PINAGMASDAN ni Krystinia ang wedding band sa daliri niya. Mainit-init pa iyon mula nang isuot ni Warrick sa daliri niya. Katatapos lang ng simpleng civil wedding ceremony na isinagawa ng mayor ng Quezon City sa hardin ng bahay ni Warrick. Iilan lang ang mga bisitang imbitado - mga piling kaibigan ni Warrick, ang ninong na si Dante, ang ninang na si Maureen Laurel, ang katiwala sa resthouse na sina Aling Yolly at Mang Herbert. Kapuna-puna ang hindi pagdalo ng pamilya niya. Sa bahay din ginanap ang reception. Tapos na nilang magpaalam ni Warrick sa pinakahuli nilang bisita. Alas diyes na noon ng gabi. "Hindi ka pa ba papasok?" tanong ni Warrick na tanggal na ang cream coat nito. He looked gorgeous a while ago. Habang siya ay simpleng cream flowing dress ang suot. "Magpahinga ka na. O baka

