Sapo-sapo ni Krystinia ang ulo habang palakad-lakad sa sala ng farmhouse at tinatawagan si Warrick. May dalawang linggo na itong wala sa Pilipinas. Matapos ang ilang araw sa Hong Kong ay lumipad ito patungong London. Ngayon ay nasa New York naman ito at hindi pa niya nakakausap pa. Gusto lang naman niyang malaman kung kailan ito babalik ng Pilipinas. "Krystinia, nahihilo na kami ng Papa mo sa kalalakad mo. Wala na kaming maintindihan sa palabas," saway ni Serafina sa kanya na abala sa panonood ng pang-umagang teleserye na paborito nito. Bumuntong-hininga siya at tumigil sa paglalakad. "Warrick is not answering his phone. Baka ano na ang nangyari sa kanya," nag-aalala niyang sabi. "Kumalma ka lang. Kasama niya sekretarya at ilang executive niya sa New York. Kung may nangyaring hindi maga
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


