa pagpipigil ng hikbi ko peor ang luha ko ay patuloy lang sa pagbagsak. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Ramdam ko ang pagsisisi niya habang mahigpit ang yakap sa akin, na para bang mapapawi no’n ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
“Why? I want to know why, Sherwin. Please, enlighten me why did you do that? I was shock to see you. . . that way. Hindi ‘yon ang Sherwin na nakilala ko, e. Ibang-iba ‘yong nakita k-ko kagabi.” I cried hard in his chest as he caress my back to console my feelings.
“I’m sorry. I really am sorry. I was just. . . it was just. . .” he couldn’t even form the right words to say. Umiling ako habang hinahayaan siyang makahanap ng tamang salitang masasabi niya. “A-alam ko kasing. . . ayaw mo na. N-nanatili ka lang kasi alam kong ayaw mo ‘kong masaktan. Kaya patawarin mo ‘ko dahil. . . ako ang nanakit sa ‘yo. I’m just giving you the reason. . . to decide and break with me kasi kung ako ang papipiliin, Mio, ayaw ko. Hindi kita iiwan, hindi kita sasaktan kasi mahal kita. Pero hindi ko kayang makita kang hindi na masaya sa akin. Hindi ko kayang makitang nagi-guilty ka dahil sa pinaparamdam mo sa ‘kin. I’m sorry for keeping you into a relationship like this.”
I swallow hard the lump on my throat as I slowly nodded, understanding his point of view.
“Bago tayo mawalan ng trabaho, alam ko nang nanlalamig ka. Ramdam na ramdam ko na ‘yon pero hinayaan ko. Hindi ko pinansin dahil akala ko ay marami ka lang iniisip sa trabaho, samahan pa ng pagkawala nga ng tuluyan ng trabaho nating dalawa na mas nagpalamig sa ‘yo. I can’t see you like that. Masakit. Kaya naman nang makilala ko si Riza, bigla akong. . . nakaisip ng hindi maganda. Alam kong mali na magkagusto sa kaniya pero nakikita kasi kita sa kaniya.” humiwalay ako sa yakap niya pero hindi ko pa rin siya tiningnan.
“Pero sana sinabi mo sa akin hindi ‘yong gano’n. Alam kong nasasaktan kita sa trato ko sa ‘yo noong mga nakaraan pero hindi kita kayang saktan nang patalikod, Sherwin. I know I did invalidate your feelings but… I didn’t see that cheating coming all along.” nasasaktan kong sambit.
“I’m sorry. I’m really sorry, Mio. H-hindi ko sinasadya ‘yon. Ayaw kong iwan mo ‘ko—“
“Kaya nag-cheat ka na lang while we’re still in a relationship?” binalingan ko siya at nakita ko ang pagyuko niya at ang pagpunas ng kaniyang luha.
“I want us in a good terms after this, Sherwin. I’ve loved you, that’s the truth.” But not the kind of love romantically. Gusto kong sabihin ‘yon pero mas lalo ko lang siyang masasaktan kapag sinabi ko pa ‘yon. “I hope that this won’t happen again in your future relationship. I know you love me faithfully but you were just challenged by what happened to the both of us but please, don’t do this again to someone you will love next.” tumango siya habang may malungkot na mga matang nakatingin sa akin.
I smiled at him sadly and reached for his hand. I look at it while my eyes are in excruciating pain. I look at his soft and gentle hands. I will miss this hands. I will miss him. He has a part in my heart—in my life that will surely miss him so much.
“We… can be friends after this, Sherwin. You can talk to me anytime you want. You can tell me your problems like you used to before. I know you can move on. I know you can find a better woman.”
“I don’t think so, Mio. You’re the best woman I ever met in this lifetime.” umiling ako sa sinabi niya at inangat ang tingin sa kaniya.
“No. I’m not, Sherwin. I have hurt your feelings so many times, I know. Hindi mo man sabihin sa akin, alam kong nasasaktan na kita noon pa. At gusto kong humingi ng tawad para roon. I’m really sorry.”
He squeezed my hand that is holding his. “You’re already forgiven, hon. You will always be. Alam mo namang hindi kita kayang tiisin, ‘di ba?” I smiled sadly at him.
He wiped my tears while looking at me in awe. “Find someone you will love truly, Mio. Find someone better than me. ‘Yong hindi ka sasaktan gaya ng ginawa ko. ‘Yong mamahalin ka higit pa sa pagmamahal na ibinigay ko sa ‘yo. Don’t fool yourself again, okay?” he crouched to kiss my lips.
Pumikit ako at tinanggap ang halik niya. Our last kiss, probably. When he tore our kiss off, he look at me lovingly with a shed of tears in his eyes. He smiled and bowed a little before wiping own tears.
“Our last kiss. I will miss you, my Hermione. I will cherish our memories. I will treasure those. You will always be part of my life. Hindi kita makakalimutan. And yes, we can be friends. You can also talk to me and call me whenever you have problems.” aniya nang mag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti. “Can I… treat you for a dinner? Let’s break up… after dinner, please. Promise, I will be better.” tumango ako at pinaunlakan ang pag-aaya niya sa isang restaurant sa malapit.
We ate our dinner peacefully. Na parang walang nangyari sa aming dalawa. Na parang walang komprontsyong naganap sa aming dalawa. Na parang hindi kami umiyak dahil sa pagpapalaya namin sa isa’t isa. Na parang… ayos lang na magkasama kami ngayon dahil kailangan namin ang isa’t isa.
It’s fine, though. At least we’re in a good terms. At least we both decided to separate. We even had a casual conversation about his new job, the seminar he attended last week, and even about his new girl named Riza. He told me my resemblance to that girl but I did not comment, I just let him tell me a about the girl. I didn’t envy her and just been happy for Sherwin. Sana ay hindi siya saktan ng babaeng ito. Sana ay mahalin niya si Sherwin gaya ng ibinibigay ng lalaki sa kaniya.
After eating dinner we decided to leave the restaurant. Pagkalabas namin ng restaurant ay agad kong nilanghap ang lamig ng hangin na yumakap sa aking katawan. Nang magpantay kami ni Sherwin ay tiningnan ko siya na malungkot pa rin ang ekspresyon habang nakatingin sa kalangitan.
“You will be fine, right?” napatingin ako sa kaniya at maliit na ngiti lamang ang aking itinugon. “I’m sure you’ll be fine after this. You’re a brave woman. That’s why I adore you so much.” he smiled at me.
Huminga siya nang malalim bago tumingala muli sa langit, nakatingin sa bilog na bilog na buwan. Nakita ko ang kislap ng nagbabadyang luha sa gilid ng kaniyag mata bago tumingin sa baba at bumaling sa akin. Hindi ako nagsalita at hinintay lamang siyang magsalita.
“So, I guess, hanggang dito na lang tayo? Let’s officially breakup. I’m happy that I’ve met you.” he smiled at me, a genuine one.
“I am, too, Sherwin. Thank you for those wonderful years you’ve been with me. Please, take of yourself.” I hugged him for the last time.
“Ikaw din, lagi mong aalagaan ang sarili mo. H’wag mong pababayaan ang sarili mo. Health is wealth, okay?” tumango ako habang nakangiti sa kaniya.
“Mauuna na ‘ko. Thank you for today and everything, Sherwin.” tumango siya at ngumiti.
Siya pa ang nagtawag ng taxi para sa akin. Nang makasakay ako sa taxi ay namuo na namang muli ang luha ko. Tiningnan ko mula sa bintana si Sherwin at naabutan ko siyang nakatungo at mas lalong bumigat ang pakiramdam ko ng makitang nagpunas na naman siya ng kaniyang luha. Dahil sa kaunting traffic ay hindi kaagad kami nakaalis doon at nakita ko pa siyang nanatili roon at ramdam ko ang sakit na nararamdaman. Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako sa loob ng taxi. Wala na akong pakialam kung anong isipin ng taxi driver sa akin.
Gusto ko mang itext si Jarah para samahan ako saglit at mag-inom, alam kong may obligasyon pa siya sa pamilya niya ngayon. Panigurado ring nakauwi na ‘yon ng bahay nila ngayong oras na ‘to. Ayoko na siyang istorbohin. Kaya naman imbes na magpahatid ng diretso sa apartment ko ay nagpahatid ako sa isang bar sa Bonifacio.
“Boyfriend mo po ba, ma’am, ‘yong pumara ng sasakyan?” hindi na nakapagpigil ang driver at nagtanong na.
Mukha naman siyang mabait kaya sumagot ako.
“Ex ko na po,” I smiled a little at him while wiping my tears.
“Kaka-break niyo lang, ma’am?” tanong pa niya na tinanguan ko lang. “Kung ano man po ang dahilan ng paghihiwalay niyo, mas makakabuting maghiwalay na nga kayo kaysa ang masaktan niyo pa ang isa’t isa nang hindi niyo namamalayan.” nagpatuloy siya sa pagsasalita at nakikinig lamang ako. Kahit si manong muna ang kausapin ko ngayon, ayos na. “Ilang taon ba kayo ng dati mong nobyo, hija?” tanong pa niya.
“Maglilimang taon na rin ho.” sagot ko sa isang mapait na boses.
“Matagal rin pala kayong nagkasama. Hayaan mo at ipagdadasal ko na sana ay bumuti ang nararamdaman niyong dalawa. Alam kong sa tagal ng pinagsamahan niyo ay mahirap kalimutan ‘yon agad-agad. Sa lahat ng pinagdaanan niyong dalawa ay alam kong maayos ang paghihiwalay ninyong dalawa. Masakit, oo, pero mas makakabuti na itigil niyo na dahil mas magkakasakitan lang kayo lalo kung ipagpapatuloy niyo pa. Gagaan din ang nararamdaman niyong sakit ngayon, hindi man ngayon pero madadaan naman sa proseso. Lumaban ka lang. Unahin mo muna ang sarili mo bago ang ibang tao. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng ibang tao. Dahil kapag nasaktan ka, sarili mo lang din naman ang dadamay sa ‘yo sa lahat ng oras.”
Mas lalong nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. He’s right. We shouldn’t stay into a relationship like that. Dahil kaming dalawa lang naman ang magkakasakitan, e. Kami lang dalawa ang masasaktan. Might as well end it in good terms like we did.
Pagkarating ko sa bar na sinabi ko kay Manong ay agad akong bumaba. Dito kami madalas uminom noon nina Jarah at Sandy. Minsan ay kasama namin si Sherwin, minsan naman ay kami-kami lang dahil gusto lang naming magbonding. Kapag may problema, iinom at mag-usap dito. ‘Yon ang gawain namin noon. Ngayon ay wala na dahil may sari-sarili na rin kaming buhay. Si Sandy ay nasa ibang bansa at doon nagtatrabaho, si Jarah naman ay may pamilya na rin at kailangan iyon ang top priority niya sa buhay.
Ngayon… ako na lang muna ang mag-isang iinom dito. Ako muna.
“Kaya mo naman ‘to, Mio.” bulong ko sa sarili ko bago pumasok sa loob ng bar.
The loud music from the stereo filled my ears. Loud voices of the crowd is all around. I almost cough so hard when I smell the smoke from those cigarettes. Dahil nasa b****a pa lang ako ay doon sila naninigarilyo kahit na may smoking area naman. Patuloy ako sa paglalakad kahit pa nga may kaunting nakakabanga sa akin. Mga lasing na kaya hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na ‘ko sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa counter.
Mabuti na lamang at kahit papaano ay hindi out of place ang aking damit. Hindi man ako nakamake up gaya ng mga babae rito ay masasabi mong mabibilang na rin ako sa mga nagsasaya at nag-iinom sa buong club. I swallow hard as I sat on the highchair in the counter.
“One bottle of tequila, please.” utos ko sa bartender.
“Right away, Ms. Beautiful.” inirapan ko siya at tumingin sa dance floor kung saan naroon ang mga halos wala na sa sariling mga tao.
Nang inilapag ng bartender nag order kong tequila at lemon sa harap ko ay mabilis akong nagsalin no’n sa baso. Nagbayad muna ako sa kaniya dahil baka makalimutan ko mamaya kapag nalasing ako. At s**t lang! Wala nga pala akong kasama pauwi.
Bahala na si batman sa akin. Iuwi na lang niya ako sa apartment kapag nalasing na ‘ko nang sobra.
Nakakatalong inom pa lang ako ng alak ay nag-iinit na agad ang katawan ko dahil doon. Sa panglimang shot ko ay bumaling akong muli sa dance floor. Kahit naaakit akong pumunta roon ay pinigilan ko ang sarili ko dahil baka maraming manyak. Mahirap na.
Hindi ko alam kung nakailang baso na ako ng alak pero napapangalahatian ko na ang bote nang tumingin akong muli sa paligid. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero nakita ko si Cyrus sa ‘di kalayuan.
“No. He won’t be here. Hindi rin siya magpupunta sa ganitong bar dahil hindi naman ito high end gaya ng mga pinupuntahan niya.” bulong ko sa sarili at umiling na lang bago uminom muli.
Habang umiinom ako roon ay may mangilan-ngilang lumalapit sa akin. Mga nag-aayang samahan ako, nag-aayang pumunta sa dance floor at gusto raw akong isayaw, mga kung ano-ano pang mga tinatanong sa akin na hindi ko na lang pinapansin dahil para lang silang tanga roon at naghihintay ng sagot ko. Umaalis din naman sila kapag nakikitang hindi ako interesado.
Ramdam ko na ang pag-alon ng aking paningin at ang init ng aking katawan dahil sa rami ng nainom ko. Dahil kanina pa ‘ko naakit na pumunta sa dance floor ay tumayo ako mula sa pagkakaupo sa highchair. Kahit hindi na tuwid ang paglalakad ay pinilit kong makapunta sa dance floor. Wild masyado ang tugtog kaya gano’n rin ang mga nagsasayaw.
Nang makarating doon ay mabilis akong nakisali sa alon ng mga taong nagsasayaw. Itinaas ko ang aking mga kamay sa ere at iwinagayway ‘yon kasabay ng pag-indak ng aking katawan sa saliw ng mga ilaw at ng tugtugin.
Naramdaman kong may sumasayaw sa aking likuran. At dahil hindi ko bet makipagsayaw sa iba ay lumayo ako roon. Natatabig na ako ng karamihan pero wala nang pakialam ang katawan ko hanggang sa maramdaman ko na naman ang isang bulto ng katawan na umiindayog sa aking likuran. Pilit niyang idinidikit ang kaniyang harapan sa aking likuran at pilit naman akong lumalayo sa kaniya at nagkukunwaring sumasayaw at walang pakialam sa presensya niya.
Napapitlag ako nang bigla niyang hawakan ang aking beywang at umuklo siya para bumulong sa akin. Hindi ko ‘yon naintindihan dahil sa lakas ng tugtog sa malaking speaker. Maya-maya ay nawala ang lalaki sa aking likuran dahil sa lalaking tumulak sa kaniya. Nagtalo pa sila pa sila pero hindi ko sila inintindi at mas lalo pang nagtatalon doon.
Itinaas kong muli ang aking kamay dahilan upang tumaas ang suot kong beige colored long sleeve with lace cropped top na pinaresan ko lang ng isang itim na skirt at stilettos. Umiindayog ang katawan ko nang may maramdaman akong kakaibang init sa aking likuran. Init na nakakapanabik. ‘Yong init na ngayon ko lang naramdaman. Naguguluhan man ako sa reaksyon ng katawan ko sa presensya ng nasa aking likod ay nagpatuloy ako hanggang sa maramdaman ko ang mainit na palad nitong dumapo sa beywang ko na naiwan ng suot ko kaya diretso ang init ng kaniyang palad sa aking balat.
Natigilan ako at ibinaba ang aking mga braso. Lalo pa nang umuklo ang taong nasa aking likod at bumulong sa aking tainga. Bulong na makapanindig balahibo.
“You’re wasting, huh?” the guy at my back whispered huskily.
Nanindig ang mga balahibo ko hanggang sa aking batok nang marinig ko ang pamilyar na boses na ‘yon. This couldn’t be. I thought I was just hallucinating. I thought…
Mabilis akong humarap sa lalaki at nanlaki ang mga mata ko nang masalubong ng aking mga mata ang mapupungay niyang mata na matiim na nakatingin sa akin. Halos mapugto ang hininga ko nang mapagtantong narito nga si Cyrus.
“Mabuti talagang pinasundan kita. Alam kong narito ka. At kung hindi… baka kung ano nang ginawa ng lalaking ‘yon sa ‘yo dahil sa kalasingan mo.” mariin niyang sambit.
Natuon ang atensyon ko sa kaniyang labi habang nagsasalita siya at napalunok sa init na aking nararamdaman habang magkalapit ang katawan naming dalawa. Hindi pa nakatulong na ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang palad sa aking beywang.
My cheeks heated at the sudden reaction of my body towards his body heat. I’m no saint. I know what I am feeling because I am no innocent. I’m open to a worldly desire everyone has. I am flustered as I look at him. I saw a faint of desire as he look at me flushed right now.
“Damn. You’re drunk.” bulong niya na ikinanguso ko.
“I’m not drunk. Let’s dance, Cyrus.” sambit ko sa malakas na loob dahil alam ko sa sarili ko na kung nasa matinong pag-iisip ako ay hindi ko gagawin ‘to.
I put my arms around her neck and pull him a bit. Mas lalo siyang napalapit sa akin kahit sa sobrang tangkad niya ay hindi siya nagreklamo nang hatakin ko siya pababa hanggang sa gahibla na lang ang pagitan ng aming mga labi. Naduduling ako habang nakatingin sa kaniyang mapupulang labi. Ang labing ‘yan, natikman ko na ‘yan. Napakalambot at napakasarap tikman.
I tiptoed to touch his lips with mine. He groaned when I kissed him. Mabilis niyang hinapit palapit ang aking beywang kaya mas lalo akong nadiin sa kaniya. Ang is aniyang kamay ay lumapat sa aking batok at mas pinalalim ang halik na pinagsasaluhan naming dalawa. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay agad akong naghabol ng hininga, dumagdag sa init na nararamdaman ko ang mainit niyang halik. Dinilaan niya ang kaniyang pang-ibabang labi habang nakatingin sa aking mga mata.
“Did you break up with your boyfriend already?” he asked in a soothing voice.
Nakatingin pa rin ako sa labi niya at hindi siya agad nasagot. Hinawakan niya ang baba at marahan inangat para magtama ang aming paningin.
“Did you?” he asked again that made me nodded obediently and honestly. “Music to my ears. You are mine now.” aniya bago ako muling nilakumos ng halik.
Napaungol ako nang marahan dahil sa naglulumikot niyang palad. Parang wala kami sa dance floor at hindi namin alintana ang dami ng tao sa paligid.
“Damn, babe, I want you.” bulong niya at niyakap ako nang mahigpit, tila pinipigilan ang sarili.
“I… I want you, too, Cyrus.” bulong ko na may kasamang halinghing nang lumapat ang mainit niyang labi sa aking leeg.
Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa sking balat nang bigla siyang mag-angat ng tingin sa akin.
“You’re drunk. I don’t want to take advantage of your state.”
Umiling ako. “I know what I am doing.” kita ko ang pagdilim ng kaniyang ekspresyon kasabay ng mabilis niyang pagpangko sa akin paalis doon.
What will happen next? I asked myself.