Si Krystinia ang nasaktan sa masasamang sinasabi ng pamilya niya tungkol kay Warrick. Di niya magawang magalit dito sa kabila ng ginawa nito sa pamilya niya. Matindi ang hirap na pinagdaanan ni Warrick. Para dito ay pamilya niya ang may kagagawan kung bakit namatay ang mga mahal nito sa buhay. Nabuhay ito para sa namayapa nitong pamilya. Kung nabuhay man ito para maghiganti, hindi niya ito masisisi. "Kuya Thirdy, totoo bang iniwan mong buntis ang kapatid niya?" tanong niya. Gusto niyang malaman ang totoo. Namutla ito. “Alam mo ang tungkol kay Miranda?” Tumango siya at tiningnan ito sa mga mata. Guilt was written on his face. Ibig sabihin ay totoo nga iyon. "Krystinia, bata pa ako noon. Hindi mo naman siguro aasahan na pananagutan ko ang bata. Hindi naman ganoon kadali…” "That girl is a

