“Ma’am Krystinia, pumasok na po kayo sa loob. Malamig na po ang hangin dito sa labas at malapit na umulan.” Inangat ni Krystinia ang tingin mula sa binubuong kastilyong buhangin nang marinig ang nananaway na boses ni Aling Yolly mula sa di kalayuan. “Sandali na lang po!” sigaw naman niya at tiningala ang langit. May namumuo ngang sama ng panahon sa di kalayuan pero may kalahating oras pa bago bumagsak ang ulan sa palagay niya. Sapat na panahon para mabuo niya ang sandcastle niya. “Diyos ko! Bakit naglupasay na kayo sa buhangin?” nahihindik na sabi ninyo. “Ma’am, di na kayo dapat naglalaro pa sa buhanginan. Baka makasama sa anak ninyo.” Humalakhak siya dahil hindi naman masama ang pakiramdam niya. She actually felt better. “Gusto ko lang pong tapusin ang sandcastle na ito. Kukunan ko

