“Mang Herbert, bilisan po ninyo ang pagpapatakbo. Marami na pong nawawalang dugo kay Krystinia!" Warrick was in full panic. Parang hinahalukay ang lamang-loob niya tuwing humihiyaw si Krystinia sa sakit. Kung bakit napakabagal ng andar ng sasakyan nila. Madilim pa ang kalsadang dinadaanan nila na nakadagdag ng takot sa kanya. Nasa likuran siya ng kotse at inaalalayan nila ni Aling Yolly si Krystinia. “Sir, di po tayo pwedeng magpadalos-dalos. Malakas po ulan kaya madulas ang daan at delikado. Baka lalo po tayong magkadisga-disgrasya," katwiran ni Mang Herbert na pilit nagpapakahinahon. Nakadagdag pa sa tensiyong nadarama niya ang malakas na ulan. “Pero baka hindi na po umabot si Krystinia.” Pakiramdam niya ay pinarurusahan siya ng langit. He had never been so scared his whole life. Gan

